抖阴社区

                                    

---

"Shels, library lang ako," paalam ni Steph. Lunch break na kasi namin at mukhang may plano si Steph na dun nalang magtambay at aba, syempre hindi ako papayag na maiwan sa class 4-A!

"Hey! I'll go with you, wag mo naman akong iwan sa mga mokong na yun," sabi ko at natawa naman agad siya tsaka lumabas na ng room. Susunod na sana ako pero tinawag ako ng isa kong classmate si Jiro.

"Bulilit! San ka pupunta?" Tanong niya habang kinukuha yung bag niya

"Sa library lang kuya Jiro. Bakit?" Tanong ko at nagsign kay Steph na hintayin niya ako ng lumingon siya sakin, remember? Nasa labas na kasi siya ng room.

"Sasamahan mo si Nerd?" Tanong niya parin habang papunta sakin habang yung iba kong classmates including sila Kuya at Gavin eh nakikinig. I mean NAKIKI-INTRIGA.

"Yup," sabi ko, popping the 'p' at sinamahan pa ng patango-tango.

"Wag na. Samahan mo nalang ako. Pupunta ako ng music room. Magaaliw muna ako sandali bago umuwi," sabi niya. Si Kuya Jiro kasi sa pagkakaalam ko ang panganay dito sa class 4-A.

"Hmm, sige, tara! Teka puntahan ko muna si Steph. Susunod nalang ako sayo later, kuya!" Sabi ko at tumakbo na kay Steph.

"Steph, hindi muna kita masasamahan ngayon sa library. Nagpasama si kuya Jiro sa music room eh. Anyway, don't worry, babawi ako sayo," sabi ko.

"Nahh. It's okay! Magbabasa lang rin naman ako dun eh, boring din dun," sabi niya.

"Sige I'll go na Steph! Babawi talaga ako!" Sabi ko at nag flying kiss sa kanya na sinuklian naman niya at naglakad na paalis kaya pumunta nalang rin ako sa music room.

Habang naglalakad ako sa corridor ng mga rooms, may napapansin akong parang may sumusunod sa akin.

Lumingon lingon ako para makita kung meron ba talaga pero wala naman akong nakita ni anino man lang, siguro namamalikmata lang ako magfa-5 narin kasi, wala ng masyadong tao.

Pagdating ko sa music room, pumasok agad ko at nakita ko si kuya Jiro na nagpl-play ng guitar habang kumakanta.

Now playing: Perfect by Ed Sheeran

🎵 I found a love,

For meeee.

Darling just dive right in,

And follow my lead.

Well I found a girl,

Beautiful and sweet.

I never knew you were the someone

Waiting for meee..🎶

Umupo ako sa bench malapit sakanya. Di naman niya ako napansin.

🎵 'Cause we were just kids when we fell in love,

Not knowing what it was.

I will not give you up this time.

But, darling just kiss me slow your heart is all I own.

And in your eyes your holdin' mine..🎶

Totoo talaga lahat ng estudyante dito, walang mintis. Lahat talaga ng lalaki sa class 4-A may hitsura. Hindi lang may hitsura, gwapo talaga as in 99.9 percent. Wag na nating sabihing 100 dahil di kapanipaniwala yun.

🎵 Baby I'm dancing in the dark,

With you between my arms.

Barefoot on the grass, listening to our favorite song.

When you said you looked a mess, I whisper underneath my breath.

But you heard it, darling you look perfect tonight..🎶

Napaclap ako ng matapos na niya yung kanta kahit hanggang chorus lang.

At hindi lang sila gwapo. Mayayaman pa at matatalino. Talented pa!

They are every girl's dream boy kumbaga.

Paanong hindi? Perfect package eh! Kaya yung ibang boys diyan halos maputol nalang yung dila kakasabi ng masama sa boys namin eh. Naiinggit kasi.

"Oh, nandiyan ka na pala bulilit princess! Kanina ka pa?" Tanong niya at ipinasok na sa lalagyanan yung guitar na ginamiy niya.

"Yes, kuya! Woah! Kuya that was amazing! Ang ganda pala ng boses mo! Ang galing mo pa mag-guitar!" Mangha kong sabi.

"HAHAHAHA! Ngayon ka pa? Ako kaya ang nataguriang 'Panganay Singer' ng Class 4-A!" Sabi niya and because of that I laughed at tsaka nacurious na rin tuloy ako!

"Kuya? Can you tell me kung anong bansag sa inyo ng mga fans niyo?"

"Oo naman, sure," sabi niya at umupo sa tabi ko.

Hmm. Excited akong malaman ang mga bansag sa kanila dito sa school nato!

Tsk tsk. Class 4-A. Special Section na nga kayo, special pa kayo sa puso ng mga fans niyo! NYAHAHAHA! May pa bansag-bansag pang nalalaman, eh.

-------------

Special Section: Class 4-A | ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon