抖阴社区

Chapter 6.6

3.9K 76 0
                                        

SINUNDAN lang ng tingin ni Liezl ang nurse nang bahagya nitong itaas ang ulunang bahagi ng kama niya para makaupo siya at mapakain nito.

“Mabuti naman at nagising ka na,” anito nang makaupo sa silyang nasa gilid ng kama niya. Hawak nito ang tray ng pagkain. “Kahapon pa hindi umaalis sa tabi mo si Dr. Matthew. Hindi na nga yata natulog, hindi na rin nakakain.”

“Talaga?” nakaramdam siya ng pag-aalala para sa best friend niya.

“Oo, alam mo bang hindi rin siya ang gumamot sa’yo?”

Napatingin siya dito. “Bakit?”

“Sobra-sobra kasi ang takot niya nang isugod ka dito,” sagot nito at sinimulan na siyang subuan ng pagkain.

Nalipat ang tingin niya sa may pinto nang pumasok doon si Matthew.

“Ako na ang bahala dito, Marie. Maaari ka ng bumalik sa istasyon mo,” sabi nito sa nurse na agad namang ibinaba ang hawak na tray sa mesa at magalang na nagpaalam.

Kinuha nito ang tray ng pagkain at umupo sa kinauupuan ng nurse kanina. Hinipan muna nito ang mainit na lugaw bago inilapit sa bibig niya. She ate it and stared at him as he continued on feeding her. He still looked very dashing even when tired.

Parang ngayon niya lang natitigan ang buong mukha nito. He was very handsome. Ang gaganda ng dark brown na mga mata nito at makakapal na kilay na mas lalong nagbigay ng lalaking-lalaking aura dito. Her stare went down to his pointed nose and sexy lips na napapalibutan ng stubbles na marahil ay tumubo na sa nagdaang magdamag. It made him look even hotter. He had a muscular body that was shown in the way his long sleeve polo under his white coat fits his body.

“You didn’t shave?” she asked. Aktong susubuan ulit siya nito pero umiling na siya.

“Hindi pa,” sagot nito at ibinaba ang tray sa mesang nasa tabi. Inabot naman nito ang baso ng tubig at maingat siyang pinainom. Pinunasan nito ng tissue ang mga labi niya at napangiti siya.

“You look very handsome,” bulong niya.

Bahagya itong nagulat sa sinabi niya pero agad din namang ngumiti. “I know that,” sagot nito.

Napatawa siya. She just couldn’t take her eyes off him. She missed him so much. Para kasing napakatagal na panahon niya na itong hindi nakikita at nakakausap. She remembered him of being a very kind person; it was like he did not even possess a mean bone in his body.

“Sino nga pala sila?” tanong niya. Tinutukoy niya ang mga taong bumisita sa kanya kanina.

Tiningnan siya nito. “They’re your family. Hindi mo ba talaga sila maalala?”

“My family?” pinilit niyang alalahanin ang mga ito pero wala talagang pumapasok sa isipan niya. “I don’t remember.”

“Ako lang ba talaga ang naaalala mo?”

Tumango siya. “You are Matthew Azcarraga, my best friend. Ang huling naaalala ko na kasama kita ay noong natulog ako sa unit mo. Umuulan ng gabing ‘yon, hindi ko nga lang maalala kung saan ako nanggaling. Binilhan mo pa ako noon ng ice cream. Can you buy me another one?”

“No,” tugon nito. “Hindi puwede sa’yo ang matatamis. Kailangan mong makinig sa doktor mo.”

Nalungkot siya sa sinabi nito.

“You really can’t remember anyone else?” he asked.

“I can’t…” kahit anong pilit niya ay wala na siyang maalala.

“How about Justin?”

She looked at him, puzzled. “Who’s he?”

Tinitigan lang siya nito pero hindi sinagot ang tanong niya. Bakit parang nag-aalangan itong sagutin siya?

“Sino siya?” tanong ulit niya.

Ngumiti ito. “He’s your boyfriend.”

Bahagya siyang nagulat sa sinagot nito. “My… boyfriend?”

Tumango ito. “Wala kang maalala sa kanya?”

Umiling siya. “May boyfriend pala ako? Nasaan siya?”

“May aasikasuhin siyang trabaho sa Canada kaya hindi ka muna niya madadalaw. Gusto mo ba siyang makita? Puwede ko siyang tawagan.”

Sino ba ‘yong boyfriend niya? Bakit wala siyang matandaan tungkol dito? “Ayoko,” sagot niya. “Hindi ko siya matandaan. Bakit ako nagkakaganito, Matt?”

Bumuntong-hininga ito at tinitigan ang buong mukha niya. “You have amnesia. Pero huwag kang mag-alala, maaalala mo rin sila. Huwag mong pilitin ang sarili mo, it takes time. Nandito lang ako, hindi kita pababayaan.”

Nawala ang lahat ng takot at pag-aalala niya sa sinabi nito. Ngumiti siya, napaka-suwerte talaga niya dahil nagkaroon siya ng best friend na katulad nito. “Thank you,” bulong pa niya.


[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew AzcarragaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon