抖阴社区

                                    

Sana naman wag siya magtanong kung bakit ko siya dinala di-

"Gav? Bat mo ko dinala dito?" Hays, langya naman oh! Ang saklap talaga ng tadhana sakin!

Ano naaaa? Magsalita ka na Gavin Thunder Prim!

"Uh, ano kasi.." Sh*t.

"Ano?"

"W-wala lang. T-trip ko lang," WTF? What the hell is happening Buenaventura?

Napalingon ako sakanya ng isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.

"Gavin, alam kong may sasabihin ka. Sige na sabihin mo na."

So eto na talaga to? Magsasalita na ako?

"Kanina ko pa kasi napapansin na parang wala ka sa mood eh. Kanina nung tinatanong kita, ni hindi mo nga lang ako sinulyapan. Tas napansin ko ring ang seryo-seryoso," dugtong pa niya.

Napansin niya yon? Napabuntong hininga nalang ako at tsaka siya hinarap.

"Loi."

"Ano nga?"

"Shels."

"Yes?"

"Zeline."

"Ano ba kasi?"

"Alcant-"

"Ano ba Gavin?! Sabihin mo nalang kasi! Alam ko namang pangalan ko yan eh! Kanina ka pa tawag ng tawag sa akin! It irritates me na!"

"Geez, relax naman Loi. Sorry okay? Eh, kasi naman!"

"Ano nggaaa?" Hindi ba makapaghintay tong babaeng to? Psh.

"Eh kas-"

"Ano ng-"

"NAGSESELOS AKOO! ANO?! OKAY NA?!" Hindi ko na napigilan at nasigawan ko na talaga siya. Akala ko hindi agad siya makakapagsalita pero hindi ko inaakalang eto ang magiging reaksyon niya.

"EH BAKIT BA KASI HINDI MO NALANG SABIHIN NG DERETSO?!"

At amp*ta! Ako yung hindi agad nakapagsalita!

Nalaglag yung panga ko at hindi agad nakagalawa sa kinatatayuan ko.

Teka, bat parang hindi man lang siya nagulat? Eh parang siya pa nga yung galit eh.

Agad akong nakabawi at titinitigan siya. Naiinis pa rin yung mukha niya habang nakatingin sa akin pero unti unti rin itong nagiging mahinhin.

Nagkatitigan lang kami pero ilang minuto ay agad kong pinutol ang tingin ko sakanya sabay yuko ay buntong hininga.

"Sorry, sorry kasi nasigawan kita," usal ko at tsaka humarap ulit sa railings para hindi ko na muna siya makaharap.

Hindi ako nakarinig ng tugon ngunit tumabi lang siya sa akin at tinanaw ang mga naglalaro sa field.

Nagkaroon ng konting katahimikan bago siya muling nagsalita.

"Hmm, okay lang, pasensya na rin kung nasigawan kita."

"So, quits na tayo."

"Hmm."

And another awkward silence. Ugh! Bat ko ba kasi yung sinabi?!

"Pero t-teka, yung si-sinabi mo? Totoo ba y-yun?" Bat nagtanong ka pa?! Loi naman eh!

Nilingon ko siya pero nakatingin lang siya sa ibaba at tsaka kinamot yung likod ng tenga niya.

Tinitigan ko siya ng mabuti, only to find out that, namumula siya!

Wala sa sarili akong napangiti at tsaka tumikhim.

Special Section: Class 4-A | ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon