抖阴社区

Chapter 1

197 7 0
                                    

Halos mangatog ang tuhod ko sa lamig ng boses niya. He wants me all for himself, huh? Still the selfish man I loved.


Pero ganoon din naman ako sa kanya noon. He's so possessive, both in words and in action. Ako, laging tinatago ko. Nahihiya akong aminin sa kanya 'yon, dati pa man.


"Bitawan mo nga ako, Ry!"


Lalo lang niyang binaon ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat ko. Ang yakap niya'y hindi nag-iba, mahigpit pa rin.


"Fuck, fuck it," he murmured. "Akin ka lang, hindi ka makikipag-date sa kahit kanino..."


"We broke up, years ago! Pwede ba, Ry! Wala ng tayo, matagal ng wala. Bitawan mo ako, o sisigaw ako dito..."


"Edi sumigaw ka," aniya. Gago talaga. "Pero akin ka pa rin. Hindi ako papayag. Hinayaan kitang abutin ang pangarap mo dahil noon 'yon ang tama, pero ngayon. Fuck, babawiin na kita. Damn it, hindi ako papayag, Gonzales! Sa akin pa rin ang balik mo..."


I turned away my head when he removed his head on my shoulder. Nagkatitigan kami ng ilang sandali. Sabik na sabik, tila may sariling utak ang mga labi namin. We kissed like a lifetime betrayed us, bumuhos ang pangungulila.


Tangina, sa huli sa kanya pa rin talaga ang balik ko. Bakit ba ang tanga minsan ng utak ko!


Natigilan kami no'ng bumukas ang pinto sa resident's room namin nila Xandro at Gian. Kaming tatlo ang magkakasama.


Ni-request niya ata 'to kay Ate Gab. Kanila kasi ang hospital, actually magaan pa nga ang buhay naming tatlo dahil sa connection namin.


"Oops, sorry, cous," si Xandro na natatawa. Pero pumasok pa rin ang gago. Nahiga sa kama niya, si Gian naman ay dumiretso sa pantry namin. "Ano 'yan, kayo na ulit?"


"Hind, 'no!" tumayo ako. Natawa si Rylie.


"Pakipot," bulong niya. Umirap ako, sumunod kay Gian. Fuck, I need a logical opinion.


Paano nga ba kami nagkakilala ni Rylie? Dahil umalis si Audrey no'ng high school, napilitan din akong lumipat, 4th year na ata kami no'ng nakilala ko si Rylie, Xandro at Trina.


Laking pasalamat ko dahil lumapit sila Trina noon sa upuan ko. And since then, they included me in everything. Magaan silang kasama, madalas nga lang na tinatanggihan ko sila sa mga gala.


Hindi ko naramdaman na bago ako sa grupo nila. Laging kasama ako, sa kwento, sa plano ng gala kahit alam naman nilang hindi rin ako laging makakapunta, sa pasalubong at sa lahat pa.


Kaya nagulat ako nang minsan nag-away kami ni Rylie. Hindi ko alam ano ang kinakainis niya. Though, lagi naman ata siyang inis sa akin. Which honestly I don't know why, tingin ko pinaglihi lang siya sa  sama ng loob. That's what Trina keeps on saying.


Sinusundan ko siya, papunta ata sa FM Building ang tungo niya.


"Ry!" sigaw ko. Ilang hakbang na ang layo niya, siyempre matangkad siya, basketball player kasi ang kumag! Ako 5'6 lang, siya naman ay 6'2, ano ang lamang ko roon?


Tumigil siya. "Tss..."


Humakbang na ako, parang patakbo na nga.


"Bakit ba galit ka nanaman sa akin? Kahapon ka pa ganyan, ah! Ano bang nagawa ko?"


Naglakad siyang muli, pero mabagal na, parang sinasabayan ako. "Wala..."


Hinatak ko ang braso niya. "Hindi, e. Meron. Ano bang meron kahapon? Nanuod lang naman kami ng game niyo ni Trina, Ky, at Audrey..."


Running in Circles (South Series #3)Where stories live. Discover now