抖阴社区

CHAPTER 25

953 53 5
                                    

Chapter 25

Dei's Pov

Our family usually spends Christmas outside the country, pero ngayon ay rito lang kami sa Philippines. Si Lala Fausta ay pumunta rin dito sa bahay namin para sa Christmas.

After the Christmas ay nakagawian na rin ng family namin na pumunta sa mga charity house upang doon mamigay ng mga gifts sa mga bata na may cancer tapos sa mga bata sa bahay ampunan, at pati iyong mga nararaanan namin sa road ay binibigyan din namin.

Before, hindi ako nakakatulong sa ganito, sa pamimigay at makisalamuha sa mga bata at mga matatanda. But right now, natutuwa ako na kahit sa simple na pagkain at gifts namin ay laking tuwa na nila.

"Ate! Ate!"

I was shocked when a kid, who I think was around five or six years old, held the hem of my Chanel shirt.

"Bebe, ano ba! Naku, sir, sorry po!" ani ng isang staff sa bahay ampunan na aming pinuntahan.

Umiling ako sa babae. "It's fine po." Yumuko ako sa bata. Magulo ang hair niya at lumang-luma na ang damit, but at least hindi siya nangangamoy. Presentable pa rin. "You need something?" tanong ko sa bata.

Hinawakan siya no'ng staff sa shoulders niya.

"Okay lang, ate. You can let go of her." ani ko sa babae para pakawalan niya ang bata.

"S-sige po." sabi no'ng babae at unti-unti ring binitiwan ang batang babae.

Umupo ako sa isang kahoy na upuan na nandirito sa labas ng bahay ampunan. Itong bahay ampunan ay matagal na palang sinusuportahan ng family namin. Marami raw silang nasasagip na mga bata dahil sa tulong ng parents ko.

Lumaki ako na sheltered at walang ka-alam alam sa mga totoong nangyayari sa paligid ko. Akala ko exaggerated lang nila Mama ang lahat. Akala ko OA lang sila na may mga batang ganito. Iniiwan ng mga magulang at pinapabayaan. Akala ko lahat kagaya sa akin. Akala ko lahat kagaya ng parents ko. But reality, sometimes, sucks. Sometimes, reality hurts. Sometimes, reality is too harsh. And it saddens me that such a harsh, cruel, and painful reality is truly real.

Bigla ko tuloy'ng naalala ang mother ni Alcinous na iniwan sila. Tsk!

The more I learned about the real world, the more scared I became. The real world wasn't as good as I expected, and it certainly wasn't as beautiful. I'm just lucky to have a wealthy and loving family.

"Ate?" ani ng bata kaya napatigil ako sa pag-iisip.

Tumabi sa akin ang bata at dala niya ang natanggap na mga regalo galing sa amin.

"I'm not a girl, baby." ani ko naman sa bata.

Babae man ako sa puso, pero lalaki pa rin ako sa panlabas na anyo!

"Huh? Para po kayong babae!"

"Really?"

Nakakatuwa naman ang batang ito! Ang daldal! Parang si Zayla lang!

The little girl nodded her head vigorously.

"Anyways, bakit mo ako tinatawag kanina?"

Inunat ko ang aking paa dahil matagal din kaming nakatayo kanina. Lumabas nga lang ako upang nakapagpahinga.

Malaki ang facility ng shelter. Hindi nagsisiksikan ang mga bata at well-ventilated sila sa nakikita ko naman kanina. Dito naman sa labas, kung saan kami ngayon nitong batang babae, ay malaki. Malaki ang playground at may garden din sila na inaalagaan ng mga bata.

"Gusto ko lang pong mag-thank you! Salamat po sa mga toys at mga bagong bag at papel na bigay ninyo! Para po kayong angel, ate... ay k-kuya pala!" Daldal naman ng bata, mukhang nalilito rin siya kung alin ang una niyang sasabihin.

Boundaries #1: Crossing Boundaries ??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon