抖阴社区

                                        

"Good. 'Wag mo na pansinin yung kanina. Nothing happened serious," sabi ko sa kanya dahil baka magtanong.

Ayaw ko na pa-problemahin si Seth about doon. Ayaw ko magpaburden sa kanya dahil sa problema ko.

Nakakahiya kasi binigyan niya ako ng advice pero 'di ko mai-apply. Nahalata niya kaagad na ayaw ko pag-usapan 'yon kaya 'di na siya nagtanong pa.

Ang observant niya naman.

Umuwi ako sa bahay namin at nadatnan ko si Mama na may tinitipa sa cellphone niya. Hindi siguro niya ako pinansin.

Niyakap ko siya sa likod. "Ma, gabi na, bakit gising ka pa?" tanong ko sa kanya.

"Oh anak, andito ka na pala," sabi niya at hinalikan ako. Tiningnan ko ang buhok ni Mama—may puti na rin 'yon.

I can't help but think that one day she'll grow old. Si Mama na lang ang pamilya ko. Ayaw ko siyang mawala.

Tinabihan ko si Mama at niyakap ko siya. Hinaplos niya ang buhok ko. Si Mama maliit lang, tapos ako parang halimaw. Kahit na gano'n, baby pa rin ako sa paningin niya.

Natatawa nga ako kay Mama. Kahit alam niyang may abs ako, sasabihin niya lang ay nawawala rin 'yon kapag nagkataon.

"Bakit, malungkot ka ba, anak?" tanong niya sa akin habang ang mata ay nasa screen pa rin. Umiling ako.

Ayaw ko na ma-stress si Mama sa mga happenings sa buhay ko. Si Mama lang ang nagwo-work sa amin. Gusto ko siyang tulungan kaso ayaw niya. Siya na raw bahala doon.

Masyado akong masunurin, pero mga kaibigan ni Mama ang nagregalo sa akin ng kotse at rest house nung nag-eighteen ako.

Masyadong OA nga. Dapat twenty-one 'yon kasi lalaki ako, 'di naman babae.

"Anak, gusto mo ba makita Papa mo?" biglaang tanong ni Mama sa akin, kaya napatingin ako sa kanya na nagtataka.

Aminado naman ako na naglo-longing ako sa father figure pero sapat na si Mama for me. Kaya ayaw ko siyang makita.

"Ayaw ko, Ma. Ikaw lang sapat na," sagot ko sa kanya.

"Nak, paano kung mawala ako tapos wala nang mag-aalaga sa'yo?" biglaan niyang sabi, kaya naman tiningnan ko siya at tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Ma naman, 'wag mo nga sabihin 'yan. 'Di ka pa mawawala," sabi ko sa kanya, pero mistulang napaisip ako doon.

Ayaw ko mag-isip ng mga negative thoughts because it feels wrong to feel that way.

Pagdating ko sa school, nakita ko sila Dio na magkakasama sa iisang bench. I should act like I wasn’t bothered by it. Ayaw ko magpahalata na masyado akong apektado doon.

Nakipag-fist bump ako kina Cisco. Nakatingin pa nga sila sa cellphone nila eh.

"Naiinis ako sa classmate ko sa isang minor subject naman. Grabe ako laitin, akala mo, 'di siya kalait-lait," reklamo ni Exis. Halatang naiinis ito dahil pati tainga namumula.

"I just want to remove that smug look on his face, pati yung eyeshadow niyang kulay pink," sabi niya at pinakita yung kamao niya. Nagtinginan kami nila Abel.

Baliw talaga ang isang 'to. Wala namang kinakausap, inangat pa kamao niya.

"Kainis, naapakan ego ko. Feel ko tuloy yung mga babae sa room namin eh ginawa akong hot topic nila. I mean, I like the attention, 'di ko naman ipagkakaila."

Binato siya ni Centi na kakarating lang. "Ang yabang," sagot niya dito at umupo sa tabi ko.

Kinuha niya ang cellphone ni Cisco at siya ang naglaro.

"Everytime na mangyayari 'yan na may nanglalait sayo, isipin mo nalang na totoo kase totoo naman. Atsaka totoo namang kalait-lait ka," buwelta ni Cisco.

Nainis naman itong isa halos magdikit na ang dalawa niyang kilay.

"Ang init sa Pilipinas. Gusto ko na bumalik sa New York," reklamo niya at ginawang pamaypay yung hawak niyang papers.

"Pinili mo dito, 'di ba? Magdusa ka," Dio scoffed and drank from his water bottle. Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa kanya.

Nawala yung galit ko nang tumingin siya sa akin at ngumiti. Pero kahit gano'n, gusto ko pa rin siyang humingi ng sorry sa akin.

Yung hiling ko, parang ang laki, at alam kong 'di niya ibibigay 'yon because last na yung nakaraan.

Gano'n kaming magtotropa. Walang taniman ng galit. Walang sorry-sorry kapag gano'n, unless it did hurt their feelings. Minsan ginagawa pa nilang biro yung pagso-sorry.

May lumapit sa amin at si Coreen 'yon—kaibigan ko na nga ito eh dahil siya nagpahiram sa akin ng notes nung nakaraang linggo.

Mabait si Coreen, maganda pa at top notcher, katulad ko. Kaya close kami at talagang ma-topic siya. '

Di ako attracted sa kanya. Siguro kung ako yung high school na Syd, ay talagang magugustuhan ko siya. Kaso magkaibigan lang kami.

Napatingin sa amin si Centi at Cisco, isama mo pa si Exis, na gulat na gulat. Akala mo first time na may babaeng lumapit sa akin.

"Syd," she called out. Ramdam ko yung tingin ni Radio sa amin pero 'di naman ako sinaksak.

"Hi Coreen, bakit?" tanong ko sa kanya at hinarap siya.

"Pinapatawag ka na nila Marcus. Kailangan daw statement mo," sabi niya.

Napatingin siya sa mga kasama ko pero wala siyang pake. Pero nahalata 'ko ang tingin niya kay Abel.

Yung titig na 'yon, iba talaga.

"Grabe Syd, 'di namin alam may girlfriend ka na," rinig kong sabi ni Cisco, kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Tinikom niya naman ang bibig niya at binalik ang tingin sa nilalaro niya.

"Tara na ba?" sambit ni Coreen at nginitian ako. Tumango ako at binitbit yung mga gamit ko.

Nagpaalam na ako kina Exis at tumingin ako for the last time kay Radio, na ngayon ay may kasamang babae sa tabi niya.

Napayuko ako at sa inalis ang tingin sa kanila. Ano pa bang inexpect ko?

Palagi naman.

I Wanna Be Loved By YouWhere stories live. Discover now