抖阴社区

Chapter 9

2.4K 88 1
                                    

Shel's POV

"Wtf, ang landi naman pala niya, kala ko mabait."

"The eff! Kagaya lang rin pala siya ng iba."

"Ang landi naman pala ng conyong to!"

"Hayst! Ganda sana, linta naman."

"Waahhhh! Botong boto ako sa kanila!"

"Bagay na bagay sila, no?"

"Maganda't gwapo!"

Nandito kami ngayon papuntang room namin at habang nasa hallway pa kami ay marami ng nagbubulongan. Ewan ko nga kung bulong pa ba yan.

Hindi ko rin pinapansin dahil baka naman hindi ako ang tinutukoy nila, 'cause like duh! Ang dami kaya naming conyo dito, well, siguro.

And tinatanong niyo ba sino kasama ko? Well, si Gavin lang naman. Nakatulog kasi siya sa amin. Nakatulog siya sa tabi ko habang naka yakap sakin at pagkagising niya ay agad siyang nagpaalam na aalis raw muna siya at uuwi sa kanila, at pagkatapos ay babalikan niya ako para sabay na raw kaming pumunta rito.

"Thundy, ako ba pinaguusapan nila?" Tanong ko sakanya, curious ako kung ako ba talaga. Tsaka ewan ko ba, dahil sa nangyari kagabi eh parang feel ko na tawagin ulit siya sa tawagan naman at tsaka, tinatawag niya na rin naman akong Loi, eh.

"Hmm, mukhang hindi naman. At ano ka ba? Mukha ka bang malandi?" Sabi niya habang inayos yung bag ko na dala dala niya. Baka raw mabinat ako kaya siya na nagdala.

"Hindi kaya ako malandi!" Angal ko naman.

"O, edi kaya nga! Hindi ka malandi at magsumbong ka nga sakin kung may nagsabi sayo ng ganyan, malalagot sila sakin. Sumbong mo sa amin ng kuya mo," sabi niya with matching pa tango tango pa.

Tinanguan ko nalang siya tsaka patagong inirapan dahil ayaw na ayaw kong trinatrato akong bata, ganyan sila sakin ni kuya simula bata pa kami.

At mukhang nakita niya iyon kaya agad siyang tumawa ng tumawa at agad na inabot ang buhok ko at ginulo-gulo.

"Oy! Prim naman eh!" Sabi ko tsaka mabilis siyang inabot at binatukan, at babatukan ko pa sana siya ulit nang bigla niya akong dinilaan pero mabilis agad siyang nakatakbo papalayo sa akin, napa iling nalang ako at agad siyang sinundan.

"Gavin Thunder Prim! Bumalik ka dito!" Sigaw ko habang siya naman eh hindi parin matigil kakatawa, marami ng nakatingin sa amin dahil sa paghahabulan namin.

"Yoko nga! Bleehhh," sabi niya sabay takbo ulit papuntang room namin, sa bilis niyang tumakbo ay hindi ko na siya makita siguro ay nasa room na yun.

Naglakad nalang ako habang hingal na hingal parin at ng makapunta na ako sa room ay agad kong inilibot ang paningin ko pero nagtaka agad ako dahil wala akong Thundy na nakita.

"Asan si Th- este si Gavin?" Tanong ko kela Travis at Trevor na naglalaro ng fencing gamit ang walis, umiling lang sila habang tumatawa tawa.

Hindi ko pala naipakilala pero classmates ko rin sila, hindi nga lang sila masyadong well known kaya walang bansag sa kanila gaya nila Kuya Jiro, pero sumasama sama naman sila sa amin minsan, minsan eh nagcacutting rin sila. May barkada pa sila at yun sila Shawn na nerd pero ubod ng kakisigan at kagwapuhan at si Fujiko na ubod ng ka weirduhan.

Napakamot nalang ako ng ulo ko habnag hinahanap si Thundy ng makasalubong ko si Drake na hingal na hingal at tinawag naman niya agad ako ng makita niya ako.

"P-prinsesa," sabi niya habang nakalagay ang dalawang kamay sa tuhod at hingal na hingal.

"Sige, huminga ka muna jan. Hahanapin ko muna si Thu- Gavin," sabi ko na napakamot nalang ng ulo dahil palagi akong nadudulas, ayoko kasi malaman nila na iba ang tawag ko kay Gavin, baka bigyang malisya, eh.

Special Section: Class 4-A | ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon