Umaga na naman. Sigawan na naman ang almusal ko.
Hindi talaga ako morning person, kaya sa tuwing umaga, hindi na rin ako kumakain. Busog na rin kasi ako sa mga naririnig at nakikita ko. Minsan nasusuka pa 'ko kapag pinipilit kumain. Hindi kasi ako sanay.
Grade 10 na ako ngayon, AM shift na. Pero madalas, gabi pa rin ang uwi ko. Malaking adjustment ang pagiging president. Lalo na't madalas kaming magtalo ni Mama—lagi raw akong wala sa bahay. Minsan pati weekends, ubos na rin sa seminars. Pero hindi ko matanggihan 'yon. Opportunity 'yon para sa akin, at ayoko iyong sayangin.
Maayos at maganda naman ang simula ng G10 journey ko. Pero syempre—change is inevitable.
Noong unang kita ko sa mga magiging kaklase ko, punong-puno ng saya, kaba, at excitement ang puso ko.
Sabi ko pa sa sarili ko, "Ito na 'yon. Magandang environment 'to."
Napapaligiran ako ng matatalino at masisipag na tao—akala ko maiimpluwensyahan nila ako. Akala ko.Maraming familiar faces. Akala ko kilala ko na sila, pero hindi pa pala. May nabuo akong circle, at laking tuwa ko na naging kaklase ko rin si Kiel. Sabi nga ni Ma'am Agustin, hindi raw kami mapaghiwalay noong Grade 9. Kasama siya sa bagong circle ko ngayon—kami ni Jo, si AC, at ako.
Unti-unti ring nawala ang kaba ko.
Alam ko kasing mahirap makipagkumpitensya, pero pinaalala ko sa sarili ko:
"Hindi sila ang kalaban mo. Sarili mo lang."Maganda ang naging grades ko this 1st quarter, kahit hindi ko pa kabisado ang grading system ng teachers. Iba sa kanila, close ko na. Lalo na si Sir Reyes—mabait, maintindihin, at higit sa lahat, naniniwala sa kakayahan ko.
Ka-faculty rin siya ng SSLG adviser ko, kaya madalas pinagkukuwentuhan nila ako.Araw-araw akong nasa AP Faculty. Kung hindi tungkol sa SSLG, may pinapagawa si Sir Reyes.
Isang beses, tinawag ako ng adviser ko. Bigla niyang sabi:
"Sabi ni Sir Reyes, abot Quiapo daw sagot mo." Sabay tawa.
Na-offend ako. Kaya kinausap ko si Sir Reyes:
"Luh Sir, sinabi niyo po 'yun?"
Tawa siya, sabay sabing,
"Ang ibig kong sabihin, mahahaba ang sagot mo. Hindi basta sagot lang—may explanation, may example. Gusto mo laging malinaw."
Sabay tawa kaming lahat sa Faculty. Sanay na sila sa'kin, araw-araw ba naman akong nandun.Naalala niyo ba 'yung kwento ko tungkol sa nakilala ko? Wala na kami. Bwisit 'yon. Niloko ako. Sa kaklase pa.
Sa sobrang inis ko, namura ko siya—isang bagay na hindi ko kailanman ginawa sa kanya. Dahil alam ko kung gaano kabigat 'yon.Pero mas mabigat ang ginawa niya.
Matagal na rin kami no'n. Hindi ko inakalang magagawa niya 'yon.
Masakit, oo. Pero natuto akong magpatawad. At kahit umiyak ako habang ginagaslight ang sarili ko, pinilit kong mag-move on.
Sa loob-loob ko, "Kapal naman ng mukha nun. Ako na 'to, niloko pa."Minsan naiisip ko, baka may mali sa akin. Pero natutunan kong tanggapin: walang perfect na relasyon.
Syempre, hindi ko napigilang ikwento sa friends ko. Lalo na kapag kinikilig ako, kwento agad. Kaya nung nasaktan ako, sila rin unang nakaalam."Tangina, niloko ako pre." 'Yan ang sabi ko sa group chat.
Nagulat sila. Kasi sa mga kwento ko noon, green flag 'yon.
Ayoko namang siraan siya, kaya 'di ko ikinuwento 'yung mga red flags. Pero nung nalaman nila, galit na galit sila.Lalo na 'yung mga guy friends ko—ayaw nila akong nasasaktan. Nakakainis sila minsan, pero sweet din. Gusto daw nila, sila lang ang may karapatang magpaiyak sa'kin.
Ilang linggo pa lang ang lumipas, pero may parte pa rin sa'kin na gustong bumalik.
Parang may boses sa loob ko na nagsasabing, "Okay lang, basta sa'kin ka pa rin uuwi."
Madalas pa rin akong mag-chat sa GC naming magkakaibigan.
Group Chat:
Me: "Miss ko na siya." "Magugulat na lang kayo, kami na ulit."
Binibiro ko lang sila. Gusto ko lang makita reaksyon nila—pero totoo rin 'yung sinabi ko, kahit papaano.
Gab: "Kupal ka pala e."
Kean: "Lala mo gago."
Noah: "Kung ganyan lang din gagawin mo, sana araw-araw mambabae na lang 'yon."Nagulat din sila. Kasi kilala rin nila 'yung lalaking 'yon—madalas pa naming kasama sa review sessions.
Akala ko rin noon, totoo 'yung meron kami. Akala ko lang pala.
Naging kalat din sa school. Dahil dala na rin ng emosyon, nasabi ko sa kaklase niyang friend ko na okay lang ikalat niya. Mali, alam ko.
Pero hindi naging madali sa'kin. Lalo na't sinabi ko sa kanya dati na ayokong maranasan 'yung nangyari kay Mama—na niloko siya ni papa. Sabi ko sakanya sana hindi niya gawin sa'kin 'yon. Um-oo siya. Nag-promise. Pero ginawa pa rin.
Tangina niya.Siguro tama lang din. Siguro iniwas lang ako ni Lord sa taong hindi para sa'kin.
Buti na lang andiyan 'yung circle ko. Andiyan rin si Marcus, kaibigan ko mula pa elementary. Madalas ko siyang kasama nung naging single ako.
Tapos si Jai, sa kanya ako madalas maglabas ng sama ng loob. Kaibigan niya rin kasi 'yon.Nagalit siya sa'kin nung nalaman niyang kinalat ko 'yung issue. Nasa SSLG room kami no'n, may ginagawa, tapos biglang may nag-chat sa'kin.
Alam ko, mali rin ako. Pero 'yung paraan ng pagkaka-confront niya—nanikip dibdib ko. Hindi ko na napigilan, tumulo na 'yung luha ko."Ako 'yung niloko, ah. Bakit ako 'yung masama ngayon?"
Tahimik akong nakaupo sa sulok. Nakita ako ng mga co-officers ko.
"Okay ka lang, Isla?" tanong ng rep ko.
Hindi na 'ko nakasagot. Tumango lang ako habang pinupunasan ang luha ko.
Sinubukan kong pakalmahin sarili ko habang nire-replyan si Jai.
Mahaba ang usapan namin. Sa huli, ako na ang humingi ng tawad.
Sabi niya, nasaktan ko raw si Adie.
At sa mata niya, wala akong pinagkaiba sa ginawa niya.Ayoko nang magdala ng galit. Kaya hinayaan ko na. Tapos na.
Nagka-closure kami. Kasi nung nag-break kami, galit lang ang namagitan. Walang malinaw na usapan.
Nag-sorry siya. Pero hindi ko alam kung sincere. Dahil ba sa guilt? Dahil ba mahal pa rin ako? O dahil nahuli ko siya?Hindi naging madali. Paulit-ulit kong kinukuwento sa iba, dahil paulit-ulit rin ang tanong nila. Paulit-ulit din ang luha ko.
"Hindi ba ako worth it?" "Anong meron siya na wala ako?"
Mga tanong na pilit kong hinahanap ang sagot sa iba—hanggang sa makita ko siya, hawak ang bag nung babae. Ihahatid niya ata.
Ako, nasa kabila ng pedestrian lane.
Hindi ko na napigilan, pumatak ang luha ko."Ni minsan, hindi mo 'yan ginawa sa akin."
At siguro nga, hindi lahat ng tao meant to stay.
Move on na. Move forward.
New month, new me.
Nag-focus ako sa SSLG, sa studies. Sunod-sunod ang seminars.
Masaya ako—o baka nadidistract ko lang sarili ko?Bukod sa responsibilities ko, madalas din kaming lumalabas ng friends ko. Kahit pagod na ako, kahit galing sa meeting—go lang.
Kasi mapapawi naman 'yon kapag kasama ko sila.Iniisip ko, okay na 'yon. Kesa naman nasa bahay ako.

BINABASA MO ANG
In Case You Wondered
Non-Fiction"In Case You Wondered" takes you behind the smiles Isla wears to see the person she truly is. Amidst the struggles at home and the constant need to prove herself, Isla hides her true feelings behind a mask of happiness. This story invites you to loo...