Bea's POV
"Thank you!" May babaeng yumakap sakin.
"Teka nga, Miss." Inalis ko yung yakap niya. Nakita ko si Louisse, namumula na sa galit.
"I just want to thank you for being so kind kanina." Nagsmile siya sakin.
"No worries." I smiled back.
"Tapos na ba kayo? Mauna na ako ah." Nagwalk out si Louisse. Paktay ka, Beatriz.
"Wait, girlfriend mo ba iyon? I'm so sorry."
"Not yet but she's special to me. I gotta go." Mabilisan akong naglakad para abutan si Louisse.
"Wait, Louisse!" Di parin siya tumitigil.
"Louisse! Hintayin mo ako. It's not what you think."
Finally, naabutan ko rin siya. Hinawakan ko naman yung kamay niya.
Humarap siya sakin. "Anong it's not what you think? Okay lang naman sakin yun eh. Di mo naman akong girlfriend. Wala namang tayo."
Aminin ko, nasaktan ako. Sobra.
"Oo nga pala. Wala palang tayo." Napailing nalang ako sa sarili ko at tumawa nang mapait.
Ayun. Naiwan siya duon. Babalik nalang ako ng hotel. Ang sakit niya magsalita. Pero tama naman siya eh. Wala namang kami.
Sa mga salitang binitawan niya, hindi ko kinaya yung sakit. Kaya heto ako ngayon. Umiiyak na parang tanga na naglalakad.
Ba't ka ba nasasaktan, Bea? Totoo naman yung sinabi niya. Sino ka ba? Kaibigan ka lang naman.
Pero bakit ganun? Sabi niya mahal niya ako. At mahal ko rin siya. Pero wala lang sa kanya?
"Ba't ba ko nasasaktan nang ganito!" Sigaw ko sa dagat. Sinisipa sipa ko lang yung mga bato. Nakahanap ako nang spot. Malayo 'to sa hotel. At sobrang ganda. Para ngang walang tao dito eh, ako lang.
"Sabi mo mahal mo ko, pero ba't wala ka ngayon dito?" Umiiyak lang ako nang umiiyak.
"Ansakit sakit. Ta*g*na, masakit."
Lumipas ang ilang oras. Nandito parin ako.
"Ba't di nalang tayo bumalik sa dati, Jho."
Umiiyak nanaman ako. Ang hirap hirap.
"Psst, babaeng kapre!" Sino yun?
Lumingon lingon naman ako sa likod ko. Wala naman.
"Ba't ka mag-isa dito? San girlfriend mo?" Ay spaghetti hot in taste.
"Di ko nga siya girlfriend." Si crying lady pala 'to. Bigla nalang sumusulpot.
"Eh ba't ka nalang nandito?" Umupo siya sa tabi ko.
"Wala. Alone time, ganun."
Nagmake face naman siya.
"Weh? Wag ka nga, utot mo eh." Tumawa siya nang malakas. Parang si Jho lang.
"Kulit mo ah. Sige na nga. Magkkwento nako."
Tumahimik naman siya.

YOU ARE READING
In Sync (Jhobea)
Fanfiction"Sing me your heart, Jho." Your love made harmonies on my flesh. The sun has finally risen from the fall. Tell me how you feel, oh darling. I promise not to hurt you no more.