抖阴社区

Chapter 12.7

3.3K 63 1
                                        


HINDI maintindihan ni Liezl kung bakit palagi na lang siyang nauuwi sa pagkatulala, hindi niya tuloy ma-enjoy ang gabing iyon. Nasa loob sila ng amusement park ni Justin, hawak-hawak nito ang kamay niya habang naglalakad.

"Gusto mo ba ng makakain?" narinig niyang tanong nito.

Umiling lang siya. Natuon ang paningin niya sa isang toys and souvenir stand na nadaanan nila. Naalala niya nang masayang kausap ni Matthew doon ang isang batang cancer patient, ang ngiti ng bata nang bigyan ito ni Matthew ng mga laruan at ang hindi matatawarang kasiyahan sa mukha nito sa nakikitang tuwa ng bata.

Napangiti siya sa sarili nang maalala ang bagay na iyon.

"Is that Matthew?" napatingin siya kay Justin nang magsalita ito. Sinundan niya ang direksiyon ng mga mata nito at ganoon na lang ang gulat niya nang makita sina Matthew at Alyzza. Naglalakad din silang magkahawak-kamay.

"Let's greet them," wika pa nito. Hindi niya nagawang mai-hakbang ang mga paa nang hilahin siya nito. Nag-aalala itong napatingin sa kanya. "Ayos ka lang?"

Tumango siya at nakayukong sumunod dito. Bahagya siyang nag-angat ng ulo nang makalapit sila sa mga ito.

"Pare," bati dito ni Justin. "It's nice to see you here."

"Yeah," tugon ni Matthew dito. "Hindi ko alam na nandito kayo."

"Gusto kasing mag-relax ni Liezl," sagot ni Justin bago sumulyap kay Alyzza. "I can see you're having a date."

Tumango si Matthew. "Magkakilala na kayo, hindi ba?"

Tumango lang si Justin. Hindi niya naman maiwasang sulyapan ang mga kamay nitong magkahawak.

"Sasakay sana kami sa Ferries wheel, gusto niyo bang sumama?" narinig nilang tanong ni Alyzza.

Tumingin sa kanya si Justin at iling lang ang isinagot niya.

"Maiwan na namin kayo," ani Matthew bago lumakad patungo sa magandang Ferris wheel ride ng amusement park na iyon. Sinundan niya lang ang mga ito ng tingin.

Bakit nagagawa nitong bigyan ng oras si Alyzza samantalang siya ay halos ipagtabuyan na nito? Pero isang parte ng isipan niya ang sumagot sa tanong na iyon. Ano pa bang ine-expect niya? Best friend lang siya nito, siyempre mas pahahalagahan nito ang babaeng gusto nito.

Hindi niya napansin na tumulo na pala ang mga luha niya, kung hindi lang hinaplos ni Justin ang mukha niya.

"Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong nito.

Mabilis niyang tinuyo ang mga luha at ngumiti dito. Bakit ba siya umiiyak? Nandito sa harap niya ang boyfriend niyang mahal na mahal siya, wala siyang rason para malungkot.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew AzcarragaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon