抖阴社区

Chapter 2

29 0 0
                                    


Pag-uwi ko sa bahay, hindi ako si Isla na leader. Hindi ako si Isla na palaban. Ako lang si Isla—at sa bahay namin, parang hindi sapat 'yon.

Madalas silang mag-away. Minsan sa sala, minsan kahit may tao. Minsan bulong lang, minsan sigawan, minsan nagbabatuhan pa ng gamit. Pero palagi, ako ang nasa gitna.

"Bakit ba ang tamad tamad mo?"
"Akala ko ba matalino ka, bakit hindi mo maintindihan?"
"Buti pa si ano, gayahin mo si ano."

Tahimik lang ako. Kasi kapag sumagot ako, lalala lang.

Alam kong mahal nila ako. Pero ang hirap paniwalaan kapag bawat galit, ako ang bagsakan.
At sa totoo lang, siguro kaya ko gustong-gusto mag-excel sa school at sa org—kasi doon, kahit papaano, may pumapansin. Doon, may nagsasabi ng "ang galing mo."
Sa bahay, parang kahit anong gawin ko, kulang. Parang kahit ilang medals, ilang projects, ilang gabi ng puyat, wala pa ring epekto.

At bilang panganay, wala rin akong choice kundi tumayo para sa sarili ko.
Ako ang inaasahan. Ako ang laging "dapat marunong."
Hindi ko pwedeng ipakitang pagod ako, kasi baka sabihin, "Paano pa kami?"
Kahit gusto kong humingi ng tulong, hindi ko alam kung kanino.
Kaya natuto akong umiyak ng tahimik. Mag-isip mag-isa. Magdesisyon nang ako lang ang nakakaalam.

Minsan naiinggit ako sa mga kaklase kong umaattend 'yung magulang nila sa card day, o kaya naman with honors o wala sinasabi nilang proud sila sa anak nila.

Ako? Ako yung laging nag-aadjust. Yung laging umiiwas. Yung laging umuuwi ng tahimik para lang 'di na madamay.

Kaya siguro lagi akong pagod.
Hindi lang dahil sa gawain.
Kundi dahil sa pakiramdam na... ako lang mag-isa.

Dahil sa lahat ng 'yon, natuto akong magtago.
Natuto akong ngumiti kahit pagod. Tumawa kahit puno ng problema ang utak ko.
Naging automatic na—kapag nasa school ako, dapat maayos ako. Dapat "strong." Dapat "Isla yan, kaya 'yan."

Pero sa totoo lang, may mga araw na gusto ko na lang maglaho.

Kapag may group work, ako agad ang in-charge. Kasi "ikaw na bahala, kaya mo naman 'yan."
Kapag may event, ako ulit. Kahit wala akong tulog, kahit hindi pa ako kumakain, kahit gusto ko lang magpahinga.
Lahat ng "Kaya mo," naging dahilan kung bakit hindi ko na alam kung kelan ako huling tinanong kung okay pa ba ako.

Nagkakaroon ako ng pakiramdam na... mahalaga lang ako kapag may silbi ako.

Dumating pa sa point na kahit sa mga kaibigan ko, hindi ko na rin masabi lahat. Ayokong maging pabigat.
Ayokong may makaalam na 'di ako okay. Kasi baka isipin nila mahina ako.
At mas lalong ayokong malaman 'to ng pamilya ko. Kasi baka idagdag pa nila sa mga bagay na mali sa akin.

Kaya ayun, every achievement, every award, every project—lahat 'yun, para mapansin.
Para masabing "proud kami sayo."
Pero kahit isa, hindi ko pa rin narinig.

At sa gitna ng lahat, ang pinakamasakit—hindi ko na alam kung ginagawa ko pa ba 'to para sa sarili ko, o para lang maramdaman na mahalaga rin ako.

Grade 9. Bagong section. Bagong environment. Hindi ko alam kung kaya ko, kasi wala mga kaibigan ko rito. May mga kakilala naman ako, pero hindi ako sanay sa ganito.

Tahimik ako sa isang sulok, pinagmamasdan ko lang silang lahat. "Paano ba 'to... makikihalubilo na naman."

Pero hindi ko alam, dito pala ako mas huhubugin.

Dahil sa bagong simula na 'to, wala akong choice kundi patunayan ang sarili ko mula umpisa. Wala nang "Isla 'yan eh" na kilala na. Kaya binuhos ko lahat—sa recitation, sa outputs, sa orgs, sa contests, sa lahat ng pwede.
At doon ako unti-unting napansin.

"Nakakabilib ka, Isla."
"Ang galing mo sa reporting kanina."
"Si Isla na leader."

Isa-isa, naririnig ko ulit 'yung mga salitang matagal ko nang hinahanap. Pero ngayon, hindi dahil may kakilala ako. Kundi dahil ako mismo ang gumawa ng paraan para marating 'to.

Hindi naging madali. May mga araw na gusto ko na lang umupo sa likod at mag-blend in. Pero pinili kong lumaban.
Kasi sa section na 'to, nahanap ko ang sarili ko—hindi lang dahil sa mga achievements, kundi dahil sa kaya ko pala kahit ako lang.

Mas konti ang clubs ngayong Grade 9.
Iba kasi noong Grade 8—halos lahat ng club sinalihan ko. Laging abala, laging may ginagawa. Para bang doon ko hinahanap ang sarili ko, sa dami ng pangyayari at tao.

Pero ngayong Grade 9, mas pinili kong mag-focus.
Hindi dahil napagod ako, kundi dahil mas alam ko na ngayon kung saan ako dapat.
Mas pinili kong pagbutihin ang role ko bilang PIO. Mas pinili kong pagtuunan ng pansin ang academics at mga orgs na talagang tumutulong sa akin mag-grow.

At kahit hindi na ako kasali sa lahat, pakiramdam ko mas buo ako ngayon.
Mas may direction, mas may dahilan ang bawat ginagawa ko.

Bukod sa pagiging mas active sa klase, naging bahagi rin ako ng student council bilang PIO at president ng Arts Alliance.
Noong una, akala ko simpleng role lang 'yon. Pero habang tumatagal, natutunan kong mahalaga pala ang boses sa likod ng impormasyon.
Ako ang tagapagsalita, ako ang nag-aabot ng mensahe.
At doon ko unang naramdaman na... may boses pala ako na may halaga.

Sa bawat post na ginawa ko, sa bawat announcement na binasa ko sa harap ng maraming tao, unti-unti kong binubuo ang tiwala ko sa sarili.

At habang abala ako sa pag-aaral, projects, at mga gawain sa org, may tatlong taong hindi ko malilimutan—sina Mrs. Grace, Mrs. Agustin, at Mrs. Aia.
Hindi lang sila basta teacher sa'kin.
Sila ang mga unang nagsabi,
"Isla, suportado ako sa pagtakbo mo bilang president next year."
"May potential ka. Sayang kung hindi mo susubukan."

Sa dami ng pagkakataong hindi ako sigurado sa sarili ko, sila 'yung tatlong boses na nagtulak sa'kin paangat.
At dahil sa tiwala nila... nagsimula akong maniwala rin sa sarili ko.

In Case You WonderedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon