Xandro was coughing beside us, sumasayaw sila ni Trina, hindi magkawak, parang literal na nagpa-party talaga.
"May motel d'yan sa tapat, kung hindi na kayo aabot sa-"
"Shut up!" Rylie and I shouted at Xandro, tinaas niya ang mga kamay niya sa ere.
Trina even laughed. "Okay lang umalis kayo..."
Umupo muna kaming apat. Ang kambal, si Gian at si Audrey ay nasa dance floor, may mga kakilala din kasi sila, at tiyak kong kalat-kalat na sila.
"Stop texting," inagaw si Xandro ang cellphone ni Trina.
"Sino," hindi natuloy ang sasabihin ni Xandro dahil nakita na niya ang mensahe siguro ni Trina, he even looked at her. "Seriously, Trin, just break up. Ang toxic niyo!"
"Mas toxic ka!"
"You know what?" si Rylie. "Iniisip mo lagi na sayang, kasi halos mag-apat na taon na kayo n'yan, pero dahil ba do'n kaya tumatagal ka? Dahil sayang na? Hindi ba mas sayang kung mananatili ka at hindi mo na mararanasan ang mga bagay na deserve mo? Oo, nag-eeffort 'yan, pero ang iparamdam sa iyo na kasalanan na mas angat ang buhay mo sa kanya, that idiot is sick!"
Natahimik si Trina. Tinampal ko ang isang hita ni Rylie, lumagok na lang silang tatlo ng alak. Their mind sometimes! Kahit nag-aaway, synchronized.
Sumayaw pa kami matapos ang kalahating minutong pag-upo, si Trina ang kasayaw ko. We were dancing like we were freed.
"Sorry about Ry," I said, halos pasigaw na nga.
"He's right, though," her smile was faint. "Troy's nice and all, but you know sometimes? It's tiring to be with him, there were days I even thought of breaking up, he's too much, too insecure. Kahit wala namang nagpaparamdam sa kanya ng ganoon. Kasi 'yong dalawang mokong, may limitasyon naman sila."
"Then, why are you staying?"
"I don't know, sayang?"
Kumunot ang noo ko. "Sayang? Dahil na lang do'n? Hindi mo na ba siya mahal?"
"I still do," she cleared it out. "But, hmm, I don't know. Hindi ko ata maie-explain sa iyo, kasi hindi naman issue sa inyo ang gano'n. Well, sabi ni Ry, ipapakilala mo na daw siya sa graduation?"
I nodded, smiled after. "Yeah, I think he deserves it, na ipakilala ko. He earned his keep, and he waited for it patiently."
"I am happy," she hugged me, gave me a shot after. Halos gumuhit sa lalamunan nang nilagok ko 'yon nang diretso. "Deserve niyo pareho. Nakita ko ang lahat ng mga ginawa niyo. Hay, I can't wait for law school, 'yong kasama ka na."
"Babe," the chants I was saying were unrecognizable, we had rows of many shots. It was fun, nasobrahan nga lang ata kasi hindi ko halos alam ang ginagawa ko.
Kanina ko pa naririnig si Rylie, he's saying inaudible words while carrying me to our bedroom.
"Ycs, palit ka muna," tapik niya sa balikat ko. "Let's shower?"
"Anong let's?!"
"Tss, maligo ka na, amoy alak ka," singhal niya.
"Nahihilo ako," ngumuso ako, slightly opening my lids, getting a glimpse of his annoyed face. Ngumiti ako, lalo siyang nainis.
"Ano ba ininom mo?! Sumagot lang ako ng tawag kumaripas ka na ata ng inom," asik niya. My smile grew wider, he may looked pissed, but damn those eyes. Too expressive, too powerful.

Chapter 22
Start from the beginning