Sobra excited ako no'ng araw ng alis namin. Mom just gave me her long-list of paalalas, then sinundo ako nila Trina sa bahay.
"Morning," I sat beside Rylie, immediately his hand crawled to my waist, pulling me to his grasp, kissing me when it's close.
Xandro scoffed, siya ang nasa harapan, sila ni Trina 'yong nasa likod ng van.
"Morning," I licked my lower lip, pushed him a little after. Kumuha ako ng tissue, inabot sa kanya. Sa mga mata niya ay kita ang pagtataka.
"Nalipat 'yong stain ng lip balm ko," sabi ko. He then checked himself in a mirror I also gave him.
Pero imbes na burahin niya, he kinda spread it evenly on his lips. Lalo akong napakagat sa labi ko.
"Better?" he asked, sa likod wala nang pakealam 'yong dalawa. They both wore their shades, and probably took a nap.
"Pink na lips mo," sabi ko.
"Dati ba hindi?"
Ngumusi siya.
"Hmm, medyo pink," sabi ko. Nagpanggap akong may hinahanap sa hand carry na bag.
"Still shy? One year na natin n'yan, diba?"
"You're so vulgar sometimes," I shook my head. Hinila niya ako palapit.
Smooth naman ang flight namin, ang hindi ko gets sa mga 'to, Cebu lang naman, pero ayaw sa economy. Tss.
Nakabusiness class pa talaga.
Ibang-iba 'yong vibe ng bago nilang hacienda. Kahit mukhang makaluma ang design ng bahay, it looked maintained all through the years that passed.
Magkasama kami sa kwarto ni Riley, may sarili naman si Trina, si Xandro, at ang boyfriend ni Trina.
"You tired?" kinuha niya ang mga paa ko, nakaupo kami sa kama, kakatapos namin ng lunch. He massaged my foot gently, with force when he realized the part that hurt me more.
"Uhm..."
"This one?" he pressed the side of my foot, I nodded. "Bili ata tayo sa bayan ng sapatos mo pangabayo, hindi pwede ang mga dala mo..."
"Sa city pa?"
"Yeah, or pwedeng iutos natin kila Manang Fe," sagot niya. "What's my price? I was nice to Troy for three days now."
"Hmm, you lang? Diba usapan pati si Xandro?"
"That prick won't bow down to anyone, kahit sabihin ko pang ibibigay ko ang kotse ko sa kanya..."
"Tss," I muttered. "Sana one day may magpatino d'yan."
He chuckled. "If you think that I am the worst, him will be the impossible. Bakit tingin mo walang babae 'yon?"
"Meron, duh..."
"Magaling magtago ang isang 'yon," aniya. "But when that time comes that he falls, I am telling you, I'll cut my toe."
"Grabe ka! Malay mo naman, ikaw nga-"
"I played around to conceal and kill my feelings for you, dahil sabi ng dalawa makakasira 'yon-"
I glared at him. "And where that rendezvous brought you?"
"Wala, sa iyo pa rin," malamlam niyang sabi. "Sa iyo palagi."
