Shel's POV
Nandito na kami ngayon sa cafeteria at nagsna-snack na. As usual kasama ko nanaman sila kuya Jiro, the whole class 4-A. Pati yung kambal nandito. Basta kaming lahat!
Mahinhin lang akong kumakain dahil pinagbubulongan pa rin ako hanggang ngayon, nakayuko lang ako at wala na. Aapaw na sa kahihiyan ang hiya na dumadaloy sa dugo ko! Waaahhhhh!
At mas lumakas pa ang bulungan nila dahil biglang tumabi si Gavin sa akin at ang mas malupit dalawa yung binili niyang coke at yung isa binigay naman niya sa akin at siya pa mismo nagbukas ah! Napayuko tuloy ako sabay pamumula.
"Prim, your making me shy. And you're making it worse. Mas lumalakas pa yung bulongan nila o!" Mahina kong sabi tsaka ininom yung binigay niya, tumingin naman ako kay Steph na katabi ko rin sa kabilang side. Pagkatingin ko sakanya bigla siyang nagiwas tingin at pinagpatuloy ang kanyang pagkain. Siniko ko naman siya.
"Psst, bes, anyare sayo?" Tanong ko. Nagsmile lang siya at umiling kaya di ko nalang yun pinansin at mas nagpokus mga taong hindi mahinto kakabulong ng kung ano ano tungkol sakin na kesyo ang landi ko raw at mangaagaw daw.
Duh! In the first place, wala naman akong inaagaw! As far as I know, walang ni isang girlfriend tong mga classmates at kuya ko! Lalong lalo naman si Gavin no! Ammp!
"Oi, oi! Yung pagkain mo! Hinay hinay naman," sabi ni Gavin at hinawakan yung kamay ko sabay kuha ng kutsara at tinidor sa kamay ko pero binawi ko agad yun at sumandok ng kanin at burger steak sabay subo.
"HAHAHA! Ano bang nangyayari sayo? Tingnan mo nga o! Ang dungis mong kumain, tsaka hinay hinay! Maawa ka sa pagkain mo," sabi niya pero ikinagulat ko yung next niyang ginawa.
He leaned on me at winipe yung steak na nasa gilid ng labi ko gamit ang thumb niya tsaka tiningnan ako sa mata sabay nagsmile. Lumabas yung dimple niya at nawala yung mata niya dahil sa pagsmile niya. Hindi ko tuloy na pigilan ang sarili kong kurutin yun!
"Aray ko pooo! Loi naman, eh! Andyan ka nanaman sa pangungurot mo eh! Ako nanaman pinanggigigilan mo," sabi niya sabay tanggal sa kamay ko at pout tsaka tumagilid. Awww! Nagtatampo! HAHA si Prim kasi pagnagsma-smile ay nawawala yung mata niya dahil may pagkasingkit siya at lalabas naman yung malalalim niyang dimple.
"HAHAHA, sorry na! Nanggigigil ako eh! Ang cute cute mo parin Thundyyy!" sabi ko sabay hahawakan sana yung cheeks niya pero umiwas siya.
Nabigla naman kaming dalawa ng may biglang pumagitna samin at inakbayan kami, pagtingin ko si Kuya Jiro lang pala
"Hoy kayong mga bata kayo! Ano yung Thundy at Loi ha? At bakit kami nakakakita ng kasweetan sa inyo? Kayo na ba? Ambabata niyo pa ah!" Sabi ni kuya Jiro with matching pailing iling pa.
Ngayon lang naman nagsink in sakin na tinawag ko palang Thundy si Gavin sa public. Pagtingin ko kay Steph may nakakalokong ngiti siyang ibinibigay sakin habang si Kuya naman na nasa kabilang tabi niya ay may ngiting nakakaloko rin. Da hell?
"Wala lang yun oi!" Mabilis na bawi ni Gavin tsaka uminom.
"Anong wala? Ano kala niyo samin? Bingi?" Sabi naman ni Drakey.
"Hindi naman sa ganon! Sige na nga!" Sabi ko tsaka napa buntong hininga.
"Magkababata kasi kami ni Prim kaya ganon," sabi ko sabay napakamot ng ulo.
"Oo nga, no malice mga pre kaya pwedw ba Jiro. Layo layo rin pagmay time," sabi niya sabay shinoo si Kuya Jiro nanasa pagitan namin. Napasuntok nalang siya kay Prim ng wala siyang magawa.
"Ay, yun lang naman pala eh! Walang malisya pre! Ligawan mo na!" Sabi naman ni Kurt kay Drakey na mabilis napailing iling at namula.
"H-hoy! Abay gago ka ah! Anong ligawan? Tengene ka pala eh!" Sabi ni Drake. Nagiiwas ng tingin.

BINABASA MO ANG
Special Section: Class 4-A | ?
Teen FictionMagbest friends na sila Shelanie at Stephanie simula pa noong first year high school sila. They were happy and contented kahit dalawa lang sila. Not until magtransfer sila sa isang school at mapunta sa isang section na puno ng kalalakihan. Betrayal...