ESTRADA.
Masakit para sa akin ang lahat at totoo 'yon — sobra pa sa sobra ang sakit ng nararamdaman ko ngayon.
Every time I see her in her white coffin, ramdam ko lahat ng bigat, lungkot, at pasakit.
Mabuti na lang andito ang mga kaibigan ko, kasama ko.
Nakayakap sa akin si Tita Tracy, isa sa mga kaibigan ni Mama. My eyes are bloodshot, sa totoo lang.
Wala pa akong tulog. Kung minsan, thirty minutes lang ang tulog ko dahil nananaginip ako palagi ng masama.
"Nak, matulog ka muna. Wala ka pang tulog," she whispered. Ayaw ko matulog, gusto ko magbantay. Hindi ko sinagot si Tita at nanatiling walang imik.
"Hindi matutuwa ang Mama mo, Syd, na hindi mo inaalagaan ang sarili mo," she whispered again.
Inaalagaan ko naman ang sarili ko pero gusto ko kahit papaano ipakita na inaalagaan ko si Mama bilang pagbabantay sa kanya.
"Ta, gusto ko alagaan si Mama," mahina kong sabi at nakatingin pa rin sa kabaong ni Mama sa harapan ko.
"Syd, wala na ang Mama mo, kaya hindi mo na siya maalagaan.
Kaya alagaan mo ang sarili mo — 'yan ang bilin ng Mama mo sa'yo," narinig ko na umiiyak siya kaya mistulang napaiyak rin ako.
Miss na miss ko na si Mama. Sobra.
"Tuparin mo ang kagustuhan ng Mama mo para sa'yo," dagdag niya. Kaya napilitan akong tumayo at pumunta sa kwarto ko sa itaas.
Dinaanan ko lang sila Cisco na nag-uusap sa isang tabi malapit sa guest room kung saan sila natutulog.
When I sat down on my bed, I looked at the picture I and Mom took when I was a kid.
I traced every inch of it at habang ginagawa ko 'yon, hindi ko maiwasang pumatak ang luha ko doon.
Ma-miss na miss nakita. Humiga ako at niyakap ko 'yon. I closed my eyes while tears were still streaming down my face.
Sana ako na lang ang kinuha, hindi si Mama. If I would suffer in this world, sana sumunod na lang din ako.
Nakaramdam ako ng may humiga sa kama ko.
Gumaan ang pakiramdam ko ng panandalian dahil alam kong makakatulog ako ng maayos.
It was Radio, who always lays beside me every time I sleep, kasi nakakatulog talaga ako.
Kahit ramdam ko ang inis ko sa kanya, ay hindi ko na lang siya pinagtulakan.
His presence invaded me once again. Hindi ko lubusang maisip na hahantong ulit kami sa ganito.
I prayed for this for so long — that maybe someday he’ll be back and embrace me once again just like before.
Niyakap niya ako pero nanatili lamang akong hindi gumagalaw. Mas okay na 'to, at least makakatulog ako ng mahaba.
Kahit papaano makakapagpahinga ako at makakalimot.
Maybe tomorrow will not be bad again. Maybe tomorrow the shine of the sun will be shining throughout the sky.
Nang magising ako dahil sa sikat ng araw sa bintana ko, doon na lamang ako napabangon.
Wala na si Radio sa tabi ko, pero pakiramdam ko andito pa rin siya. Pero ngayon lang nagsink-in sa akin lahat — na tinabihan talaga niya ako kagabi sa pagtulog.
Hinawakan ko ang dalawa kong pisngi dahil doon.
Gusto ko magwala dahil parang ang bilis ko lang mag-give in sa lahat, pero nakakapagtaka naman na tinabihan talaga niya ako.

YOU ARE READING
I Wanna Be Loved By You
RomanceLIBRO SERYE#2 DIO AND SYD I believe that soulmates are lovers, and I always believed that we meet people for a moment or even for a lifetime, but now I believe that soulmates don't have to be lovers; sometimes they are just your best friends.