抖阴社区

Chapter 13.3

3.4K 69 0
                                        

INUBOS ni Matthew ang natitirang alak ng baso niya, nasa loob siya ng Niel's Bar ng gabing iyon, pagma-may-ari ito ng kaibigan niyang si Daniel Fabella. Hirap na hirap na ang kalooban niya nitong mga nakaraang araw, ginagawa niya ang lahat para makalimutan si Liezl. Kahit masakit para sa kanya ang hindi ito pansinin ay ginagawa niya, dahil iyon ang tama.

Napalingon siya sa isang mesa nang makarinig ng nabasag na mga bote. Kumunot ang noo niya nang makita doon si Elij, hawak ng isang galit na galit na lalaki ang braso nito. He was a big, bald man with a lot of tattoos on his arms. Nakita niya ang pag-ngiwi ni Elij sa pagkakahawak ng lalaking iyon, alam niyang nasasaktan na ito.

Lumapit siya sa kinaroroonan ng mga ito.

"Anong sinasabi mong wala kang maibibigay?! Alam kong malaki ang kinikita mo sa pagiging bodyguard ng lawyer na iyon!" bulyaw ng lalaki dito.

"Hindi ka ba marunong umintindi na ginagastusan ko rin ang mga kapatid ko," sagot ni Elij, nasa boses ang pinipigil na galit.

"Bakit kasi hindi mo na lang hayaang mamatay iyang kapatid mong may sakit? Para mabawasan na ang pinag-kakagastusan mo," tumawa pa ito.

"Bakit hindi ikaw ang umuna?" sagot dito ni Elij.

"Aba't, walang hiya ka!" aktong sasampalin pa nito si Elij nang mapigilan niya ang kamay nito.

"That's not a very good way to treat a lady," he said. Hinawakan niya si Elij palayo dito. Nakita niya ang pagkagulat nito sa pagkakita sa kanya.

"M-Matthew..." banggit nito sa pangalan niya.

Hinawakan niya ang braso nitong may namumuo ng pasa dahil sa pagkahawak ng lalaki dito kanina. "Ayos ka lang?"

"At sino naman ang lalaking iyan, ha, Elij?" narinig niyang tanong dito ng lalaking kausap.

Tiningnan niya ito. Nasa itsura nito ang pagiging bastos at basagulero.

"Boyfriend mo?" pagpapatuloy nito. "Kaya pala hindi mo magawa ng ayos ang trabaho mo dahil puro kalandian ang inaatupag mo."

"Magkano ang kailangan mo?" tanong niya dito.

Napahagalpak ito ng tawa sa sinabi niya. "Mukhang ayos itong nabingwit mo ngayon, ha?" sabi nito kay Elij. "Magkano ba ang kaya mong ibigay?"

Inilabas niya ang wallet at inabot dito ang lahat ng lilibuhing naroon.

"Matthew, please..." awat sa kanya ni Elij.

Mabilis naman iyong kinuha ng lalaki at isinuksok sa sariling bulsa. Nilagok muna nito ang natitirang lamang alak ng baso nito bago muling tumingin sa kanila. "Hanggang sa muli nating pagkikita," paalam nito sa kanya. "Pagbutihan mo ang trabaho mo, Elij," iyon lang at tuluyan na itong lumabas ng bar.

"Hindi mo na dapat ginawa 'yon," narinig niyang wika ni Elij sa kanya. "Kaya ko naman siyang paki-usapan."

"Sinasaktan ka niya," sagot niya. "Sino ba iyon?"

Yumuko ito. "Siya si Kuya Brian, pinsan ko. Siya na ang kumupkop sa amin simula ng mamatay ang ama ko at maparalisa si Inay," ini-angat nito ang paningin sa kanya, nasa mga mata nito ang pag-aalala. "Hindi ka na lang dapat nakialam, Matthew. Hindi mo alam kung ano ang puwede niyang gawin sa'yo."

"Huwag kang mag-alala," pagpapakalma niya dito. "Sabihin mo lang sa akin kung ginugulo ka pa niya, o di kaya ay kay Thaddeus, sigurado akong matutulungan ka niya."

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew AzcarragaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon