Busy week 'to. Class Observation week kasi, tapos preparation pa para sa G7 Rep ng SSLG. Nakakapagod, pero fulfilling.
Naging successful ang observation namin kay Sir Reyes. Binigay namin ang best namin kasi alam naming deserve niya talaga. Yung performance namin, parang fashion show ang dating! Pinakita namin in a creative way ang mga produktong gawa sa recyclable materials. Isa ako sa mga naging model—kinabahan ako sobra, pero na-enjoy ko rin.
Pagod pero masaya.
Pagkatapos nun, election day na para sa G7 Rep. Ako at si Hakob ang hosts (as always). Duo kami—VP ko kasi siya. Pagkatapos naming magpakilala, isa-isa nang nagpakilala ang mga candidates—lahat sila ay mga president ng kani-kanilang sections.
Then, meeting time. Finally, buo na ang pamilya—nasa SSLG Room kami, syempre, ang tahanan namin.
After nun, umuwi na ako. Grabe, pagod na pagod na ako kasi same day lang lahat ng ganap. Ang dami ko pang kailangang gawin.
That night, habang nag-aaral ako, may biglang nag-chat. Nagulat ako.
Ex MU ko noong G8. Good terms naman kami, pero di ko in-expect.
Ito lang 'yung mga linyang tumatak sa akin:
"Hinding hindi kita makakalimutan."
"Ewan ko, iba talaga magmahal ang isang Jaiden eh."Jusko. Nananahimik na ako, ginugulo na naman ako. Tinawanan ko lang. Hindi ko na siya kinausap ulit.
Actually, may iba pang nagparamdam. Nagkaroon kami ng closure, siya 'yung naging boyfriend ko nung G8. Parang gusto pa niya bumalik, sabi niya na-miss niya raw ako. Two years kaming hindi nag-usap pero lagi kaming nagkikita sa parish—sakristan siya kasi roon.
"Ba't kayo 'yung bumabalik?" Boses sa utak ko. Pero sa totoo lang, wala na akong gusto pang balikan pa.
Agad ko 'to kinuwento kay Jai.
CHAT
"Jai, na-miss niya raw ako," sabi ko.
"Buti pa 'yang si ___ na-miss ka, si Adie hindi," biro niya.Nakilala ko si Jai sa parish. Mabait siya, at higit sa lahat, naiintindihan niya ako. Madalas kami magkwentuhan. Isa siya sa mga nag-push sa akin na bumalik sa pagse-serve. Simula noon, naging regular na ako sa simbahan.
Sobrang busy ko these past weeks. Kung hindi seminars, kailangan ako sa Faculty.
Birthday ng Head Teacher namin kaya pinatawag ako at si Grasya para tumulong sa surprise party. No choice. Nag-excuse agad ako sa subject teacher namin.
After nun, part kami ng celebration.
"Isla, kumain ka na ba?" "Kumain na kayo." Sabi ni Sir. Reyes. Hindi ko man sinabi, pero sobrang na-touch ako nun.
Kahit pagod, masaya pa rin. Kapag may free time kami, nagkukulitan kami ng mga kaklase ko—kung hindi kwentuhan, TikTok naman.
Backlogs:
English Reporting AP Reporting MAPEH Groupings Filipino Reporting
Lectures (Wednesday):
Filipino TLE Math
Due Immediately (Monday):
MAPEH Activities Math Portfolio
Written Works to Review (Tomorrow):
Math (WW3) TLE (WW3)
Hell week nanaman.
"Nagbabagsakan dito in one, two, three," bulong ng utak ko habang lutang na lutang na 'ko.Sabay ang review at cramming. Completion week + Periodical week = sobrang pagod.
Schedule:
Class: 6:00 am – 12:20 pm SSLG Duties: 12:20 – 3:30 or 4:00 pm Notes: 4:00 – 6:00 pm Review: 7:00 – 11:00 pm
Halos wala na akong tulog. Hindi na kaya ng katawan ko, pero kailangan. Dagdag pa diyan, may upcoming event kami kaya kailangan din mag-stay sa SSLG Room ng ilang oras.
Pagod, pero tuloy lang.
Minsan napapaisip ako—para kanino ba talaga lahat ng 'to? Kapag tahimik na ang lahat, ako na lang ang gising sa silid, minsan hindi ko na rin alam kung pagod lang ba ako o malungkot na rin.
Periodical day na. Kulang sa tulog, punong-puno ng kaba. Parang 'di na nga ako tao—walking exam paper na lang siguro ako. Sa Math, tumitig lang ako sa number 4 ng matagal, parang umaasa na biglang lilitaw ang sagot sa papel. Sa Filipino, halos magdikit-dikit na ang mga letra. Pero kahit ganun, lumaban pa rin. Kasi wala naman akong choice, 'di ba?
Recess time. Lutang na lutang ako sa pagod. Nilapitan ako ng friend ko.
"Isla, may ire-reto ako sa'yo," sabi niya, sabay tawa.
"Baliw," sagot ko. Umalis muna ako—kinausap ko 'yung iba kong kaibigan sa kabilang section.
Pagbalik ko, gusto ko sanang manghiram ng e-fan. Lagi kong hinihiram 'yon sa kanya, pero laging may kondisyon. Nakakainis.
"Chanz, peram ng e-fan. Please." May kausap siya nun, pero wala akong pake. Ang init-init na kasi.
"Hi ka muna sakanya," sabi niya. Nagulat ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ilang segundo akong tahimik.
"Ih, ano ba. Pahiram lang eh," sabi ko.
"Oh, bahala ka diyan."
"Hi," sabi ko rin, kasi 'di ko na kinaya 'yung init.
"Hello," sagot naman ng lalake.
Sabay takbo na 'ko palayo, pero narinig ko silang nagtawanan.
Hindi ko in-expect 'yon. Matagal na rin kasi mula nung may nagparamdam. Parang ang refreshing lang, kahit hindi ko rin alam kung ready pa ba ako sa gano'n. Pero dahil doon, kahit papano, gumaan 'yung araw ko.

BINABASA MO ANG
In Case You Wondered
Non-Fiction"In Case You Wondered" takes you behind the smiles Isla wears to see the person she truly is. Amidst the struggles at home and the constant need to prove herself, Isla hides her true feelings behind a mask of happiness. This story invites you to loo...