抖阴社区

Chapter 31

1.1K 47 5
                                    

Shel's POV

Good morning worlddd! Hello Philippines!

Time check, 9:46 AM. And today is the 24th of December! Tonight's gonna be the Noche Buena!

Hmm, ang bilis ng panahon, ilang oras nalang magpapasko na. At dahil magpapasko na, papalapit na rin ang bagong taon. Hays, eto na talaga to, magpapasko nanaman ulti akong wala si Steph.

Anyways, nagunat una muna ako bago bumaba ng higaan at agad na ginawa ang morning routine, naligo na lang rin ako kasi mamaya, magsisimula na ang preparation.

Pagkatapos ko magbihis agad na akong bumaba kasi nagugutom na rin ako eh, at nasa kusina na rin naman sina Daddy.

"Good morning, Daddy! Good morning, Mommy! Hi Nana! Hi Kuya Twin!" Sigaw ko tsaka isa isa silang kiniss sa cheeks, aba syempre kasali si Nana Dora!

"Hey princess, good morning. Take a seat na, and Nana Dora, pakihandaan po ng pagkain si Zeline," sabi ni Dad habang nakaupo sa hapagkainan at humihigop ng kape niya.

Agad naman na akong umupo sa tabi ni Kuya Twin at naghintay sa pagkain.

"Eto na anak, kumain ka na," pagdating ni Nana sabay lagay ng pagkain sa harap ko.

"Thank you po Nana! Ikaw po ba? Kumain na po ba kayo?"

"Oo tapos na ako, ija. Kumain ka na diyan pakabusog ka."

"Okay po," sagot ko tsaka nagsimula ng lantakan yung pagkain. Minu-minuto akong napapasulyap kela Mom kasi tinitingnan nila ako habang kumakain, kaya nagsmi-smile rin ako sa kanila.

"Sweety, wala ka bang lakad ngayon? It's 24, Noche Buena na mamaya," nakangiting tanong sa akin ni Mom habang naghihiwa ng bacon.

Nagisip isip ako sandali kung may balak ba akong gawin ngayong araw nato. Hmm, bukod sa maghihintay na hapon para makatulong sa preparasyon, wala na naman. Sasagot na sana ako kay Mom ng biglang tumikhim si Kuya Twin at nilingon ako tsaka si Mom.

"Yes, Mom, may plano po kami ni Shelanie, pupunta po kami ngayon sa bahay ng classmate namin para tumambay at magkasama sama na rin. Don't you worry Mom, I'll drive naman po and babalik po kami bago mag-5," tugon ni Kuya kay Mom tsaka ako tinanguan.

Ahh, so magtitipon ulit ang Class 4-A. Gosh! Excited na ako! Namimiss ko na rin sila ehh! Tagal na rin simula nung last kami nagkita, yun pa yun noong nasa hospital pa ako. Miss ko na yung kakulitan nila!

"Bilisan mo jan, Twin, maliligo muna ako at pupunta na tayo," sabi ni Kuya sabay tayo, tinanguan ko lang siya tsaka binilisan pa yung pagkain ko.

"Sige, Mom, Dad. Aakyat po muna ako, magbibihis lang ako," tugon ko at nagsmile lang sila kaya pumanhik na ako sa taas sa kwarto ko.

Kyaahh! Excited na talaga ako! Hala teka nga! Pasko ngayon, wala ba akong ireregalo sa kanila? Nako wala na akong oras para magmall! Uhh, ano bang gagawin ko? Baka may ibiga sila sa akin tapos ano yun? Ako lang an walang mabibigay?

Special Section: Class 4-A | ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon