抖阴社区

45

6.2K 103 57
                                    

Jho's POV

"Please, let me explain, love-"


"I don't need your explanation, Bea! What I saw is enough proof that you cheated!"


Sobrang nag-aapoy ang buong sistema ko ngayon. 'Di ko na alam ang paniniwalaan ko.


"And you!" Pagturo ko kay Thirdy. "Ang kapal ng mukha mo! After everything I've done for you, ito ang igaganti mo? Wala kang utang na loob, Thirdy!" Nanghina ang tuhod ko at napaupo ako sa sahig.


"Mga walang hiya kayo. I've trusted you.." I cried. "Pinagkatiwalaan ko kayo."


"Gago ka." Puno ng galit ang mga mata kong tumingin sa kanya. Nakayuko lang siya. Pinaghahampas ko siya. Di ako makapaniwalang nagawa niya 'to saakin.


Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Louisse.. I'm sorry.." She's crying.


"Maibabalik ba ng sorry mo yung tiwala ko?" I gathered every bit of strength I have to utter those words.


Ang sakit. Lahat. Masakit. Para akong namatayan.


"Louisse, please.." Lumuhod siya at niyakap ako. Umiiyak parin siya.


I'm still crying so hard that I couldn't even feel my eyes. But I also couldn't feel my heart. It was shattered.


"We're done." I saw how her face changed, how I felt her heart stopped just by hearing those heartbreaking words from me.


Umiling siya nang ilang beses. "No, no, let's talk this out, please, Louisse.." Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay sa pisngi niya. Nagmamakaawa. Nanghihingi. Nanlilimos ng onti pang pagmamahal.


Inalis ko ang kamay ko mula sa kanya at tiningnan siya.



"I thought you will be different, Bea. Then, I thought wrong. You were just like everybody else." My voice cracked. "You broke my heart."


I stood up. Pinagpag ang damit ko, pinunasan ang luha ko. But before I turned my back from them. From her.



"Can I have a little favor? Don't show up to me again." At tuluyan na nga akong umalis.


Hindi ko na alam kung may rason pa ba akong magpatuloy. Bumabalik lahat ng sakit. Lahat ng sakit na naramdaman ko nung namatay si Triz.


Yung pakiramdam na para ka ring pinapatay unti-unti. Yung pakiramdam na hinulog ka mula sa mataas na palapag. Yung sakit na sa sobrang lubha, wala na akong maramdaman.


I really thought Beatriz would be the one to prove that everything could be perfect in the right time and in the right moment. That's just what I thought.

------------------------------------------
Bea's POV


"Bea... I'm sorry-"


"No. Stop whatever you want to say." I looked up to meet his eyes. I looked up to him with my eyes full of tears. Full of pain.


"I'm sorry.. I was out of my mind, Bei. I swear, I had no intention of-"


"Had no intention of ano? Of ruining us? Well you just did before you even know it, Thirdy!" I shouted at his face. Wala na akong pakielam.


"I'm sorry.." Nakayuko lang siya habang humihikbi ng mahina. 'Di ko na alam kung kaya ko pang magtiwala kay Thirdy. I felt like I was betrayed. I felt like I was fooled.


"Kailan pa?" I firmly said while looking at the floor.


"K-kailan ano?" Nanginginig niyang sabi.


"Don't play dumb. Since when did you start liking me?" I said with my voice a bit louder.


"The day I met you." I stopped from my tracks.


"Eversince I laid my eyes on you, I knew you already snatched my heart from me, Bea." He stopped for a bit before continuing. "It was hard. Having these feelings for you was hard. Ang hirap magtago. Ang hirap magsinungaling. Ang hirap kasi para akong tanga na umaasa sa imposible. I know you'll never love me back. I know it. But looking at you crying made me sober.. Ang tanga ko para halikan ka. Ang tanga ko kasi sinaktan kita. I swear, I was drunk. I didn't know what's the right thing to do that moment until I saw you and Louisse crying. Para akong sinasaksak sa sakit. I never imagined to be like this. I am a wreck that wrecked your relationship. I'm really really sorry, Bea. I can't go back in time and change it. But, I will try to change what's ahead of everything. Gagawa ako ng paraan. But please.. I beg for your forgiveness. It was an honest mistake and I apologize. I'm sorry, Bei."


"Gusto kong magalit sa'yo, Thirdy. Gustong gusto. Pero, I also have a mistake. We both have a mistake. Hinayaan kita knowing that you're drunk. I should've known that we have to be more careful since may mga alak. But, it's done. It all happened. Wala na akong magagawa." My voice cracked at the last sentence I said. Hindi ko alam na ganito kasakit. Wala nang mas sasakit pa.


Lumapit siya saakin at niyakap ako. "I'm really sorry, Bea. I'm very sorry. 'Wag kang mag-alala, gagawa ako ng paraan. Ako ang sumira at ako rin ang mag-aayos." I half smiled at him. It was a sad one and a relief one at the same time.


"Don't worry, Thirds. I forgive you. Walang mangyayari kung di ako magpapatawad. But please, please, do everything you can to help me win her back." I said with pleading eyes.


"I promise, Bea. You'll win her back."


---------------------------------------
Jho's POV


When I arrived at my home, I immediately closed the door of my condo at sumandal. Heto nanaman ang mga traydor na luhang pumapatak sa mga mata ko.


"Bakit? Bakit mo 'to ginawa sa'kin?"


Yung iyak ko.. hindi ko na maawat. Hindi ko maintindihan kung bakit. Hindi ko maintindihan kung nagkulang ba 'ko. Hindi ko maintindihan kung ako ba o siya.


Hindi ko maintindihan kung bakit 'to nangyari saakin.


"Ano bang ginawa kong mali.. Bea.. Ano bang kasalanan ko sa'yo, Beatriz! Hayop ka!" Sigaw ko. Walang nakakarinig saakin. Walang nakakakita. At kung meron man, wala na akong pakiealam. Wala akong ibang alam na puwedeng gawin para malabas 'tong sama ng loob ko.


Kinuha ko ang unang bagay na makikita ko sa sala ng condo ko at binato ito. Nagbato ako ng mga gamit. Binato ko lahat ng poot, ng sakit, ng pait, ng hinanakit. Lahat lahat binuhos ko.


"Tangina, ang sakit! Ang sakit sakit! Walang hiya ka!"


Umiyak ako nang umiyak hanggang sa napagod ako at nakatulog. Hindi narin ako makahinga sa sobrang iyak. Baka nga mas mabuti naring mamatay nalang ako. Tutal wala narin namang silbi ang mabuhay.

In Sync (Jhobea)Where stories live. Discover now