抖阴社区

Chapter 8

66 4 0
                                    

Second year was quite okay. Medyo sa unang taon ay naka-adjust naman na ata ako. Bilang nga lang talaga ang naging kaibigan ko.


Kasi tuwing break time, sinusundo ako nila Rylie para sabay sa lunch nila. Sa pag-uwi hindi rin ako maaya ng mga blockmates ko, kasi hindi pa tapos ang klase nasa labas na si Rylie para ihatid ako sa condo. Tapos babalik siya ng school para sa practice nila.


Minsan naman yayayain ako ni Trina, Kylie at Audrey na mag mall, kaya nakakausap ko lang talaga ang mga kaklase ko tuwing nasa classroom.


"Sino 'yon?" agad na nilandas ng kamay ni Rylie ang bewang ko. Tuwing Sabado, grocery day namin.


Himala lang ngayon na sumama si Xandro, may bibilhin ata siya. Himala at hindi niya inutos sa kasambahay nila.


"Classmate ko," sagot ko, hindi binigyan ng kahulugan ang tanong niya.


"Classmate? Saan? Anong subject?"


Xandro shook his head. "Tangina, Ry! Bakit lahat ba ng classmate niya kilala mo?"


"Shut up," Rylie's eyes glimmered with a thunderous type of anger. "Saan nga?"


"Sa lahat, hindi naman irreg 'yon," sabi ko.


"Oh, kilalang-kilala mo ata?"


"Kapangit mo mag selos, Ry," Xandro mocked his cousin. "Kadiri, minsan nagtataka talaga akong Silva ka."


"Kung ihulog kita sa kotse mamaya?!"


I held Rylie's arm. "Babe, para kang ewan."


"Kung ako sa iyo, Ycs, mag-isip ka," hindi talaga natitigil si Xandro. Parang ako na ang manghuhulog sa kanya sa kotse mamaya. Galing mangsulsol minsan.


"Close kayo?" nasa counter kami ay nagtatanong pa din si Rylie. Ilang beses ko na ngang nasagot na hindi.


"Puta, susi nga ng kotse, Ycs," si Xandro. "Hintayin ko na lang kayo sa parking."


Nasa sling bag ko ang susi ng kotse ni Rylie, inabot ko na lang kay Xandro. Tapos iniwan na niya kami.


"Hindi nga," pang limang beses ko na atang sagot sa kanya.


"Bakit ngumiti?" inabot niya sa cashier 'yong card niya, pipigilan ko sana pero pinandilatan ako ng mata ng mokong. I just let him pay, malakas din naman talaga silang kumain ni Xandro. Plus, si Trina, sa condo ko rin kumakain.


"Alangan namang humagulgol siya no'ng nakita ako," sabi ko. Imbes na patulan pa siya, tumulong na lang ako sa bagger sa pag separate ng pinamili.


"Tss, dapat talaga nag LegMa na lang ako," sabi niya. "Kung bakit kasi nagpabudol ako kay Trina na mag accountancy kami."


Hindi ko na lang binigyan pa ng ikakagalit ang mokong na 'yon. As if hindi ko naalala na bago ang entrance exam namin sa college ay inaway pa niya ako.


Dapat din naman susunod ako sa Accountancy sa kanila ni Trina, kasi law school naman din ang punta ko. Pero dahil inaway niya ako, ginaya ko ang pre-law ng mga Kuya ko.


"Ano, bati na?" bungad ni Xandro, nasa likod siya ng kotse. Hindi man nga bumaba ang mokong para tulungan si Ry sa pagpasok sa kotse ng mga pinamili. Tamad talaga ata ang lahi ng mga 'to.


Kaya nakakapagtakang top 1 sila ng batch nila. Well, siguro nasa genes.


Hindi ko nga lang natatanong si Ate Yna, kung matalino din si Kuya Marco, na boyfriend niya ata o ka-fling?


Running in Circles (South Series #3)Where stories live. Discover now