抖阴社区

09

31 2 0
                                        

ESTRADA.

Pagdating ko sa 7/11, bungad sa akin si Seth na naglalaro sa cellphone niya, nagmumura pa ito.

"Antanga," iritado niyang sabi at binagsak ang mamahalin niyang cellphone.

Grabe, naka-iPhone 16 Pro Max—ay, wala pa palang ganyan sa panahon ngayon. Cellphone ko nga na samsung, di ko maibagsak kasi mamahalin, tapos sa kanya binabagsak lang.

Napahilamos siya sa mukha. He is wearing a hoodie dahil maulan ngayon, tapos ako naka-t-shirt lang at short.

Si Seth kahit saan mo tingnan, ang gwapo eh, tapos kapag katabi ko siya, nagmumukha akong hampaslupa.

Nang tumingin siya sa akin, nagulat pa siya at napatayo sa upuan niya. Kunot-noo ko siyang tiningnan.

Pinaupo niya ako sa tabi niya, tinago niya ang cellphone niya sa bulsa ng hoodie niya at tiningnan ako.

"May gusto ka ba?" tanong niya sa akin. Inilingan ko siya. "Congrats pala, future archi."

He smiled. Wala pa nga, excited agad.

"Thanks," sagot ko sa kanya. "Sure ka wala kang gusto? Beer, you want?" he asked, at tinanguan ko lang siya.

Umalis siya sa upuan at kumuha sa freezer ng dalawang beer, kumuha pa siya ng chichirya. Ni hindi ko alam kung binayaran niya 'yon. Basta-basta niya na lang binuksan.

"Don't worry, kami naman may-ari nitong 7/11," natatawa niyang pagkakasabi.

Wow, swerte naman ng magiging jowa nitong lalaking 'to. Kahit di ka na maggrocery o magbaon, kuha ka na lang—may pagkain ka na, libre pa.

"Bakit mo ba ako gustong makita?" walang alinlangan kong tanong.
"Nothing, gusto ko lang makita ka."

Bwisit na kupal 'to, nagsayang lang ako ng pamasahe sa wala.

"Ibalik mo pamasahe ko," sagot ko sa kanya. Tumawa siya. Tanginang tawa 'yan, sarap sa ears. Tapos kapag si Cisco kapag tumawa parang shokoy.

May kinuha siya sa bulsa niya. "It’s your lego. Ibabalik ko lang, naiwan mo 'yan nung nilibre kita ng ice cream," sabi niya at inabot sa akin yung lego na bulaklak.

Hinawakan ko 'yon. Kaya pala di ko mahanap, na kay Seth pala. It was a gift galing kay Radio. Kamusta na kaya siya? Ni wala kaming contact sa kanya. Ayaw sagutin mga tawag namin.

"Syd, kamusta kayo ng tropa mo?" tanong niya. Tumikhim ako bago siya sagutin.

"I have no contact with him. Ni hindi rin siya umattend sa graduation namin. Yung pamilya kasi n'on, mga bampira," pagbibiro ko sa dulo ng sabi ko.

Natawa naman siya. "Nga pala, watch our game. Kalaban namin 'yung school ng mga tropa mo," aya niya sa akin. Tanging sagot ko lang ay pagtango.

Wala naman ako masabi. "By the way, tell your friend Cisco Neil that I knew he dated my sister. Tarantado kamo siya," he chuckled.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Baliw talaga si Cisco. Kung sino-sino pinapatulan. Kapag hunting talaga ni Seth si Cisco, wala talagang kawala ang gagong 'yon.

"Baliw talaga ang kupal na 'yon. Lahat na lang pinapatos, kahit saan-saan nilalabas sandata niya," natatawa kong sabi. He laughed even more kaya halos magdikit ang kilay ko sa asta niya ngayon.

"Why are you laughing?" sita ko sa kanya at tiningnan siya na parang gusto kong mainis siya kay Cisco dahil sinaktan ang kapatid niya.

"Your reaction is funny as hell," he said, still laughing his ass off in front of me.

I Wanna Be Loved By YouWhere stories live. Discover now