"Ayaw mong matulog muna?" tanong ko habang mag kayakap pa rin kami. His head was resting comfortably on my shoulder, also giving me shallow kisses on that.
"I'll print the last chapter," he murmured, lalo niyang siniksik ang ulo niya sa balikat ko. Though it was heavy, I didn't complain. I actually missed this.
"Hmm, patapos na ata siya, babe," puna ko. I saw the printer message in his laptop. "Babe, nag-jam..."
"Yaan mo," aniya.
"Hmm, I have to review na," sabi ko. "Bitaw na, may gagawin pa tayo..."
Nakanguso siya noong inalis niya ang mga kamay niyang sobra ang yakap sa akin. In whatever state, he really is a beauty. Ang gwapo niya kahit pagod o puyat.
"Matagal ka mag review? Sabay tayo matulog, ha?"
"Okay," ngumiti ako, inayos naman niya 'yong printer.
Tahimik kami pareho, I had to review, siya namam talaga kailangan niyang ayusin ang pag-print dahil panigurado ang pagbubunganga ni Trina kung may mali.
Dahil hindi pa ako tapos sa kailangan kong basahin, he had to wait, pero kumuha rin naman siya ng reviewer para sabayan ako.
"Hmm, sabi candidate ka daw for Magna?" ngumuso ako, nahihiyang tanungin siya. Sometimes I wonder, may tao bang gano'n lang talaga, they don't even exert their full potential, pero grabe sa grades?
Honestly, I was more studious than him, mas ako ang nakikitang nagbabasa. Most of the time, he's chill.
He shrugged, it was nonchalant. Like it was even nothing for him, or not a big thing.
"Eh si Trin?" natanong ko.
"Cum laude daw?"
"Daw? Hmm, bakit hindi mo alam? Sila Audrey? 'Yong kambal, ano?"
"Babe, it's not even final, may isang sem pa. Nothing is certain yet, unless we have the papers printed," he explained. "Don't be pressured-"
"I am not!"
"Really?" his eyes hinted me with doubt. "You shouldn't be. Your grades are okay, hmm, malay mo laude ka. If not, hmm, sa law school? We'll help each other, and if pareho tayong wala.... mga anak na lang natin ang tumupad ng pangarap natin."
"Hmm, I hope they get your genes, though. Talino ng lahi niyo," sabi ko. "If you graduate with honors now, which for sure you will, I'll be so proud. Proud akong ikaw ang boyfriend ko."
Sumilay ang ngiti sa kanya, it radiated as if he was so satisfied with my affirmation. It's just a title anyway, pero bakit kung achievement niya ang saya ko? Sana sa akin gano'n din ako.
For the next weeks hindi namin halos nakikita si Xandro, bukod sa busy siya sa internship niya, marami din kaming lahat inaatupag.
Si Trina ang lagi kong nakikita, kasi classmate naman sila ni Rylie, at sila rin ang magkasama sa mga group activities.
"Xandro's not replying," Trina said, bumili muna si Rylie ng meryenda. Si Audrey naman at 'yong kambal ang magkakasama sa thesis nila, so wala sila, sa bahay ata ng isang ka-grupo sila gumagawa. "Tss, that bastard, kung kailan kailangan... wala."
"What do you need him for?"
"I need a suit for Troy."
"You have a party to attend to?" I asked.
