PUMASOK si Liezl sa loob ng kuwartong kinalalagyan ni Matthew sa ospital nito. Pansamantala itong naka-confine doon dahil sa pilay na nasa paa nito. Ngumiti ito nang makita siya. Umupo siya sa silyang malapit sa kama nito.
"Kumusta ka na?" tanong niya dito.
"Umaayos na naman ang paa ko," sagot nito. "Makakapag-lakad na rin ako ng ayos sa susunod na mga araw."
Tumango siya. "Nakakulong na si Brian at ang ibang mga kasama niya sa pananakit sa'yo. Pinatatanong ni Thaddeus kung may alam ka pa daw na kasama niya."
Sandali itong nag-isip. "Wala na," sagot nito. "Si Brian lang naman ang dapat na magbayad dito."
Tiningnan niya ito. Alam niyang hindi pa rin nito nakakalimutan ang sakit at hirap na pinagdaanan. Naramdaman niya ang pag-angat ng kamay nito at paghaplos sa mukha niya.
"Nasabi mo na ba kay Justin?" tanong nito.
Tumango siya. Hinawakan niya ang kamay nitong nasa mukha niya.
"Pasensiya ka na kung hindi na kita nasamahan," pagpapatuloy nito.
"Ayos lang 'yon. Naintindihan niya naman," ngumiti siya.
Sabay pa silang napatingin sa pinto nang bumukas iyon at pumasok si Elij.
"Hi," bati nito sa kanila. Humakbang ito palapit. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong nito kay Matthew.
"Maayos na," sagot dito ni Matthew. "Siyanga pala, Elij. Paano mo nga pala nalaman kung nasaan ako?"
"Bago kasi ang araw na iyon ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Ate Sandra," sagot nito. "Sinabi niya sa akin ang nangyari sa pagitan niyo nina Kuya Brian. Sinabi niya rin kung nasaan kayo, mabuti na nga lang at nakaabot agad kami doon. Hindi man namin siya nailigtas, alam kong ikatutuwa niya ang pagkaligtas mo," may lungkot na bumahid sa boses nito.
Tumango si Matthew. "Kasama niyo rin ba 'yong babaeng bumaril kay Brian?"
Napatingin si Elij dito. "Babae?"
"Oo, siya ang bumaril kay Brian bago kayo dumating. Hindi ko lang nakita ang itsura niya."
Unti-unting kumunot ang noo ni Elij. "Hindi ba ikaw ang bumaril kay Brian? O si Ate Sandra?" nagtatakang tanong nito.
Napatingin siya kay Matthew nang umiling ito.
"Sino kaya 'yon?" Elij wondered.
Napaisip din si Matthew pero agad ding ngumiti. "Hindi na importante 'yon. Thank you, by the way," pasasalamat nito sa babae.
Tumango lang si Elij at muling humakbang palapit sa pinto. "Oh," muli itong napalingon. "Congratulations nga pala sa magiging anak niyo," dagdag nito bago tuluyang lumabas.
Napatingin sa kanya si Matthew, nasa mga mata nito ang pagkagulat. "You're... pregnant?"
Nakagat niya ang pang-ibabang labi at napatango.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?!" malakas na tanong nito.
Nagitla pa siya sa pagtaas ng boses nito. "S-Sasabihin ko naman," bulong niya. "Naunahan lang ako ni Elij," napayuko pa siya. "You just vanished into the blue these past two months and you expect me to greet you with that news. Siyempre, kukumustahin muna kita."
Narinig niya ang paghugot nito ng malalim na hininga. Muli siyang napatingin dito at nakita ang malawak nitong pag-ngiti. Napangiti din siya sa nakikitang kasiyahan sa mga mata nito.
"Magkaka-anak na tayo?" tuwang-tuwang tanong nito. "Thank God, magkakaroon na ako ng sarili kong pamilya."
Bahagya itong umisod ng pagkakahiga sa kama. He patted the empty space of his bed. "Lay down here, sweetie," utos nito.
Kumunot ang noo niya. "Bakit?"
"Gusto kong matulog katabi ka," sagot nito. "Sige na."
Ngumiti siya at sumampa sa kama nit. Marahan siyang nahiga sa tabi nito at ipinaunan ang ulo sa braso nito. Niyakap siya nito ng mahigpit.
"Thank you, Liz," he whispered. "For bearing my child."
Tumingala siya dito. "You're welcome. Ilan ba ang anak na gusto mo?" tanong niya.
Napaisip ito bago tumingin sa kanya. "How about a soccer team?"
Her eyes widened. "That's too much."
Tumawa ito. "Kahit ilan, sweetie," yumuko ito para halikan siya. "I love you," his eyes were filled with love for her.
Ngumiti siya at isinubsob ang mukha sa leeg nito. "I love you too."

BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew Azcarraga
RomanceLiezl was very much contented with her life - having a stable job, a happy family and a perfect love life with her long time boyfriend na si Justin Aguirre. Idagdag pa ang best friend na laging nasa tabi niya para sumuporta, si Matthew Azcarraga, a...