抖阴社区

                                    

"Oo, company anniversary lang," sagot niya sa akin. "Hmm, punta kayo ni Ry, ha?"


"'Yong Friday night?"


Tumango siya.


"Try ko, Trin, baka kasi matagalan ako sa OJT ko," sabi ko, noong ngumuso siya at medyo tinamaan ako ng konsenya. "Hmm, I'll try. Swear!"


Her then smile widened, she even wagged her brows. Baliw talaga.


"Ako na bahala mag paalam kay Tita," sabi niya. "Then, may alone time kayo ni Ry, hmm, h'wag lang kayong papahuli... baka nandoon ang Ate mo."


Ngumiti ako no'ng nakita ko naman 'yong mga ka-group ko sa thesis, they sat few tables away from us. Sandali lamang no'ng naka-receive naman ako ng text galing sa isang kasama. Ako ang leader, pero ako lagi ang huli sa mga meeting. Usually kasi kasama ko sila Riley.


"Tagal naman ni Ry," ngumuso ako.


"Bakit? Aalis ka?"


"May last revision pala kami e," sabi ko, sinundan din ng tingin ni Trin ang mga mata ko. Nilingon ko ang banda si Rylie, nagbabayad na siya.


Saktong pagkababa ni Rylie ng food tray ang pagtayo ko. Halata ang gulat sa mukha niya.


"Where are you going?" he said it in a hard tone.


I pointed my groupmates. "Last revision-"


"Hindi ba sabi mo last na 'yong last week?"


"Seriously, Ry? Eh.. last revision nga daw, kulit mo," nainis na sabi ni Trina. "Just go, Ycs. Hintayin ka na lang namin dito."


Rylie held my hand. "Bring your snack."


"Wala pa silang nabibili, tignan mo table nila, sasabay na lang ako sa pagbili sa kanila," tanggi ko. Lalong kumunot ang noo niya, tila naiinis sa inasal ko. "Fine..."


Bawat basa ko sa ineedit na thesis ay siya namang sulyap ni Rylie sa table namin. At ang mga ka-grupo ko naman, hindi rin maiwasang bigyan siya ng pansin. They're gawking at him, as if he's a fresh meat ready to be served to their liking.


"Gwapo talaga ng boyfriend mo, Yca," sabi ni Shanelle, halos mabali na ang leeg niya, at lumuwa ang mata. "Tagal niyo na, 'no?"


"Mag-four," sabi ko.


"So, three?" itinaas ni Reina ang kilay niya, tila sinusubok ako. "Hmm, buti ang laki ng tiwala mo sa kanya? Hindi ba team captain 'yan ng basketball team? Ang sabi malapit sila sa cheering squad-"


"He's faithful," I muttered. Even cussing inside my head, bakit ba tuwing mag eedit kami laging si Rylie ang tanong nila?! Hindi naman tungkol sa boyfriend ko ang thesis, at hindi din naman siya kasama sa panelist.


"Talaga? Paano mo nasabi?" si Florence. Now I know why I am not particularly close to any of them. "'Yong kasama niya? Diba ano niya 'yon.... best friend? Sigurado ka bang best friend lang?"


"I am sure," irritation started to creep in. "'Tong last part, bakit hindi pa rin na-eedit? Diba, ikaw dito, Reina? 'To ring chapter 1, diba ikaw dito, Florence? Shanelle-"


Shanelle then butt in. "'Yong akin, patapos na."


Natapos ang mag hapon na iritable ako, isa lang sa ka-grupo ko ang hindi interesado kay Rylie. Si Riva, hmm, I think she likes girls? O guni-guni ko lang?


"'Yong akin, okay ba, Yca?" si Riva. Nauna nang umalis 'yong ibang ka-grupo namin, mabuti naman, nang natapos kong i-check ang kanila ay umalis na sila. Pinakulo din nila ang dugo ko, mas marami pa ang banggit nila kay Rylie at Xandro kaysa sa paggawa nila ng part nila.


Running in Circles (South Series #3)Where stories live. Discover now