Sa two weeks nga kasama namin 'yong tatlo. Pero madalas humihiwalay si Trina at si Troy dahil nga hindi naman nagpapaawat si Xandro. He dissed him subtly, luckily my loyal dog was behaved.
"Uhm, if pupunta tayo do'n sa villa, paano ang pagkain natin?"
I was in bed, lying half of my body, nakasandal ang ulo sa mataas ng unan. Siya naman ay kakalabas ng banyo, parading his toned-abs, naka-boxers lang siya, few beads of water were dripping graciously. It's so godly, I must admit. But my thoughts weren't.
"You can close your mouth, babe," he already put on a fresh simple white shirt. Then a a black cargo shorts.
Tinampal ko ang kamay niyang lumapit sa panga ko. I glared at him.
"Hmm," he closed the distance, ang isang braso ay hinarang sa gilid ko, caging me like his own prisoner. Nanuyo kalaunan ang lalamunan ko, he smirked right then. "Stop seducing me, kakaligo ko lang..."
I rolled my eyes, defending my ego. "Excuse me! Tingin mo lagi pinagnanasaan kita!"
"Hmm, bakit naman hindi? Pwede naman talaga," at ngumisi pa nga siya. "Pwede, h'wag lang sobra, ako nahihirapan sa titig mo."
Our eyes divinely took each other's breath, malalim ang titig niya bago unti-unti lumapat ang labi niya sa akin. Magabal na halik ang ginawad niya.
He smiled after. "Ligo na, baka iba pa magawa ko sa 'yo," kumunot ang noo ko. "We'll buy stocks, dalian mo na..."
Padabog akong bumangon, rinig na rinig ko pa rin ang nakakalokong tawa niya. I tried kissing him, but he averted his face away from me, kaya nainis ako at naisipan na talagang maligo.
"Ang daya niyo! Iiwan niyo ako sa dalawang 'yon?" asar na asar si Xandro sa amin, he even followed us at the grocery. Ang clingy!
Kinabig ni Rylie ang kamay ni Xandro na kumapit sa cart namin. My hand was there, inalis din ni Rylie, he intertwined it with his free hand.
"Two weeks ka na naming kasama, masusuka na ako," sabi ni Rylie.
"Akala mo naman ikaw gusto kong kasama? Ycs, sama niyo na lang ako," sabi ni Xandro. I looked at my boyfriend whose face was contorted already.
"No," he said. "Just call Gian to go here, or go somewhere else, why don't you just go abroad?"
"Iiwan natin 'yong dalawa sa hacienda? No way, baka ano pa gawin ni Troy kay Trina!"
"Then, stay," Rylie said in a commanding tone. "Two weeks na lang, gago, ibigay mo na sa amin 'to!"
"Tss," Xandro grunted. His gaze landed to mine. "Ycs, ingat ka d'yan, baka gapangin ka."
Hinampas agad ni Rylie si Xandro ng isang pack ng potato chips, napailing na lang ako sa bangayan nila.
Diretso na kami sa vacation villa nila Rylie. It looked so highly-maintained, medyo malapit sa dagat. I can't wait to take our photos, lalo sa sunset.
Diniretso ni Rylie ang gamit namin sa pinakamalaking kwarto. Ako naman ay iginala ko ang aking mga mata, the corner walls had peddles on it, there's even a fire place.
The living area had its loungy feeling, the pillows on the couch were covered with crochet cases.
Binuksan ko ang isang pinto, it led me to a balcony where I can see the calm sea. Niyakap ko ang sarili no'ng sandaling umihip ang hangin. It's so tranquil, the place and everything around it.

Chapter 12
Start from the beginning