Pagmulat ko, madilim na sa kwarto. Hindi ko na namalayan ang oras—ganun yata talaga 'pag sobra ka nang pagod. Pero kahit nakapikit ako kanina, hindi naman talaga ako nakapagpahinga. Ang daming gumugulo sa isip ko. Naalala ko pa 'yung number 4 sa English—kahit titigan ko pa nang isang oras, wala pa ring lumitaw na sagot. Tapos 'yung Filipino, parang nagsasayaw na lang 'yung mga letra sa papel.
Binuksan ko twitter ko, tagal ko na rin palang hindi nakapag-rant dito.
"Hindi ko alam kung napagod ako dahil sa exam o dahil sa lahat ng bagay na sabay-sabay kong binubuhat."
Tinigilan ko na. Baka kasi kung ituloy ko pa, tuluyan na akong mapuno.
Habang nakatitig ako sa kisame, bigla ko siyang naalala. 'Yung nireto sa'kin. Simple lang, pero para bang may tunog 'yung katahimikan niya. Nakakatawa, kasi ilang segundo lang naman 'yon, pero bakit ba naiisip ko pa rin?
"Gusto ko ng crush." Pabiro kong sabi kay Chanz.
"Tanga, ayaw mo talaga kay Caleb?" sabi niya naman sa'kin.
"Ok lang. Cute siya." Sagot ko.Kahit papano, gusto ko ring malaman kung sino nga ba siya. Hindi dahil may gusto agad ako—pero dahil curious lang. O baka dahil ang tagal ko na ring walang ibang iniisip kundi grades, deadlines, org tasks... siguro okay lang ding pansamantalang mapaisip sa ibang bagay. Sa ibang tao.
Naging mutuals kami, at nag-reply siya sa story ko. Ikinuwento ko 'to kay Chanz.
"Nag-reply siya sa story ko."
"Thank me later." Sabi naman niya. "Cute mo nga raw e. Chinita." Dagdag pa niya.Sabi ni Chanz, i-update ko raw siya sa bawat interaction namin. Dahil siya raw ang "creator and director of the story." Kuno.
"I will sakal you if he tarantados me like other guys." Pabiro kong sinabi pero seryoso ako kasi hindi pa 'ko desidido, may part sa'kin na ayaw ituloy.
"It's like someone is giving you a 1 million but you don't want it." Sagot niya, naniwala naman ako.
Minsan kasi, gusto mo lang din maramdaman na may nag-aabot ng effort. Na may taong hindi mo kailangang habulin. Na may dumarating kahit hindi mo hinihingi.
Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung kaya ko pang dumagdag ng isa pa sa iniisip ko. Kasi pagod na pagod na 'ko sa mga bagay na kailangan kong ayusin—tapos heto, may bagong "what if" na namamagitan sa isip ko.
Pero naisip ko rin: baka ito na 'yung pahinga na hindi ko hiniling, pero ibinigay sa 'kin. At kung totoo man 'yun, siguro... deserve ko rin. Kahit konting kilig lang.
Pag-uwi ko, hindi na ako dumiretso sa kwarto. Naupo muna ako sa may pintuan, bag ko nasa sahig, sapatos hindi ko na nga natanggal. Tahimik lang sa bahay. Pero kahit walang maingay, ang gulo-gulo ng loob ko. Parang may kumakabog, pero hindi dahil sa kilig—dahil sa pagod.
Nakatulala lang ako. Para bang sinasakal ako ng mga to-do list na hindi ko naman natatapos. Projects, reports, meetings, responsibilidad, tapos ngayon... emotions? Ang dami.
"Bakit ganito?" bulong ko sa sarili ko.
Ginusto ko 'to, 'di ba? Ginusto kong maging active, maging involved. Ginusto kong maging leader. Pero bakit parang nalulunod na ako sa mga bagay na dati kong ipinaglalaban?Alam ko sa sarili kong hindi lang physical na pagod 'to. Mental. Emotional. Pati 'yung passion na dati naming pinanghahawakan, parang unti-unti nang nauupos.
May exam pa bukas. May deadline. May meeting. May mga tao pang umaasa sa'kin.
Pero ako... kailan ko ba huling kinamusta ang sarili ko?
Kinuha ko ang phone ko, nag-open ng twitter sabay tweet ng:
"Hindi ko alam kung ginagawa ko pa 'to dahil gusto ko, o dahil kailangan ko."
Gusto ko lang matulog. Gusto ko lang... kahit isang araw, mawala muna lahat ng pressure.
Pero sa mundo ko, hindi puwedeng huminto.
Ilang araw din akong hindi okay. Hindi man halata, pero ramdam sa kilos ko—mas tahimik, mas lutang. Pero kahit ganun, hindi ko rin maiwasang mapangiti ng kaunti kapag nagno-notify si Caleb.
Simple lang naman siya mag-chat. Wala masyadong effort. Pero may dating.
Minsan, bare minimum. Pero sa panahong parang wala nang nakakaalala kung okay pa ba ako, sapat na rin na may nagtanong kung nakain na ba ako.
At inamin ko na rin sa sarili ko. Oo, naging kalandian ko si Caleb.
Pero hindi dahil bored lang ako. Kundi dahil gumaan 'yung pakiramdam ko kapag kausap ko siya. Parang kahit isang parte ng araw ko, hindi tungkol sa responsibilidad, hindi tungkol sa pressure—kundi tungkol sa pakilig na wala sa plano.
At kahit hindi ko alam kung saan kami patungo, o kung may patutunguhan ba talaga 'to—masaya ako na andito siya. Sapat na 'yung gumaan lang kahit kaunti.
Simula nung nagkaroon kami ng something ni Caleb, mas naging close ako kay Ky—GF siya ni Chanz. At madalas kami lagi ang magkakasama, ako, si Ky, si Chanz at si Noah.
Na-appreciate ko kasama si Ky kasi ang gaan ng vibe niya—hindi niya ako pine-pressure maging okay, pero parang gumagaan na lang lahat kapag nandiyan siya. Kaibigan ko siya, pero minsan mas totoo pa siya sa'kin kaysa sa mga taong matagal ko nang kasama. Ang saya saya niya kasama, ang gaan lang sa loob kasi madalas tawa lang kami nang tawa habang nagkkwentuhan.
Sa totoo lang, dati hindi maganda ang impression ko sakanya. Pero nagbago 'yun nung nakausap ko siya nang heart to heart, dun ko siya nakilala. And we're inseparable ever since.
Pag-uwi ko, akala ko okay na. Akala ko makakahinga na. Pero ilang segundo pa lang, may narinig na naman ako.
"Anong oras ka nanaman umuwi, puro ka lakwatsa."
"Wala ka na namang silbi sa bahay."Tahimik lang ako.
Gusto ko sanang sumagot, pero pagod na 'ko. Hindi dahil sa katawan lang, kundi sa paulit-ulit na pakiramdam na kahit anong gawin ko, laging may kulang. Laging may mali.
Gusto ko lang naman maging masaya.
Gusto ko lang naman ng konting kapayapaan.
Pero parang ang hirap yata nun dito.Kahit gaano ka pa kaayos sa school, kahit gaano karaming responsibilities ang kaya mong buhatin, pagdating sa bahay, para ka lang walang kwenta.
Parang hindi sapat kahit anong gawin mo.
Naglinis naman ako. Tinulungan ko naman sila. Pero ang nakita lang nila 'yung moment na napagod ako, 'yung sandaling umupo ako para huminga.
Wala man lang "kumusta ka" o "pagod ka na ba?"
Lahat ng tao sinasabi, "Isla, proud ako sa'yo."
Pero sa bahay, parang hindi nila alam kung gaano kahirap maging ako.
Minsan naiisip ko, kung ibang tao lang ako, maiintindihan kaya nila ko?Pero balik tayo kay Caleb, okay naman kami. Pero kada aalis kami nila Ky, at inaaya namin siya. Lagi siyang may rason, pero kapag mga kaibigan niya nagagawan niya ng paraan. Kaya ewan ko, hindi ako sigurado.
Pero gano'n pa rin naman, nag-uupdate kami sa isa't-isa pero hindi kami nagddate. 2 months na pero parang wala lang, hanggang apir lang.
Hanggang sa hinayaan ko na, kung ganoon ang gusto niya edi sige.
Madalas kami magsama ni Marcus dahil inaaya niya ako palagi, pumapayag naman ako. Minsan sa coffee shop, minsan nagrride kami, at minsan sa mall.
Hindi ko na iniisip ang mararamdaman ni Caleb, pero nag-uupdate pa rin ako.
Hanggang sa nalaman ko, na may iniintay pala siyang bumalik.
Sabi na e, kaya ganun siya.
Nagpaka-tanga nanaman ako.
Nalaman ko 'to kay Ky, na nakikipag-usap siya sa ex niya sa notes. At naka-hide 'to sa'kin, bukod doon madalas pa raw siyang magkwento tungkol sa ex niya.
Nung gabing nalaman ko 'yon, hindi ko alam kung paano tatapusin. Pero siya ang tumapos, hindi niya ako nireplyan at nilast chat niya pa 'ko.
"Sinabi ko lang 'to, Isla, kasi ayaw kong magmukha kang tanga." Dahil sa gitna ng pagkkwento ko kay Caleb, bigla niyang kinuwento ito. Hindi ko nanaman napigilan, tumulo ang luha ko at yakap-yakap ako ni Ky.

BINABASA MO ANG
In Case You Wondered
Non-Fiction"In Case You Wondered" takes you behind the smiles Isla wears to see the person she truly is. Amidst the struggles at home and the constant need to prove herself, Isla hides her true feelings behind a mask of happiness. This story invites you to loo...