抖阴社区

                                    

After maraming hanash all through out the ride, nakarating narin ako, finally!
I texted Maddie muna to tell her I'm just going to grab coffee at Starbucks.
She replied naman agad and agreed.


Nang malaman ko na pumayag siya, nagstart nako maglakad papunta sa Starbucks. I'm here nga pala sa BGC. Dito kasi yung building ng management ko eh. So going back, patuloy parin akong naglalakad papuntang Starbucks.


Minsan nagskiskip pako. Oh diba. Parang bata lang. Lolz. Bigla naman akong may nakasalubong na matanda.


"Iha, pwede mo bang mabili itong bananaque na aking binebenta? Sige na oh. Di pa kasi ako nakakakain." Bigla naman akong nanlambot at naawa sa matanda.


"Nay, bilhin ko na po iyan lahat para makakain ka na." Sabi ko sa kanya ng nakangiti.


"Talaga? Nako! Salamat ng marami, iha! Pagpapalain ka ng Diyos! Napakabait mong bata. Hayaan mo, ipagdadasal kita. Darating rin siya." Tuwang tuwang sabi niya saakin. Kaso may binulong siya eh. Di ko naman narinig. Pagkalingon ko, bahagya akong nagulat!


"Walang anuman ho, Nay-" Hala saan siya napunta? Bigla nalang nawalang parang bula. DI KAYA MULTO IYON? Waaaaaaaah!


Maglalakad na sana ako pabalik nang may mapansin akong papel sa lapag. Kinuha ko ito at binasa.


Darating siya na tunay na magpapakita sa'yo ng tapat na pagmamahal. Mag-ingat at magtiwala, wag agad pangunahan at puso'y gagaan.


Luh, grabe naman! Kinilabutan ako ng slight. Tinago ko ang papel na iyon sa aking bag. Pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko papunta sa SB.


Ano kayang ibig-sabihin non? Lord, sign ba 'to?


Sa haba ng paglalakad ko, narating ko rin ang SB. Init na init akong pumasok at umupo sa dulong table na may sofa. Tinanggal ko ang cap at shades ko. Sana walang nakapansin saakin kanina. Phew!


Pumunta nako sa counter at nagorder. Inabot ko na ang bayad at umupo ulit sa table ko. Buti nalang talaga malakas aircon dito. Ang init init sa Pilipinas! Nagpaypay ako gamit ang kamay ko at binuksan ang social media para sa updates.


"Caramel Machiatto for Bea!" Napatingin naman ako agad sa counter. Anudaw? Bea raw?


Lumapit ako sa counter para tignan. Akala ko si Beatriz ang nagorder, yun pala ibang tao. Haaaays. Napaasa mo ako dun ah. Choz.


After magpalamig dito sa Starbucks at uminom nang sandamakmak na kape, napagdesisyon ko na pumunta na sa office.


Malapit lang naman iyon dito kaya di ako nahassle. Pagpasok ko ng building, binati naman ako ng mga guards.


"Goodafternoon po, Miss Louisse!" Masigla nilang bati saakin. Nginitian ko naman sila pabalik.


Pumasok nako sa elevator at pinindot ang 6th floor. Pinikit ko muna ang mga mata ko para marelax ako. Nakakahilo kaya dito sa elevator.


May pumasok naman na tao at tumabi saakin. Sinulyapan ko siya ng slight sa gilid ng mga mata ko at nakitang nagbabasa siya ng newspaper. Napansin naman niya ito at napatingin saakin. Umiwas naman ako agad kaya di na niya pinansin. Bumaba siya sa 4th floor. Pamilyar nga yung amoy na yun eh. San ko nga ba ulit naamoy yun?


Nang makarating na ako sa 6th floor, agad naman akong lumabas at naglakad papunta sa office.


"Goodafternoon, Mads. I'm sorry ngayon lang ako. Am I late?" Sabi ko kay Maddie nang makapasok ako. Umupo naman ako sa chair ko.


"Goodafternoon, also, Miss Louisse. Actually, di naman po. Di pa naman dumarating yung kameeting mo. Dumaan pa siya sa office ni Big Boss." May binigay naman siyang papel saakin. Kailangan ko pa pala ito pirmahan.


Nagpirma muna ako ng mga papeles. Kinausap ko muna si Maddie habang wala pa siya.


"Psst, Mads! Wala pa namang ibang tao. Chika muna tayo." Nilapag ko ang mga papeles at humarap sa kanya. Ansaya kaya nitong chair ko. Pwedeng umikot ikot. Wieeee!


"Osige. Anong ganap girl?" Sabi ni Mads saakin at ngumiti nang parang ready na siya makarinig ng chismis. Hay, Yrenea! Hahahahaha.


"May nabangga kasi ako kanina while I'm on my way to SB. Ang weird talaga. Like kasi ganito-"


Biglang bumukas ang pinto at niluwa ito ang isang taong di ko inaasahang makita dito.


"I'm sorry. I'm late."


"Beatriz?!"


Oh my gosh.

In Sync (Jhobea)Where stories live. Discover now