抖阴社区

Chapter 16

2K 91 15
                                    

This chappy is dedicated to cherifer30, ashakyutt13 and Reychelle_Jimenez!! THANK YOU for voting!♡

Shel's POV

Hindi ko man sila kilala. Nararamdaman ko naman na malapit ang loob ko sa kanila.

Seryoso kong pinagaaralan lahat ng kilos nila habang nandito pa rin sa hospital bed at nakahiga.

Nagising na lang ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha at pagkadilat ko eh sumalubong sa akin ang nakabukas na kurtina ng kwarto.

Agad ko namang inilibot ang paningin ko sa loob ng kwarto para alamin kung sino ang kasama ko.

Wala naman akong napansin na nadagdag sa kanila o nawala. 10 pa rin naman sila.

Nagsalubong ang kilay ko nung isa isa silang naglabasan dahil magkakale lang daw sila sa cafeteria nitong ospital. May nagpaiwan naman ang apat dito.

Tinitigan ko yung lalaking nagpakilalang kapatid ko raw, I mean, kambal ko daw.

Napansin ko rin naman talagang halos pareho kami lahat ng features, kagaya nalang ng buhok niyang kulay brown tulad ng sa akin. Napangiti nalang ako habang nakatitig sakanyang nakaupo pa sa couch at nagkukusot ng mata ma halata namang bagong gising.

Natulog kasi silang mga nakaupo lang. May mga couch kasi dito at mga upuan kaya naman sa rami nila at dahil walang ibang bed dito, wala silang choice kundi matulog ng nakaupo para sila magkasya. Yung iba natulog sa couch, at yung iba natulog naman sa upuan na plastic.

Inilipat ko naman ang paningin ko sa isang lalaking busy kakasulat ng kung ano man yan si isang papel, at kung aalahanin ko ang pangalan niya ay siya si... si.... Aish! Nakalimutan ko! Tinitigan ko siya at napansin ko namang para siyang timang na tatawa bigla na may papadyak padyak pa. Weird.

Agad na nailipat ang paningin ko sa lalaking lumapit dun sa weirdo at agae siyang tinapik sa balikat na may dala pang kape na nakalagay sa mug. Agad itong kumuha ng upuan at tiningnan kung ano ang isinisulat neto. At pagkakita niya ay agad nagsalubong ang kilay niya at unti unting napa smile at di kalaunay..

"BWAHAHAHAHAHAHAHA! HAHAHAHA!"

Humagalpak ng tawa!

Taena! Parang baliw tong dalawang to. Geez, kaibigan ko ba talaga sila?

Napailing nalang ako at inilibot ang paningin ko at saktong napahinto ito sa may bintana ng ospital kung san napapikit pa ako sandali dahil sa sinag ng araw pero naka adjust naman agad ako.

At sa pagtingin na pagtingin ko dun sa lamesa malapit sa bintana ay nakita ko naman ang isang lalaking agad na sinalubong ang tingin ko habang nagtitimpla ng kape. Seryoso siyang nakatingin sa akin habang iniikot ang kutsara sa mug na animoy shinashake ng mabuti yung kape.

Titig na titig siya sa akin at wala naman akong mabasang emosyon sa mukha niya. Nilabanan ko ang tingin na iyon habang pilit na inaalala kung ano ang kaniyang pangalan dahil kagabi pa lang ay may napansin na akong kakaiba sa kanya.

Masyadong siya mailap sa akin simula kagabi. Kitang kita ko sa mga nagagandahang mata niya ang sobrang pag-aalala. Tuwing may papasok na nurse ay tatayo siya mula sa pagkakaupo at lalapit sa akin para tingnan kung anong ginagawa nung nurse sa akin. Ilang beses ko na rin siyang nahuli na nakatitig sa akin pero makikipaglaban lang siya ng titig at tsaka siya na mismo ang iiwas..

Gaya ngayon.. Sa paglalabanan namin ng tingin ay ilang sandali pa ay siya na mismo ang umjwas at tsaka niya kinuha ang mug ng kape niya at lumapit sa may bandang paanan ng bed ko at pumwesto dun at tinapik muna ang kambal ko DAW para siguro ayaing magkape.

Special Section: Class 4-A | ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon