抖阴社区

                                    

Tiningnan ko si kambal ko DAW habang papalapit sa akin habang nakangiti. Napangiti nalang rin ako. Nakakahawa, eh.

"Oh twin, kumusta na pakiramdam mo? Ayos ka na ba? Wala bang masakit? Yung mga pasa mo?" Sunod sunod naman na tanong niya habang hinihimas ang buhok ko.

Oo, nagkaroon daw ako ng kakaunting mga pasa sabi ng doktor kagabi pa lang. Pano ako nagkapasa? Aba'y malay ko lang!

"Hmm. Ayos na ako. Wala naman ng masakit," nakangiting at napapatangong sagot ko sa kanya. Agad naman siya ngumiti ng malaki at kinurot ang pisnge ko.

"Tss, ngayong ko lang gagawin lahat ng to dahil wala kang maalala. Pero kung yang alaala mo bumalik na, wag mong aasahang magiging sweet ako sayo HAHA," natatawa niyang sabi. Napabungisngis rin naman agad ako.

"Naku! Kung ganon naman pala eh, wag na sanang bumalik ang memorya ko! HAHAHA," sabi ko tsaka rin tumawa na tinawanan niya rin naman.

Masaya naman pala kasama tong kambal ko! Hm, ano kaya yung mga memories namin na hindi ko naalala? Siguro bating bati talaga kami no?

Hindi ko rin kasi alam kong anong type kami ng magkapatid! Yung para bang aso't pusa sa bangayan? Yung, palaging nagaasaran pero sweet? Yung, sweet na sweet na napagkakamalang magsyota? Yung, hindi nagpapansinan? O di kayay, normal lang, na naguusap lang kong may kailangang pagusapan? Asan kaya sa mga yan?

Pero sa nararamdaman ko ngayon, hmm. Parang close na close talaga kamk sa isat isa eh! Nafifeel ko kasi! At tsaka, wala akong maramdamang pagkailang sakanya kahit na maliit na porsyento, eh!

Komportableng komportable ako sa kanya!

Pagkatapos naming magtawanan ay nanood nalang ako ng tv dahil nakuha ng atensyon ko ang title ng pelikulang pinapanood ni.. ni... Hihi, nakalimutan ko kasi eh! Basta! Siya yung nakaw ng nakaw ng tingin sakin! Ammp!

Napapakamot ulo na nga lang ako, ih, hmp.

Ilang sandali pa lang ay nagsidatingan na ang mga kalalakihan sa kwarto ko. Charott! Kalalakihan talaga eh no? Aish! Nobanamanto! Para akong wala sa sarili ko! Ganito ba talaga ako? Parang may nagbago sakin!

Hindi ko namalayang napanguso na pala ako.

"Oh ba't ganyan ang mukha ng prinsesa? Anong ginawa niyo dito?" Takang sabi nung lalaking brown haired na mestizo. Agad namang nanlaki ang mata ko at inayos ang pagkakabusangot ng mukha ko at umayos ng upo.

"Ah, hehe, wala, wala. Wala silang ginawa sakin," nahihiyang tugon ko tsaka inilagay yung ibang strand ng buhok ko sa likod ng tenga ko. Tongue in a disk naman kasi eh! Ang gwapo ng kaharap ko! Psh! Landdiii!

"Tss."

Nanlalaki ang mata kong tiningnan yung lalaki kanina na nakaw ng nakaw ng tingin sa akin ng bigla siyang suminghal. Tsk, nung problema neto't nagyayabang?

"Pfft. HAHA! Selos ko naman agad, pare?" Natatawang sabi nung mestizong kaharap ko! Tsaka ko ibanaling ang tingin ko dun sa lalaki na nakakunot ang noo.

"Hay nako, Gavin! Selos ka na naman! Bat ba kasi hindi mo man lang kinakausap tong prinsesa natin? Tas ngayon magseselos ko? Futa! HAHAHA!" Sabi nung black haired na lalaki na matangkad! Ahh, Gavin pala name nun! Tss, at ano daww?! SELOS?!

"Ah, eh. Hehe. Magtatanong sana ako." Nahihiyang pasok ko sa tuksuhan nila. Di ko na kaya! Litong lito na ako! Nakalimutan ko pangalan nilang lahat! Letche!

"HAHAHA, wala ka pala Gavin, eh! O, sige, ano ba yan prinsesa?" Natatawa na namang sabi nung parang bakla kung tingin sa sobrang kaputian pero gwapoo!

"Uhmm. Na-nakalimutan k-ko kasi pa-pangalan niyo eh. Hehe," nahihiya kong sabi tsaka napatungo..

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!"

..Na agad na pa angat ng tingin ng may malakas na tumawa! Malakas na malakas na sa tingin ko ay rinig pa sa kabilang kwarto o di kayay rinig pa dito hanggang NURSE STATION!

"Woi ano ba kayong dalawa jan!" Saway sa kanila nung medyo maliit na lalaki. Pero normal lang naman height niya, sadyang matataas lang talaga ibang kasama namin. "Pasama namann!" Dugtong pa niya kaya agad naman siyang binatukan ni twin ko.

"HAHAHAHAHAHAHA! BWAHAHAHAHAHAHA!" Napataas kilay ko ng tumawa pa talaga sila.

"Drake! Alex! Isa! Tumigil kayo!" Sabi nung isang lalaking matipuno ang pangangatawan at seryoso. Macho!

Sinamaan naman silang dalawa ng tingin nung dalawa pang lalaki na sobraaangg seryoso! Kaya naman napatigil sila, bumusangot ang mga mukha at bumaling sa akin.

"Prinsesa! HAHA!" Eh?

Tumakbo sila papalapit sa akin at tsaka masayang inabot ang isang.. papel? Nagtataka akong napatingin sa kanila

"Hmm, kasi naman. Naisip kong baka kasi nalimutan mo na agad mga pangalan namin, kaya naman naisip ko na gawan ka ng listahan. Tinulungan na lang rin ako ni Drake," sabi nung makulit na may malaking ngiti sa labi. Tumango tango naman yung may singkit na mata na katabi niyang grabe rin ang ngisi.

"Oh-kayy?" Nagaalanganin kong sagot at dahan dahang binasa ang nakasulat sa papel. Pagkatapos kong basahin, agad naman akong nagpigil ng tawa at nagtatakang napatingin sa mga lalaki sa paligid ko at isa isang kinumpara.

"Pfffttt!" Pigil na pigil na tawa ko. Nagkatinginan naman silang lahat maliban sa dalawang si Drake at Alex.

"Teka, teka, sabihin mo nga kung anong nakalagay diyan!" Singit nung mahinhin na si kuya Ryan! O diba alam ko na! HAHAHA!

"Oo nga! Taena makatawa tong mga ugok nato!" Sigaw naman ni mestizo boy! Si Jiro!

"Sige na sige na! Basahin mo na prinsesa! Di ako nila pinasali eh! Ammp! Sige na!" Sabi nung maliit. Si Keith!

"Hmm. Spill it na," nakangitimg sabi nung mukhang bakla sa kaputian! Jettthhh!

Nagsipantanguan naman yung iba. Yung lalaking matangmad na black haired, si Kurt! Yung dalawang sobrang seryoso, sila kuya Zach at kuya Ryan! At tsaka yung macho! Si Ian!

"Uhm hehe. E-eto o. Pfft!" Sabi ko at ibinigay kay kuya twin nalang yung papel. Agad naman silang nagkumpulan at tsaka nagumpisang mangunot yung mga noo at dahan dahang tiningnan ng masama sila Alex at Drake! BWAHAHAHAHAHA! Lt!

Pano ba naman kasi, yung nasa papel eh mga full name nila at tsaka kung ano yung bansag sa kanilang natawa ko dahil sa sobrang ka oa-han! Tsaka yung features nila lara matukoy sila! At hindi lang yun! Drinawing pa nila isa isa yung mga mukha kunyari nila na akala mo naman eh ang gaganda! Eh sobra namang panget! Lahat ata ng featurea na inilagay nung dalawa sa kanila eh ang papanget pero recognizable! Sakanila naman puro positive! Kaya naman natawa ako ng sobra dahil sa kagaguhan at kakulitan ng dalawa!

"ABA'Y GAGO KAYO AH!" Malakas na sigaw nilang lahat at agad namang nanlaki ang mata ko ng tawanan lang sila nung dalawa kahit na ang sasama ng tingin neto sa kanila at tsaka sinugod pa talaga ang dalawa at pinagkukorot at hampas kahit saan at binatukan pa.

At wala akong ibang magawa kundi ang tumawa sa kanila! Ang kyut kyut nila!

Hayy! Kung ganito naman pala ang buhay ko nung hindi pa ako nawalan ng memorya. Aba'y sana manumbalik na ang alaala ko ng sa ganon ay maalala ko anh iba pang memories ko kasama sila!

---------------

Special Section: Class 4-A | ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon