MABILIS na lumabas ng van si Liezl nang tumigil iyon at agad na lumapat ang mga paa niya sa buhanginan. Tumakbo siya at napatigil nang matanaw si Matthew. Nakaupo pa rin ito sa buhanginan, punong-puno ng dugo ang damit at mga kamay, nasa mukha nito ang kalungkutan.
Nagsimula nang tumulo ang mga luha sa mukha niya. Tumakbo siya patungo dito, she missed him so much. Lumuhod siya sa harapan nito. Nag-angat ito ng tingin at nakita niya ang pagbukal ng mga luha sa mga mata nito.
"Liz," wika nito sa nangangatal na tinig.
Agad niya itong niyakap ng mahigpit, tuluyan na itong napahagulhol sa balikat niya.
"Hindi ko siya nagawang iligtas, Liz," buong sakit na wika nito. "Hindi ko siya nagawang iligtas. Ano pang silbi ng pagiging doktor ko kung hinayaan ko lang siyang mamatay sa harapan ko. Ilang beses niya na akong iniligtas. Bakit?"
Maging siya ay nasasaktan ng mga oras na iyon. Alam niya kung gaano kahirap dito ang nararamdaman. Marahan niyang hinagod ang likuran nito, she wanted to give him all the comfort she could offer. "Hindi mo iyon kasalanan, Matthew. Hindi mo 'yon kasalanan," patuloy na bulong niya. "Hindi natin hawak ang buhay ng isang tao. Huwag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari."
Bahagya siyang lumayo dito at tinitigan ang mukha nito. She cupped his face with her both hands. "Don't cry, Matthew," tinuyo niya ang mga luha nit. "Please, ayokong makitang nasasaktan ka."
Tumitig din ito sa kanya. "Liz..."
"Iniwanan mo ako ng hindi nagpapasabi," pagpapatuloy niya. "Don't you know how much I missed you?"
"I'm sorry, sweetie," he whispered and pulled her close to his body to hug her tight. "I'm sorry."

BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 3: Matthew Azcarraga
RomanceLiezl was very much contented with her life - having a stable job, a happy family and a perfect love life with her long time boyfriend na si Justin Aguirre. Idagdag pa ang best friend na laging nasa tabi niya para sumuporta, si Matthew Azcarraga, a...