UNTI-UNTING nagmulat ng mga mata si Liezl at unang sumalubong sa paningin niya ay ang nag-aalalang mukha ng Mama niya.
"What happened?" bulong niya. Nakakaramdam pa rin siya ng panghihina sa buong katawan niya.
"Nawalan ka ng malay kanina, anak. Hindi mo ba matandaan?" sagot nito.
Marahan siyang napailing. Iginala niya ang paningin sa buong kuwarto. Naroroon din ang Papa niya, ang Kuya Jerome niya, si Jamaica at si Justin. "Nakita niyo na ba si Matthew?" tanong niya.
Napatingin siya sa Papa niya nang magsalita ito, madilim ang anyo nito. "Sabihin mo, Liezl. Sino ang ama ng dinadala mo?!" galit na tanong nito.
Nagulat siya sa sinabi nito. "I-I'm—" hindi niya magawang ituloy ang sasabihin.
"Kung hindi si Justin, sino?!"
"Andres, huwag mo ng takutin ang anak mo," awat ng Mama niya dito. Muli nitong ibinalik ang tingin sa kanya at hinaplos ang buhok niya. "Si Matthew ba, anak?" pangungumpirma nito.
Bumukal na naman ang mga luha sa mga mata niya. Napatingin siya kay Justin na nakasandal sa dingding. "I'm sorry," she said between her cries. "I'm so sorry, Justin," paghingi niya ng tawad dito.
Tumitig ito sa kanya, seryoso pa rin ang mukha nito katulad noon. Tumango ito. "It's okay, Liz, I understand," sagot nito. Umangat ang likod nito mula sa pagkakasandal. "Gagawin ko ang lahat para mahanap siya. Hindi ako papayag na takasan ka niya ng ganito."
Tumango siya at buong-pusong pinasalamatan ito. Marahan niyang hinaplos ang sariling tiyan. Come back, Matthew. We're going to have a baby. Ayos na ang lahat, please, come back.

BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew Azcarraga
RomanceLiezl was very much contented with her life - having a stable job, a happy family and a perfect love life with her long time boyfriend na si Justin Aguirre. Idagdag pa ang best friend na laging nasa tabi niya para sumuporta, si Matthew Azcarraga, a...