Bea's POVI opened my eyes slightly and reached to my side. Kinapa-kapa ko at wala akong naramdaman. Nasan si Louisse?
Bigla naman akong nagpanic. She shouldn't go home yet, not yet, please.
Dali akong pumasok sa banyo and did my morning ritual. Lumabas ako ng kwarto at nakaamoy ng mabango. Hmm. Amoy bacons and pancakes.
I went down and saw Louisse facing her back at me.
Thank God, di pa siya umalis. Ngiting ngiti naman akong lumapit sa kanya.
"Goodmorning, beautiful." I kissed her cheek.
Humarap naman siya sakin at ngumiti. "Goodmorning also to you, Beatriz."
"Ang bango naman niyan, Louisse." I was about to get the food but she slapped my hand away.
"Hey, op, op, op. Wash your hands first." Sabi niya saakin at tinaboy ako papunta sa sink.
I quickly washed my hands and went to her again.
"Ayan, you can eat na. Maya nalang ako. I'll just finish cooking this." She looked at me nang mabilisan at ngumiti sakin at tsaka pinagpatuloy yung pagluluto niya.
"No, I'll wait for you."
Napatingin siya sakin ng mejo matagal. She slowly smiled. I guess alam niyang double meaning 'yun.
"Okay, Beatriz. Thank you for being patient with me."
Ako naman ang napangiti sa sinabi niya. This kind of little things from the two of us means alot to me. Napapasaya na ako sa maliit lang na bagay katulad nito. Basta masaya siya, masaya ako.
Natapos rin siya sa niluluto niya and joined me for breakfast.
Sabay kaming nagdasal para magpasalamat sa biyaya.
"...Amen. Eatwell." Sabay naming sabi sa isa't isa. Napatawa naman kami.
"Mtb talaga tayo, Louisse."
"Hahahaha. Ewan ko sa'yo, Bea." Umiling iling siya habang nagpipigil ng ngiti.
Kumain naman kami ng matiwasay. After namin kumain, ako ang nagvolunteer maghugas ng mga plates.
Mabilis ko namang natapos ang mga iyon at nagproceed sa living room.
Nakita ko namang nagbabasa ng libro si Louisse. Bookworm rin pala 'to?
"Hey, Louisse, anong binabasa mo?"
"The Fault in Our Stars." She simply said.
"Oh." Natahamik naman ako ng ilang saglit. May naaalala lang ako.
"Ba't ganyan mukha mo?" Nakatingin na siya sakin ngayon at nakalapag na ang libro sa table.
"I just remembered something.. but di malinaw para saakin."
"Ganun ba? Baka soon maalala mo rin yan."
Tumango naman ako bilang sagot. Ugh, sumasakit ulo ko.
"Louisse, pwede bang pakiabot yung gamot sa drawer? Ansakit ng ulo ko." Hinihilot ko muna yung sintido ko.

YOU ARE READING
In Sync (Jhobea)
Fanfiction"Sing me your heart, Jho." Your love made harmonies on my flesh. The sun has finally risen from the fall. Tell me how you feel, oh darling. I promise not to hurt you no more.