抖阴社区

16

35 1 0
                                        

ESTRADA.

Tinatawanan ako ni Exis ngayon na nasa harapan ko, na para bang akala mo ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Binato ko siya ng dala kong notebook.

"Ayan, tanga ka kasi. 'Yan tuloy, may nililigawan na. Suko ka na, Syd. Wala na, seryoso na 'yon sa kapatid ni Abel," natatawa niyang sabi habang tinatapik ang balikat ko.

Ilang araw din akong walang imik sa mga kaibigan ko, lalo na kay Radio. Tahimik lang din akong pumapasok sa room namin.

Iniiwasan na rin ako ni Coreen, ni hindi ko nga alam kung anong problema, pero hinayaan ko na lang din.

Magmo-move on na ba ako? Pero parang ayaw ko. Paano ba? Baka may pag-asa pa ako, since Abel's sister is into girls.

Mas mukha pa atang mananapak 'yon kaysa kay Radio.

I sighed. Andito ako ngayon sa 7/11 para magpalamig. Ang init kasi sa labas kahit gabi. Nakaharap ako mismo sa glass wall nitong convenience store.

May dumamping malamig sa pisngi ko. When I looked up, it was Seth smiling from ear to ear.

"Hi," he greeted me. Namumula pa nga ito, di ko alam, baka may sakit ang lalaking 'to.

"Beer?" alok niya at inabot sa akin. Kinuha ko 'yon at nagpasalamat. "Sorry, Syd ha, kung di kita nakausap nung nakaraan at tinakbuhan lang kita."

Ngumiti ako at nag-thumbs up, "Okay lang."

"Sorry talaga, Syd ha," sabi niya pa kaya tiningnan ko na siya ng masama. Hay nako, puro sorry, nababanas na ako.

I drank the liquid from its can. The bitter taste of it made my nose scrunch. Sa sobrang tagal kong di nakainom ng ganito, iba na ang lasa.

"Can you come with me? Nature trip?" bigla niyang sabi. "Do you have any plans for your vacation? I can adjust my schedule for you," sunod niya pang tanong.

Sasama ba ako? Nature trip kasama si Seth? Hindi ba weird 'yon? Magkaibigan naman kami, kaya okay lang siguro.

"I'll check my schedule," I uttered and smiled, at nginitian rin niya ako. Yung presence ni Seth ay nakakalma talaga. Ewan, kapag kasama ko si Seth, komportable ako.

He is such a good friend.

Padabog akong hinarap nila Centi at Exis ngayon. Mga nakabusangot, parang akala mo may mga kaaway. Magkasalubong ang kilay nila parehas.

"Wag niyong harapin ako ng ganyang itsura niyo. Pati ako nababadtrip," sabi ko sa kanila ng walang alinlangan.

"Banas talaga yung kupal na 'yon. Porket alam niya na naibagsak ko isa kong subject, ginaganyan niya na ako. Ang tanga ko raw," Exis uttered.

Halos di mo maipinta ang mukha niya, parang anytime mananapak na siya.

"Tanga ka naman talaga, nasasaktan ka kasi totoo," natatawang sabi ni Centi at pabirong sinuntok ang braso niya. "Malay mo, maging kayo."

Pagbibiro niya, yung isa naman akala mo diring-diri eh, "I'm straight," depensa niya.

"Mamaya makita ka namin iniiyakan mo 'yon," natatawa kong sabi sa kanya.

"Whatever, that guy isn't funny at all," he said, rolling his eyes.

"Any plans for our vacation?" tanong ni Cisco, kaka-rating lang.

"Well, me and Radio are going to our hometown. Pinatawagan kasi siya ng tatay niyang baliw," ani ni Centi.

"Ikaw, Cisco?" I asked.

"Well, election is coming up. I need to help my family," he sighed. Labag talaga sa loob niya 'yon. Nakakasira pa ng image niya yung pagiging parte ng pamilya ng Mallari.

I Wanna Be Loved By YouWhere stories live. Discover now