ESTRADA.
Binigyan ako ni Seth ng tubig sa loob ng sasakyan niya, ininom ko 'yon, binigyan niya rin ako ng panyo. Kinuha ko 'yon sa kanya.
Nanahimik lang siya habang nagda-drive. Ganda ng kotse niya, yayamanin. Tapos sa likod ng kotse niya ay nakahanger yung uniform niya at jersey niya.
"Do you want to eat anything?" he asked. Umiling naman ako, nawalan ako ng ganang kumain. Napapansin kong tumitingin siya sa akin kaya tinanong ko siya kung bakit.
"Where do you want to go?" sambit niya. Kahit saan, basta malayo sa lugar na 'to. Kahit alam kong may pasok ako bukas, parang ayaw ko pumasok at makita ang pagmumukha ni Radio.
Naf-frustrate ako. Ginusto ko naman 'to, 'di ba? Yung bumalik kami sa pagkakaibigan namin, pero 'di ako umaaktong gano'n.
"Kahit saan," tipid kong sagot.
Sumandal ako sa bintana ng kotse niya at pinagmamasdan yung dinaraanan namin. Madilim na, 'di ko alam kung saan kami pupunta.
Nalulutang ako ngayon. Naiinis ako kasi nalulutang ako sa mga bagay-bagay.
Why can't I act like one of his friends again?
Nababanas ako sa sarili ko. Parang kasi ang awkward na. I like Radio, that's for sure, pero naiisip ko kasi na alam niya, siyempre.
Then he's just chill with it, na parang akala mo 'di ko siya gusto.
I mean, he believes that I don't like him anymore dahil nangako ako. Sa tingin niya ba gano'n lang kadali 'yon?
Ang mawalan ng nararamdaman sa taong matagal mo nang gusto, tapos palagi mo pang nakikita?
Nababanas talaga ako sa mga nararamdaman ko. I hate myself more than anything. Halos pukpukin ko na ang ulo ko ng martilyo dahil sumasakit na ang ulo ko sa stress.
"Syd," he softly called out, kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya.
"What's wrong? Kanina pa kita tinatawag," sabi niya. Masyado akong nalunod sa mga iniisip ko.
Umiling ako at bumaba sa sasakyan niya. Tumatama ang malamig na simoy ng hangin sa mukha ko. I closed my eyes.
"Hoodie?" alok niya, kaya kinuha ko. Isinuot ko 'yon. Hindi naman ito kalakihan, ka-body build ko rin naman si Seth pero medyo malaki ang kanya, at yung height difference namin ay 'di naman gano'n kalayuan.
Amoy na amoy ko yung lemon na pabango niya—bagay sa personality niya.
"Feel better?" he asked. He put both his hands in his pockets. Medyo malayo siya sa akin konti.
Nandito kami ngayon sa isang bridge. 'Di ko alam bakit niya ako dinala dito, pero gumaan naman pakiramdam ko.
"Salamat, Seth."
Tumango siya at binaling ulit ang atensyon sa iba. 'Di ko alam, pero kahit papaano ay gumaan talaga ang pakiramdam ko.
Feel ko parang every time na nalulungkot ako eh siya ang nakakatagpo ko kahit saan, umiyak man ako o maging malungkot.
Coincidence lang siguro.
Tapos 'di ko pa pinakinggan yung advice niya sa akin na mas may point kaysa sa mga kaibigan ko.
Huminga ako nang malalim. Konti na lang, pati lamok eh masinghot ko na. Inabutan ako ni Seth ng beer na kaagad kong tinanggap.
"You really like beer a lot, no?" Natawa siya sa naging tanong ko at bahagyang napayuko. Tumango siya.
"Yeah, kaysa naman manigarilyo ako," sambit niya at ininom yung beer niya.
"Kamusta ka?" tanong niya sa akin.

YOU ARE READING
I Wanna Be Loved By You
RomanceLIBRO SERYE#2 DIO AND SYD I believe that soulmates are lovers, and I always believed that we meet people for a moment or even for a lifetime, but now I believe that soulmates don't have to be lovers; sometimes they are just your best friends.