抖阴社区

                                    

"Oo, totoong totoo," psh, ikahihiya ko pa ba to?

Agad siyang napaupo pero syempre alam kong fake lang yun para lang itago yung pagkabigla niya.

Ikaw ba naman sabihan ng deretso na nagseselos yung tao? Makakaact ka pa ba ng mabuti? Tss.

"Ehem ehem, ang straight forward mo naman," straight forward ba yun? Nagkandautal-utal pa nga ako, eh.

"Eh bat pa ako magsisinungaling? Totoo naman, di ko na kayang itago."

Napasigaw ako ng aray ng nagulat ako kasi bigla nalang niya akong hinampas sa braso, agad ko siyang nilingon.

"Ano ba Gav?! Pwede mo namang ideny eh! Ideny mo naman!"

"Eh bat ko ba kasi idedeny? Totoo naman!"

"Aish! Langya naman, oh!"

Pagkasabi niýa ay agad siyang napahawak sa magkabilaang pisngi niya at nagiwas ng tingin at tumingin sa ibang direksyon.

Pero.. Hindi nakatakas sa paningin ko ang mas pamumula ng pisngi niya.

Hindi ko na talaga napigilan ang pagngiti ko kaya saktong pagtingin niya sa akin ay nahuli niya ako.

"Nginingiti ngiti ko diyan?" Pagtataray niya para matago yung pamumula niya.

Natatawa nalang akong napailing at nagpokus sa mga nagkakasiyahan sa ibaba hanggang sa isang tunog ang na nasundan pa ang pumaibabaw sa katahimikan.

*Kruuuuu *Kruuuuu

"HAHAHA, gutom ka?" Natawa kong usal sabay sulyap sa tiyan niya.

Mas lalong namula ang pisngi niya at nahihiyang napatango sabay hawak sa batok niya.

Oo nga pala, nawala sa isip ko, gutom pala tong babaeng! Hay nko Loi! Yan pa naging sanhi ng pagseselos ko eh.

Napailing nalang ako at ibinuka ang palad ko sa harap niya, nagtataka naman siyang napatingin sa akin habang nagpasulyap sulyap sa kamay ko.

"Ano yan?"

"Tara, kain tayo," aya ko. Tinitigan niya muna ako saglit sabay ngiti at tanggap sa kamay ko.

Bumaba na agad kami at agad na nagpunta sa daan patungong canteen.

Maraming matang nakatingin sa amin ng dahil na rin siguro sa kadahilanang magkahawak kamay kaming naglalakad.

Pagkadating na pagdating namin sa canteen ay agad na naagaw naming ang atensyon ng lahat. At nagsimula na ang mga mapanuyang tingin at mga bulungan.

"Ayyy sila na ba?" Not now, but soon.

"Oi, hala! Ang sweet naman nila!" Gutom lang tong kasama ko.

"Psh, dumidikit nanaman yung linta," Pag ikaw di nanahimik, ewan ko nalang, kahit babae ka pa.

"Nakakainggit!"

"Bakit bes?"

"Tingnan mo! Bagay na bagay sila!
!" Talagang talaga! Soon to be ko to, eh!

Marami pang ibang bulungan kaya nababahala akong tiningnan ni Loi at nagsimulang tanggalin ang pagkakahawak kamay namin pero mas hinigpitan ko lang ang hawak ko sabay hila sakanya sa may cashier para makapili na ng ulam.

"Ano gusto mo?" Tanong ko.

"Hm, sinigang nalang kasi gusto kong may mainit na sabaw at 1/2 cup ng rice."

"Anong gusto mong drinks?"

"Iced tea nalang."

"Sige, maghanap ka na ng lamesa natin," tinanguan niya ako at kumuha ng wallet pero bago pa niya mabuksan ay hinawakan ko ni ang kamay niya.

"Wag na, ako na ang magbabayad, bilis na, walang angal. Maupo ka na dun."

Umiling nalang siya at naghanap ng upuan. Talo siya eh, wala siyang magagawa.

Pagkatapos kong magorder rin ng akin ay dinala ko na agad yung tray na may laman ng pagkain at hinanap si Loi na agad ko namang nakita sa may gilid ng bintana.

"O, kumain ka na agad, mahal na prinsesa," tugon ko pagkaupo ko sa harap niya.

Tinanguan nalang niya ako at agad na sinimulang lantakan yung pagkain.

Agad akong napangiti at nagsimula naring kumain.

Tahimik lang kami hanggang sa matapos kami at napagpasyahang bumalik na sa room dahil magstu-study daw siya na agad ko namang sinang-ayunan.

Pagkadating namin sa room ay mga mapanuksong tingin ang inabot namin sa lahat ng classmates namin liban nalang kay Baste na seryoso lang at mukhang may malalim na iniisip.

At natapos ang early lunch namin ng ganon..

---

Shel's POV

Haayyy! Inaantok ako!

Malapit na yung time at matatapos na yung last subject namin which is History. How boring it is.

Kanina nung magkasama kami ni Gavin, langya, minu-minuto yata akong namumula, eh!

Ewan ko ba! Iba na to! Alam kong hindi na to normal eh, simula pa lang!

"Okay goodbye class! Study at page 13."

At nagtatalon yung kidneys ko ng dahil don. At appendix ang kinalabasan.

Joke! Hayy, pampawala ng boredom lang.

"Zeline, twin. Tara, uwi na tayo! Magswimming tayo. Inaantok ako, eh," biglang sulpot ni kuya twin sa gilid ko, tiningnan ko ang clock namin sa room only to find out that 3:15 pa lang kaya.

"GAME AKO DYAN!" Masigla kong sigaw na nakaagaw atensyon ng lahat.

"Oi, ano yan! SALI KAMIIII!"

At tumigiil ang mundoooo..

---

"Woi, kay Gavin ko gusto!"

"Wag na dun ka na kela Jiro!"

"Sinabing ayoko, eh!"

At eto nga ang naging kalabasan ng pagsigaw ko. Napagpasyahan ng lahat na nag pool party sa amin. Sa bahay namin.

Kaming lahat yung papunta na dun, yes po, kaming lahat.

At ngayon ay sobrang ingay po ng mga kaklase ko kung saan nila gusto raw sumakay, dahil yung iba kasi ay naasign upang bumili ng barbecue at iba pa.

Kasabay ko sa paglalakad si kuya twin ng makaramdam ako bigla ng pagsakit ng ulo ko kaya napahinto ako at napahawak sa braso niya.

"Oh, twin ayos ka lang?"

"Ah, oo. Nahilo lang ako."

"Sure ka? Wag ka nalang kaya sumali sa party."

"Di, kaya ko pa naman."

"Ah sig-"

"AHHH!"

Napasigaw nalang ako bigla dahil lumakas ang pagkirot mg ulo ko then memories keep flooding in my mind, big time!

And then nahilo nalang ako and everything went black..

BLACKOUT.

---------------

Special Section: Class 4-A | ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon