Madalas ko rin kasi silang sawayin, okay naman sila e, pero kapag nagsama-sama jusko po. Parang mga hayop na nagsama sama sa isang zoo.
After namin sa coftea, sabay-sabay kaming naglakad papunta kila Asher. Tambay raw kami doon, at sakto dahil ayaw ko pa namang umuwi.
Habang naglalakad kami nagtatakbuhan kami hanggang sa napagkwentuhan naming 'yung nadapa sila Asher at Chanz dati habang naglalaro kami ng bente uno. Pagkakaalala ko, birthday ni Xavier nun. At habang naglalaro kami, may kasamang tagu-taguan dahil ayaw naming magpahuli. Sakto kasi navideohan din namin 'yun pov ng isa't-isa, kaya core memory sa 'kin 'to. Hinahabol na sila Asher ng taya, e nakabike si Asher at nagkabungguan sila ni Chanz. Tawa kami nang tawa dahil sumemplang sila at saka nagkasugat.
Habang palakad, pinabuhat ko kay Sean bag ko dahil ayaw kong may binibitbit. Hindi rin naman magrreklamo 'yun, mabait kasi hehe.
Sa bahay nila Asher, nasa labas kami at nagkkwentuhan, nakatambay lang. Wala kaming ginagawa pero ang saya sa pakiramdam, kasi magkakasama kami.
Nakita ko rin 'yung kapatid ni Sean, kamukha niya.
"Ang cute. Kapatid mo?" Sabi ko sakanya, dahil magkapitbahay lang naman sila ni Asher.
"Oo." "Mana sa kuya, e." Kainis.
Nag-hi ako at nag-hi naman siya pabalik, nginitian din ako.
Habang nagppic kami, sila Noah naman at Xavier ay naglalaro na parang mga bata. Nagpipitikan sila ng panyo at nagtatakbuhan sila, habang si Asher nagpapatugtog sa speaker.
After ng ilang oras, gusto ko na umuwi at magpahinga.
"Pahatid ako."
"Sabay na tayo, maya ka na uwi." Sabi ni Xavier
Ih, 'yoko. Wala na 'kong social battery.
"Pahatid. Pahatid. Pahatid." Pangungulit ko sakanila.
Eventually, pumayag naman silang ihatid ako. Hinatid ako ni Sean kasama ng iba pa naming kaibigan sa may terminal. Nakita ko rin sila na bumibili ng tusok-tusok kasi nadaanan ng tricyle na sinakyan ko.
Kahit tapos na ang periodical, hell week nanaman. Fuck shit talaga.
Dalawa ang seminars ko this week, habang kaylangan ko pa rin magpractice at gumawa ng sayaw para sa Carol.
'Yung unang seminar ko, within school lang. Facilitator ako, at ako rin ang in-charge sa mga delegates. Una kong sinabihan ang section ko, pumayag naman sila. Ang saya-saya pa nila kasi alam nilang may free food doon at ma-eexcuse sila sa klase.
Hanggang sa nagbago ang time at afterclass na naming 'yung seminar, biglang nagsi-ayawan na sila. Hindi ko alam ang gagawin ko, kasi umagree na sila at nasabihan ko na ang Head Teacher na section naming ang aattend. Problema nanaman 'to.
Sa mismong araw pa kasi sila ng seminar nag back-out, mayroon namang mga pumayag pa rin umattend pero wala pa sa ¼ ng target audience 'yun.
Sobrang kabado at stress ko, kaya napa room-to-room ako sa buong 6th floor mag-isa. Ako lang.
Inannounce ko 'yung tungkol sa seminar at binigyan ko sila ng consent, akala ko solved na.
Hindi pa 'ko nakakakain pero dumeretsyo na agad ako sa conference para mag-ayos ng seats kahit may time pa para makakain ako. Bukod sa ako lang ang SSLG Officer na nandun kahit binigyan ko rin ng consent ang co-officers ko, halos walang umattend that time.
Sobrang problemado at desperado ko kaya naghahanap ako ng puwedeng mahakot sa seminar nun. Hanggang sa hindi ko napigilan na mag tanong sa mga gc, sa section naming, sa gc naming magkakaibigan kung nasaan na sila. Sinabi ko 'yung situation, pero wala e, sineen lang ako.

BINABASA MO ANG
In Case You Wondered
Non-Fiction"In Case You Wondered" takes you behind the smiles Isla wears to see the person she truly is. Amidst the struggles at home and the constant need to prove herself, Isla hides her true feelings behind a mask of happiness. This story invites you to loo...
Chapter 10
Magsimula sa umpisa