"In her defense, classic pieces daw," bulong niya sa akin. Even Xandro was gazing at us, like he wanted us to stop Trina from choosing another brand.
"Kapag tayo may sarili ng bahay, mahal na ang three hundred para sa isang plato," hindi ko mapigilang sabihin.
Because based from what I saw, mukhang ganito din kasi ang nasa bahay nila Rylie. Mom has collection too, pero alam kong hindi naman ganito kamamahal.
"Talaga?" namamangha siyang nakatingin sa akin. "Hmm, ano plato natin?"
"Hindi LV, hindi Dior at hindi Versace," hayag ko. "Baka mapa-isip pa ako kung doon ko hihiwain ang steak ko!"
"Ano baso natin?" nakangisi na siya. I wrinkled my forehead, bakit tuwang-tuwa pa siya, samantalang ako hindi na mag sink in sa akin ang mga pinipili ni Trina.
"Baso," I mocked. "Bakit anong baso pa ba gusto mo, huh?"
His smile widened, a fraction or so, it screamed amusement. "Baso nga," nagpipigil siya ng tawa. "Kahit ano naman, basta ikaw pumili, okay sa akin. I know you have taste..."
He leveled our gaze, he smirked like a devil after. "Ako nga pinili mo e."
"Nailiko mo na naman talaga," singhal ko. "Where are we going tomorrow?"
"Chiang Mai," he replied. "You said you wanna see the elephant sanctuary, right? Then, I am taking you there."
Yumakap na lang ako sa kanya habang pinagmamasdan namin si Trina na mamili ng baso.
"Thanks, babe," I buried my face on his chest, it was a long day in the elephant sanctuary, I had fun.
"You're welcome," it was a sleepy-whisper. "Somewhere else my baby wants to go, hmm?"
"Can we go sa gate market, I searched, okay daw mga food do'n," sabi ko.
"Sure, sa Sunday Walking Street, tara," siya naman ang nagsuhestiyon. "May gusto din ata puntahan si Xandro..."
"Then, let's go din," 'yon na natandaan ko bago dalawin ng antok.
Mahigit isang linggo pa kami sa Thailand, first out of the country naming dalawa, masaya. Biniro pa kami ni Xandro na dapat daw dalasan namin dahil mas wala daw kaming away ni Rylie.
"You sure ayaw mo na sumama ng SG?" tanong ni Trina, sila ni Xandro ay gagala pa.
"I am fine, baka hindi na ako payagan ni mommy sa susunod kapag hindi pa ako uuwi," sabi ko. Tumango naman siya.
"I'll send your photos later," she hugged me. "Message when you're home."
Sa airport kami naghiwalay.
"You sure hindi ka sasama sa dalawa?" nasa eroplano na kami ni Rylie.
"Sawa na ako sa pagmumukha nila," nakapikit siya. We were just waiting for the take-off. "It will just be boring without you."
"Hmm, dati naman hindi talaga ako nakakasama sa inyo, diba?"
He opened his eyes, turning his head to me. "Yeah. Dati. Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng kasama ka. So, no. Vacation will never be the same without you."
"H'wag mo na akong ihatid, sabi ni mommy susunduin daw ako ng driver."
"Hmm, kung ako ang ihatid mo?" ngumuso siya.

Chapter 16
Start from the beginning