抖阴社区

                                    

"Yeah, lagi naman niyang sinasabi e," sagot niya sa tanong ko. "Hmm, well, ayaw lang makompara no'n. Considering top 1 ng batch si Kuya Gerard no'ng time nila. Si Kuya Marco alam ko may place din sa batch nila e, hmm, masyado lang atang focus sa Ate Yna mo."


I laughed. "Yeah. Bulag kay Ate Yna 'yon."


"Sana all," sabay naming sabi.


"Nga pala, Ycs, may alam ka bang scholarship?"


My brows furrowed. "Law school? Kailangan mo pa ba? Huy, mag give way ka sa mas kapos," biro ko.


Ngumuso siya. "Hindi. Para sa med. I offered kay Troy sa foundation nila daddy, kaso alam mo naman, ma-pride siya. Baka lang may alam ka? I was supposed to ask Xandro or Ry, kaso last week kasi inaway ko sila o ako inaway nila?"


"Hmm, sige ask ko si mommy," sabi ko.


Rylie and Xandro jogged to us when it was their break. Si Trina din pinuntahan ni Troy. Ang dalawang unggoy ay tumitikhim na naman.


Kinurot ko sa tagiliran si Rylie. Ngumuso siya. I gave Xandro one bottle of gatorade, sumimangot si Rylie. Inabot ko naman ang kanya.


"Tss, ako dapat ang una mo lagi," bulong niya sa gilid ko.


Xandro muttered a thunderous cuss. "Good God! Patawarin niyo po ako kung may pinsan akong mapapatay sa kagaguhan-"


Rylie immediately scoffed. "Kapag napatay mo ako, mamamatay ka naman sa panaginip dahil kukunin kita agad na gago ka!"


"Ewan ko sa inyo," umupo na lang ako ulit, sumunod si Rylie sa tabi ko. Si Xandro naman sa gilid ni Trina.


"Ano pinag-uusapan niyo ni Trin?" bigla niyang naitanong. Nagpupunas siya ng pawis gamit ang puting tuwalyang dala ko. I came prepared this time. From food to all practice essentials.


"Wala naman masyado," sagot ko. "Magkaaway pa rin ba kayo?"


"Siya 'yong nauna," bulong niya, panandaliang lumingon kay Trina, na kausap ni Xandro. Hmm, nasaan kaya si Troy?


"That doesn't mean na huli mong ibaba 'yang pride mo," sabi ko. Tinignan niya ako, gawking at me like I am the enemy.


"Bakit ganyan ka? Hindi ako nauuna lagi sa iyo, sa kampihan laging ako lang ang pangalawa mo," malungkot na sabi niya. "Baka pati sa pangarap hindi ako ang-"


"Babe," I softly held his hand on my leg, he averted his gaze. I forced him to look at me, talagang humawak ako sa leeg niya. "Una ka lagi... it's just that, I know, kahit galit ka mahal mo 'yon. Pero baka dahil hindi mo binababa 'yang pride mo mawala sa iyo best friend mo. Trina's like your twin, I know you're protective, but she's smart. She knows her limit, can't you trust her?"


Lumambot ang tingin niya sa akin. Biglang naghalo ang takot. I pouted cutely.


"Oh, God," he hissed. "Hindi ko ata kayang  may babae tayong anak. Kung ganyan ka kaluwag, baka 'yan pag awayan natin."


Kumunot ang noo ko. "Advance mag isip, si Trina pa lang topic natin."


"Yeah, our first born," he uttered. "Fine, I'll talk to her. Later, kapag wala na 'yong unggoy niya-"


"Ry!" sinaway ko siya. "Hmm, hindi talaga kumpleto araw mo nang hindi mo siya nalalait."


"Well, kalait-lait naman kasi," nagdahilan pa talaga 'to.


Running in Circles (South Series #3)Where stories live. Discover now