抖阴社区

Chapter 10

19 0 0
                                    


Hell week nanaman.

Kasabay ng birthday ni thea ang periodical week, at December na kaya need din naming mag prepare para sa Christmas Carol. Nakakahiya talaga 'yung Christmas Carol, pero naging tradition na namin 'yun at need din talaga ng funds.

Kapag periodical week, nagrreview kami through Gmeet ng mga kaibigan kong lalaki.

Kaylangan naming ang isa't-isa lalo na't may kanya-kanya kaming strength at weeknesses.

Madalas ako ang nag-ddiscuss sakanila, pabor na rin sa 'kin 'yun kasi kapag natuturo ko, ibig sabihin naiintindihan ko. Kaya mas na-rrecall ko 'yung mga lessons. Ako madalas sa majority ng subjects, then kapag Math or Science si Kean o Asher naman dun.

Nakakainis kasi kahit sa Gmeet lang, ang kulit-kulit nila. Bigla-bigla nalang mag-oopen mic at magccreate ng sounds, minsan nag-open cam pa habang naliligo, nag-open cam tapos may weird filters o di kaya naman naglalaba.

Pero proud ako sakanila, kasi laging matataas ang results namin tuwing periodical. Laking tulong talaga sa isa't-isa 'yung pagrreview namin.

2nd day na ng pagrreview, bandang 10 pm na 'to. Hindi pa naming tapos ang MAPEH pero nagpaalam sila para matulog, kaming dalawa lang ni Sean ang naiwan sa meet.

Kaya nireview pa rin namin 'yung MAPEH, kasi kahit magkaiba kami ng teacher parehas naman silang Missing in Action palagi. Pero ang hirap mag review kapag hindi naman tinuro.

Kaya wala rin atang pumasok sa isip namin, pero natapos kami mga 30 minutes after pero hindi na namin tinuloy.

GMEET

Sean: "Antok ka na?"

Me: "Hindi pa."

Sean: "Anong ginagawa mo?"

Me: "Wala lang, nagsscroll sa phone."

Tapos na kami magreview, sinukuan na namin. Pero nasa Gmeet pa rin kaming dalawa, ewan ko rin eh.

Sean: "Wait lang, may gagawin lang."

Me: "Okayy."

Nagkwentuhan lang din kami sa meet, tapos after 30 minutes din siguro sabi ko matulog na kami, inaantok na rin kasi ako nun.

[Exam Day]

Papasok na 'ko sa room, bigla akong tinawag ni Caleb at nag-hi. 

Baliw. Tanginang 'to

Hindi ko nga siya pinansin, bahala siya riyan.

Dimissal time na at napagdesisyunan naming magcoftea magkakaibigan, celebration na rin dahil tapos na rin sa wakas. Madalas kami sa coftea, minsan wala lang, minsan nagkayayaan lang pero madalas kasi kapag may nagbbirthday sa 'min doon kaya doon cine-celebrate.

Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa kami napapagalitan o napapa-alis doon, ang kulit kasi nila lagi at ang ingay.

Nagkukulitan nanaman sila at nagbabatukan kaya lumayo ako, nasa tabi ko si Sean siguro dahil ayaw niya ring maki-gulo sakanila. Nandoon lang kami sa gilid, naglalaro ng block blast.

"Tingin." Sabi ko kay Sean kasi nagsselfie ako at sabi ko sama siya.

Tumingin naman siya, at naka peace sign nanaman. "Fav pose mo 'yan e 'no." Pang-asar ko sakanya, dahil ganun lagi pose niya kada magppic kami.

Ang gulo-gulo talaga nila, pero masaya pa rin kasi tawa naman ako nang tawa. Pinagttripan nanaman nila si Noah at pinagtutulungan.

Bwiset, lumayo na nga ako sakanila. Pero 'di tumigil dun ang pang-aasar nila, kaya kahit gusto ko na tahimik lang ako sa gilid nakikipag-away na rin ako. Pero lahat ng 'yon natatapos sa tawanan.

In Case You WonderedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon