Gavin's POV
Napabuntong hininga nalang ako habang tinitingnan ng patago si Loi habang nakangiting kausap yung kambal.
Ewan ko ba, hindi ako mapakali. Kailangan ba kasing ngiting ngiti pag may kausap na iba? At lalaki pa talaga?
Ano ba tong nararamdaman ko? Nagseselos nanaman ba ako?
Hay naku! Shelanie Eloise Zeline! Ang manhid mooo! Hindi mo ba nakikitang may nagseselos dito? Langya naman!
Tinititigan ko lang si Loi habang magiliw na nakikipagusap sa iba habang pinaiikot sa kamay ko yung phone ko.
Ilang saglit pa ng matapos na sa paguusap sila at biglang tumalikod si Loi sakanila at papaharap sa akin.
Kaya naman sa gulat ko na baka mahuli niya akong nakatitig sakanya ay dali dali kung hinawakan ang phone ko sabay on dito at tap sa kung ano man na app ang matap.
Nakita ko sa peripheral vision ko na umupo si Loi at agad na binalingan ako.
At muntikan nang mahulog ang phone ko ng dahil dun at mabuti nalang ay nahawakan ko ito ng mabuti.
"Psst, Gav."
"Yeah?" Cellphone lang ang tingin please.
"Anong oras tayo kakain?" Wag titingin Prim, relax.
"Hm, ask your brother."
Nasa phone parin ang tingin ko kaya hindi ko nakita kung ano ang ekspresyon ng mukha niya. Basta ang alam ko nalang ay kay Jiro siya bumaling bigla ng tingin at dun nagtanong.
Teka, teka! Sabi ko brother ah! Brother na ba niya ngayon si Jiro?
Psh, I'm not informed.
Inoff ko ang phone ko at tumayo tsaka hinablot si Loi sa braso, syempre marahan lang, masaktan prinsesa ko, eh.
Seryoso ko siyang tiningnan, inikot ko ang paningin sa kabuohan ng mukha niya.
Ang mala anghel na mukhang to ay ubod ng manhid at kainosentehan..
Napabuntong hininga nalang ako tsaka ko kinuha ang bag naming dalawa habang nakahawak pa rin sa braso niya at tsaka siya hinila palabas ng room.
Napansin ko namang biglang nanahimik lahat ng tao sa room kaya hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy hanggang sa nakalabas na kami at diretso ko siyang dinala sa rooftop.
Pagdating na pagdating namin sa rooftop ay binitawan ko siya at naglakad ako papunta sa railings.
Teka nga, ba't ko ba siya dinala dito?
Nilingon ko agad siya ng mapagtanto ko yun at nakita ko naman siyang nakatitig sa akin habang nakakunot yung noo.
Anong tingin yan ha? Loi naman eh. Ang clueless mo naman! 'Nong nagpaulan yata ang kalangitan ng pagkamanhid at ubod ng kainosentehan, siguro nasalo mo lahat no? Walang mintis. Kompletong kompleto.
Napabuntong hininga nalang ako at nginitian siya na agad naman niyang ginantihan at naglakad papunta sa akin kaya tumalikod nalang ako at inenjoy ang simoy ng hangin.
And? What am I gonna do? Taena, umaatake nanaman yata pagkatorpe ko. Ano na? Sasabihin ko bang nagseselos ako kaya ko siya dinala dito? Na dahil ayaw kong makita siya na may nginingitiang iba?
Pasimple kong sinambunutan ang buhok ko upang hindi niya mapansin.
Tumabi siya sa akin at tinanaw ang naglalakihang buildings ng school.
Walang ni isa sa amin ang nagsalita at ang ihip ng hangin at ingay mula sa mga estudyante sa ibaba lamang ang aming naririnig.
Hays, sana hindi nalang siya magsalita. Okay na to. Kahit wala ng magsalita sa amin, okay lang. Basta wag nalang siyang magsalita kasi baka kung ano pang lumabas mula sa bibig niya.

BINABASA MO ANG
Special Section: Class 4-A | ?
Teen FictionMagbest friends na sila Shelanie at Stephanie simula pa noong first year high school sila. They were happy and contented kahit dalawa lang sila. Not until magtransfer sila sa isang school at mapunta sa isang section na puno ng kalalakihan. Betrayal...