抖阴社区

Chapter 13

2K 71 6
                                    

Steph's POV

I'm sorry, I'm sorry Shels. I've made a mistake. Nang dahil sa inggit ko, nagawa ko to sayo..

Flashback

Nakaupo lang ako dito sa loob ng room, habang sila Shels ay nagkakatuwaan kasama ng iba pa naming classmates.

I never thought na mapapasama kami sa seksyon na puro lalaki, pero di bale na rin kasi. Kasama ko naman si Shels.

"HAHAHAHAHA!"

Tinitigan ko si Shels na masayang masaya. May pa hampas hampas pa siya sa desk habang sila Baste naman ay tawa rin ng tawa. Si Gavin tawang tawa rin pero nakatingin naman kay Shels, hayst. Halatang in love ang mokong. You think na gusto ko si Gavin? Na-uh-uh. May tinitibok natong puso ko no. Hindi nga lang ako halata.

Hindi ako halata dahil hindi rin naman nila ako nahahalata. Hindi nga ako masyadong nakikipagasaran o kwentuhan sa kanila eh. Mailap kumbagang sinasabi ni iba. Well, hindi naman ako mailap sadyang introvert lang ako.

Introvert? Well, mas nageenjoy akong mag isa ako. At isa rin kasi akong awkward na tao, nahihirapan akong mag open ng topic lalo na kapag hindi kk naman kaclose yung tao.

Kay Shelanie lang naman ako hindi ilap. Well, sakanya rin. Komportable ako sakanya pero di ko alam kong komportable ba siya sakin.

Minsan naiinggit ako kay Shels eh. Nasa kanya kasi lahat ng atensyon. Lahat ng schoolmates namin, kahit teacher. Kasi naman, maganda na, matalino pa! Mabait, friendly, jolly, palangiti. Lahat na nasa kanya, kaya naman madali siyang pakisamahan..

Hindi ko na kinaya na makita silang nagkakatuwaan habang ako eh nagiisa dito sa likuran ng classroom. Kinuha ko ang headphones ko tsaka isinukbit ang bag sa balikat ko at naglakad papalabas ng room habang isinisuot ang headphones.

"Hey, Steph! Where are you going?" Sigaw bigla ni Shels kaya nagkatinginan lahat ng kaklase ko sa gawi ko. Shems, nakakahiya.

Tiningnan ko si Baste na nakangiting nakatingin sa akin habang nagiintay rin ng sagot. Napa lunok nalang ako. That smile. Ramdam ko agad ang pamumula ko.

"Woah! Nag blush ang isa pa nating prinsesa!" And again, that 'isa pa nating prinsesa' mas may nakukuhang atensyon si Shels when it comes to princess princess. Maraming tawag sakanya samantalang ako. Wala. 'Isa pa nating prinsesa' napangiti nalang ako ng mapait.

"Uhm, dyan lang sa labas. Magpapahangin lang," nakangiti kong sabi at hindi na hinintay ang sagot nila. Isinuot ko ang headphones at inon ang playlist ko na puno ng slow songs. Gaya ng Terrified.

Habang naglalakad lakad ako eh hindi ko inakalang mapapadpad ako likod na parte ng paaralan.

Huminto ako at naupo sa isang bench na nasa likuran lang ng isang puno.. Hindi ko tinanggal ang headphones ko at patuloy lang na nakinig tsaka pumikit.

"Hey."

*Poke.*

"Steph, hey."

*Poke again.*

"Oh, uhm, hi," bigla akong napamulat ng may tumusok tusok sa balikat ko. Daliri pala ni Baste. Hinubad ko ang headphone tsaka siya tipid na nginitian.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya at naupo sa tabi ko.

"Hm, wala lang. I just want to be alone," sagot ko at umayos ng upo.

Special Section: Class 4-A | ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon