ESTRADA.
Andito kaming lahat sa may skydiving, isa 'yon sa wishlist ni Mother Earth.
Sila Abel at Conan lang ang wala dahil may pupuntahan daw sila.
Hawak ko ang bag ni Mama at nakapulupot ang kamay niya sa braso ko.
Tiningnan ko si Mama, her smile grew larger and larger dahil sa mga nakikita niya at amaze siya.
She took out her phone and gestured to me. "Picturan kita, Nak, dito oh," utos niya sa akin.
Para akong 'yung bata dati na kapag aalis kami ni Mama kung saan-saan niya ako pinipicturan tapos ang post ko may peace sign.
I let out a soft laugh and smiled at the camera, raising my hands and making a peace sign.
"Tita, picturan ko din po kayo ni Syd," I heard Seth say at ngumiti siya sa kanya. Natuwa naman si Mama at agaran akong tinabihan.
Cisco also took a picture. I smiled brightly, ayaw ko nang matapos 'tong araw na 'to. I want to spend more time with her.
I smiled to the camera one more time, putting my arms on her shoulder.
Nag-skydive kami sabay ni Mama. Gusto ko ganito si Mama — 'yung masaya lang siya.
Gusto pa raw mag-try ni Mama ng isa kaya inasikaso siya ni Cisco.
"Aren't you going to be sad, Syd?" I heard Exis ask. Taka akong tumingin sa kanya. I don't know what he is talking about.
"Para saan? May dapat ba akong ikalungkot?" tanong ko sa kanya at umiwas ng tingin sa mga matatalas niyang mata na may suspisyon sa akin.
"I can tell just by looking at you. You can't fool me, asshole," he whispered at ibinaling ang tingin kina Cisco at Mama.
"Wag mo muna isipin 'yan, Syd. Spend happy times with your mother. Wag mo isipin na huli na ang lahat para maging masaya kayong parehas," he sighed and tapped my shoulder.
"A mother can feel their children's sadness, remember that?" he said one last time and walked away from me.
Gusto ko mang magsaya pero parang ayaw ko dahil sa ganito na ang iniisip ko.
I'm still thinking that I know maybe today, tomorrow, or the next day, or after a week, she will be gone and vanish from my life completely.
Anong gagawin ko kapag wala na si Mama?
Bumalik lang ako sa wisyo ng tawagin ni Mama ang pangalan ko. "Nak, picturan mo ako dito," she ordered me happily.
She smiled. Gusto ko palagi kong nakikitang masaya si Mama.
Nang mag-skydive siya ay hinayaan ko na lang muna siya at lumapit kay Seth na ngayon ay may dalang tubig para sa akin. Kinuha ko 'yon at nagpasalamat sa kanya.
"Feeling better?" he asked, fixing the strand of my hair. Tumango ako sa kanya at ngumiti.
Hindi ko pa pala nasasabi kay Seth 'yung gusto kong sabihin sa kanya.
I forgot about it dahil sa mga ganitong bagay.
As for Radio, hindi ko pa rin makalimutan 'yung panaginip ko last time. Laman pa rin siya ng puso at isip ko.
Hindi ko pa rin mapigilan kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya. Move on na, move on na ako — oh kailan ba?
Pero mistulang pinaglalaruan ako ng tadhana, dahil sa puso ko may nabubuhay na naman na pag-asa.
He invades my inner self, including my heart, as always. The way he looked at me made my heart flutter again.
Tangina kasi eh, traydor din 'tong puso ko eh. Gustong-gusto si Radio pero ayaw ko sundin ito.

YOU ARE READING
I Wanna Be Loved By You
RomanceLIBRO SERYE#2 DIO AND SYD I believe that soulmates are lovers, and I always believed that we meet people for a moment or even for a lifetime, but now I believe that soulmates don't have to be lovers; sometimes they are just your best friends.