Sa buong byahe ay nagbabangayan sila. Hindi ko nga alam kung anong gabay ang binigay sa amin at nakarating pa rin kami sa bahay nang ligtas at walang natanong kahit anong galos.
I was not just sure if we didn't get any ticket violation. Siguro hihintayin na lang ng kumag kong boyfriend kung meron nga, dahil no contact apprehension naman sa mga dinaanan namin.
"Hmm, thank you, Xandro," sabi ko.
Agad na nanlisik ang mga mata ng boyfriend ko. Nasa loob pa rin kami ng kotse.
"Bakit siya lang?!" singhal niya. "Tss..."
"Hmm, dali niyo namang pag-awayin. Hula ko 'di kayo aabot ng grad school," komento ni Xandro.
Rylie motioned an invisible line. "Dito lang usapan, ungas ka! Nakikisali sa usapan!"
"Tss, baba na ako, thank you sa paghatid niyo," sabi ko. He was about to hop down when I told him not to.
"H'wag na," binuksan ko ang pinto. "Uwi na kayo. Thank you. And please h'wag na kayong magbangayan. Be home safe. Wala akong mashe-share sa mga burol niyo."
Xandro laughed again. "Damn."
"Fuck you," Rylie didn't waver with punching his cousin's arm. Baliw talaga. "Don't look at her like that! Bumaba ka na nga."
Bumaba na ako. Pero kinurot ko ang braso niya bago ako tuluyang nakatapak sa kalsada.
"Text me when you're home."
"Okay, babe," Xandro's at it again.
Hindi ko na tinapos pa ang susunod na bangayan. I had too much of it already.
Nakaligo at nakapag-ayos na ako ng kwarto nang nagtext si Rylie.
From: Ry
I am home.Natagalan ata sila, mahigit isang oras.
To: Ry
Traffic?From: Ry
Hmm, yeah. Ako nga ba ang hinihintay mong magtetext sa iyo? Baka ang pinsan ko pala.To: Ry
Tss, 'yan ka na naman! Of course sa iyo ang hinihintay ko. Hinatid ka niya?From: Ry
Left my car in their house, remember? Tss.To: Ry
Masakit puson ko.From: Ry
Really? Kailan pa? May kailangan ka ba? Want me to deliver them to your door? O grab? Lalamove? Cravings? Medicines? Uhm, compress?Napangiti ako. Ganoon lang at natapos na naman ang pag-aalburuto niya.
He called after few seconds.
"Baby," almost like a lullaby. "Need anything?"
Umiling ako, kahit hindi naman niya 'yon nakakikita. It was just an audio call, ilang segundo'y nagrequest siya ng video.
"Medyo masakit lang," sabi ko, he was sitting on his couch. I assumed, kasi 'yon ang kita sa likod niya.
"Kanina pa bang nasa bahay ka? O no'ng hinatid ka namin? Sorry, ang ingay ni Xandro."
"Pareho kayong maingay," sabi ko. "No'ng paalis lang kayo. I ate my dinner, tapos uminom ako ng gamot, hindi na kaya ng compress, e."
"Hmm, hindi ba talaga pwedeng dalawin ka? I wanna take care of you."
