Pwede naman si Cisco, o di kaya si Exis, pero bakit siya pa? Pero ngayong araw, wala rin. Wala akong panaginip na masama.
Ginulo ko ang buhok ko at dali-daling lumabas. Nadatnan ko sila sa baba. Bakit parang ang daming tao sa baba?
Bumaba ako para tingnan kung sino ang mga nandoon. Ang mga kapatid ni Mama? Bakit andito sila?
Nang makita nila ako, may ngiti sa kanilang mga labi pero alam mong peke.
Nakita ko sila Tita na hinahainan sila ng pagkain. Bilang respeto, lumapit ako kahit na ganoon — they are still my mom’s family.
Umupo ako sa harapan nila, pero ang mas kinainis ko sa lahat — o mas gusto kong sabihin, ang nagpagalit sa akin — ay wala man lang silang “kamusta” bago sila magtanong sa akin ng mga bagay-bagay.
"Ngayon pa talaga nawala ang nanay mo, Syd. Masyado ka kasing pinamper ng nanay mo kaya humantong sa ganito," she casually said.
Nakaramdam ako ng guilt doon, pero bakit parang kasalanan ko pa?
"After all, it’s her choice kaya namatay. Besides, wala na rin naman siyang matutulong sa pamilya natin," Tita Erma said — may pagka-arte at sarkastiko niyang pagkakasabi na para bang wala ako dito sa harapan nila.
"I should have known in the first place na mawawala din ng pakinabang ang nanay mo, Syd," dagdag niya pa. Confused akong tumingin sa kanya.
Natawa siya sa harapan ko na para bang pinagmumukha niya akong wala.
"So your mother didn’t tell you? Alam mo ba na ginagastusan kami ng nanay mo because she owes us something? Wala din talagang hiya ang nanay mo, Estrada. She didn’t even finish paying all of her debts," sambit niya sa akin at tumingin.
Magkano ba ang halaga nun at ganyan siya makapagsalita sa Mama ko? Huminga ako ng malalim.
"Now that your mom is gone, Syd, wala na siyang silbi. Ang nanay mo, Syd, nakakandakayod matustusan ka lang, tapos ikaw wala namang kaalam-alam," she scoffed, annoying me even more.
Umiinit talaga ang ulo ko sa tuwing nakakarinig ako ng mga ganyang salita na sinasabi nila sa Ina ko.
Tumayo ako at yumuko, nanggigil ako sa galit at ang kamao ko ay pinagsiklop ko.
"What now, Syd? You are gonna hit us? Wala na talagang ginawang tama ang Mama mo," she said, provoking me even more. Pero bago pa man ako lumapit, sinampal na siya ni Tita Lucy.
"Wag mong pagsalitaan ng ganyan si Sonya! Umalis na kayo dito at wag na kayo manggulo. Imbis na magkaroon kayo ng respeto, talagang nandito pa kayo para mang-insulto. Ni hindi niyo nga kinamusta ang anak niya tapos gaganyan pa kayo ng salita," pagalit niyang sabi at dinuro-duro ito.
Sasampalin niya sana si Tita Lucy kaso napigilan niya ito.
"Subukan mo lang ulit. Magkakaroon talaga ng patayan dito sa burol na 'to. Kaya lumayas na kayo," sambit niya ulit.
Mahahalata mong hindi siya nagbibiro, kaya padabog na kinuha ni Ate Erma ang kamay niya at kinuha ang bag niya.
"You owe us, Syd," banta niya pa sa akin at dinuro ako.
"Magkano ba?" singit ni Cisco sa tabi ko. Kunot ang noo niya at magkasalubong ang kulay brown niyang kilay.
"At sino ka naman? Karelasyon nitong si Syd?" taas-kilay na tanong ni Tita Erma.
Matapang din talaga siya at binangga niya pa talaga si Cisco.
"No. I’ll be the one who will put you in jail. Gusto mo basahan pa kita ng batas dito ngayon mismo?" Cisco asked na parang iritado na talaga at kaunti na lang, sasabog na sa inis.
Tinarayan na lang siya ni Tita at nagsalita,
"Syd owes us 30 million cash."
Sa pagkakasabi niyang ‘yon ay napanganga ako.Thirty million pesos? Ganoon kalaki? Paano at bakit?
May kinuha si Cisco sa maluwag niyang pants at kinuha ang libo-libong nakapile doon at nilapag sa lamesa. Napatalon naman ako saglit.
"Oh ayan, forty million. Isampal mo sa mukha mo. Umalis na kayo dito bago pa mag-init ang ulo ko," sabi ni Cisco at inayos ang nagulo niyang buhok.
Their eyes lit up in amusement — not because of Cisco, but the money in front of them. Dali-dali nilang kinuha 'yon at umalis sa harapan namin.
Mga mukhang pera.
Umupo ako at huminga ng malalim. Hinilot ko ang sentido ko dahil sumasama na naman ang timpla ko.
"Na-stress ko bangs ko," I heard Cisco said as he fixed his hair in front of me.
"Kailangan ko na magpa-salon talaga."I heard he sighed at natawa si Exis na katabi niya.
"Lakas ng tama mo. Ilang milyon 'yon ha? Para kang nagwaldas ng pera ng isang minuto lang."
I heard them chuckle for a moment.
"Nakaw ba 'yan?" Centi asked."Bobo ka ba? Galing 'yan sa sugal. Well, I guess I'm lucky last night," ngisi niya sa harapan namin at para bang masaya sa nangyari kagabi.
"Bida-bida ka talaga. May pasabi-sabi ka pang babasahan ng batas. Baliw, amputa," Centi said at natawa sa sinabi niya.
"Well, I am." Kibit-balikat niya at nag-unat.
"Wag mo na bayaran, Syd. Barya lang 'yon," natatawa niyang sabi at sumipol-sipol sa harapan namin bago umalis sa pwesto niya.
Good mood ata siya pero mamaya, nagrereklamo 'yon na naubusan siya ng thirty million sa isang lapagan lang, pero di niya naman ako sisingilin.
—
This chapter is dedicated to hahatangaaaa catshiii Aleexyappie_123

YOU ARE READING
I Wanna Be Loved By You
RomanceLIBRO SERYE#2 DIO AND SYD I believe that soulmates are lovers, and I always believed that we meet people for a moment or even for a lifetime, but now I believe that soulmates don't have to be lovers; sometimes they are just your best friends.