Napatawa nalang ako sa kakulitan nilang dalawa ng biglang magring ang bell kaya mabilis kamimg nagsitayuan at bumalik na sa classroom.
Habang naglalakad kami sa hallway ay nahuhuli kaming dalawa ni Steph dahil na rin sa bilis ng lakad ng boys at dahil sa kadahilanang wala lang, trip namin magpahuli HAHA!
"Omg! Look girls! Nandito yung linta o!" May biglang lumabas na limang babae galing sa isang classroom na nadaanan namin. Nagkatinginan naman kami ni Steph at nagpasya na wag pansinin.
"Aba, aba! Inisnob ka Zy o!" Sabi naman nung babae na hindi marunong mag make up dahil ang pangit ng pagkakalagay ng blush tsaka kami hinarangan.
"How dare you?! Walang kang karapatan isnabin ako!" Sabi niya sabay sampal sa akin sabay tadyak kaya napaluhod ako sa sakit, my tears immediately rool down my cheeks.
"Shels!" Sabi ni Steph at agad na hinawakan ako sa braso tsaka tiningnan ng masama ang mga babae na ngayon ay pinapalibutan na kami.
Akmang sisipain ako nung isang babae ng mapahinto siya bigla dahil nag sign ng stop yung tinawag niyang Zy.
"Wag dito, baka hanapin sila ng class 4-A pag nakita nilang hindi na nakasunod sakanila tong mga to," sabi niya at agad naman akong hinawakan nung dalawa at dalawa rin kay Steph tsaka kami kinaladkad papunta sa isang room na puro map at dumi ang makikita. Ito siguro yung janitor's room.
"Itali sila sa upuan! Tuturuan natin sila ng aral dahil sa pagsasama sama sa class 4-A," sabi nung Zy tsaka ngumisi.
"Ano bang pinagsasabi niyo ha?! Ano bang ginawa namin?" Sigaw ni Steph sa kanila.
"Manahimik ka kung ayaw mong masali dito!" Sabi naman nung isang halos makitaan na dahil sa suot. Nagdamit pa siya niyan?
"Wala naman kaming ginagawa sa inyo pero bat niyo ba to ginagawa?!" Sigaw ko sakanila pero sinampal niya muna ako at umatras.
"Alam niyo kasi kung maruning lang kayong lumugar hindi kayo aabot sa ganitong sitwasyon. Kung hindi lang kayo malalandi, hindi tayo aabot sa ganito. Kung hindi niyo lang ginayuma ang class 4-A walang mangyayari sa inyo," sabi nung Zy tsaka ako sinipa sa tuhod.
Wala akong nagawa at napaiyak nalang ako dahil sa sakit. Marumi na yu g uniform ko dahil sa pagsisipa sakin kahit madumi yung sapatos nila at nagka gasgas na rin yung skin ko dahil sa pagkaladkad nila sakin.
"Wag ka ngang iiyak iiyak diyan! Hindi mababago ng iyak mo ang gagawin namin sa inyo!" Buong lakas niyang sigaw at akmang tatadyakan na talaga ako sa tiyan at napapikit nalang ako dahil sa takot pagtinadyakan niya ako eh mahulog tong inuupuan ko.
Pero napatalon ako sa gulat at mabilis na napamulat ng malakas na bumulas ang pintuan ng kinaroroonan namin at bumungad sa harap ng pinto ang buong class 4-A kasama ang kambal. At nasa unahan si kuya Ryan na mukhang siya yung nag tadyak sa pinto.
"Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?!" Malakas ngunit malamig na pagkakasabi ni Kuya habang masama ang tingin nsa mga babae.
Mabilis naman akong pinuntahan nila Kurt at Drake tsaka tinanggalan ng tali tsaka mabilis na niyakap nilang dalawa.
"Prinsesa namin, okay ka lang ba?" Tanong ni Kurt at hinawakan ako sa kamat tsaka tiningnan ang buong katawan ko, parang nagi-inspection.
"Okay lang ako, nahihilo lang ako. Wag niyo akong bitawan please, nanghihina ako," mahina kong sabi at pinaupo naman nila ako sa upuan tsaka hindi sila umalis sa likod ko at hinawakan nila akong dalawa sa magkabilang balikat.
Napatingin ako kay Steph na ngayon ay wala ng tali at nakatayo lang habang naghahabol hininga.
Sila kuya naman ay nakaharap dun sa mga babae na nakayuko lang habang pinaglalaruan yung paa nila.
"Bat niyo to ginagawa?" Mahinahon na saad ni Prim. Marahil ay nagpipigil lang siya ng galit.
Hindi sumagot ang mga babae at nagmatigas lang.
"At bat hindi kayo sumasagot?! Gusto niyo bang ma expelled? Ha?! Ano? Sagot!" Sigaw ni kuya.
"May nagutos lang samin!"
"Sino?!"
"Si Zyrene!" Sabi nila sabay turo ng apat na babae dun sa tinawag nilang Zy, so, it means hindi sila barkada. Inutusan lang sila.
"Bat mo to ginagawa?"
"Paki niyo ba?!" Sigaw nung Zyrene na halata namang nanginginig na sa takot.
"Puta naman oh! Pigilan moko Drake, pigilan moko!" Sabi ni Kurt na nasa likod ko.
"Eh, qaqo ka palang babae ka eh!" Sigaw ni Prim na halatang hindi na nakapagpigil at akmang pupuntahan yung babae pero pinigilan siya ni kuya at inilingan.
Napansin ko naman si Steph na nanginginig lang sa isang sulok habang nakatayo.
Napabuntong hininga nalang ang boys dahil sa ginagawa nung Zyrene.
"Eto itatak mo sa kukote mo babae," mahinahong sabi ni kuya.
"Wag na wag mo nang uulitin to kung ayaw mong masaktan. Nagpipigil lang ako ngayon pero naguumapaw na ang galit ko sayo sa ginawa mo sa kapatid ko. Kung ikaw kaya ilagay ko sa sitwasyon na yan? Diba magiinarte ka lang? Kung pinapalinis ka lang ata eh nandidiri ka na, ano pa kaya talian sa isang madumi at mabahong lugar? Plus bugbog sirado ka pa at walang kalaban laban? Yan ang lagay ng kapatid ko ngayon," sabi ni kuya sabay ngiti sa akin at nagbigay ng reassuring smile kaya napasmile narin ako.
Yung Zyrene naman eh napalunok at halatang mas nanginig pa pero tinaasan niya pa rin ng kilay sila kuya at mabilis na lumabas. Sa gitna pa dumaan ni kuya at Prim tas binanggaan pa sila sa kanilang braso. Susundan na sana ni Kuya pero ngayom, si Prim nanaman ang nagpigil.
Nagsisunuran naman ang apat na babae habang umiiyak kaya mabilis akong pinuntahan ni Prim at mabilis na niyakap.
"I'm glad you're safe. Nagalala ako sayo," sabi niya at hinimas himas ang buhok ko.
"Ehem! May kambal dito, o!" Sabi ni kuya kaya agad namang napakalas si Prim at namula tsaka napakamot sa ulo diretso yung kamay sa batok. Aww, so cute HAHA.
Napatawa nalang ang class 4-A at yumakap sandali si kuya twin sakin at naggroup hug kaming lahat.
Class 4-A is always to the rescue. And they will be my always knights in shining armors..
---------------

BINABASA MO ANG
Special Section: Class 4-A | ?
Teen FictionMagbest friends na sila Shelanie at Stephanie simula pa noong first year high school sila. They were happy and contented kahit dalawa lang sila. Not until magtransfer sila sa isang school at mapunta sa isang section na puno ng kalalakihan. Betrayal...
Chapter 10
Magsimula sa umpisa