抖阴社区

                                    

Nagkatinginan naman agad kami ni Shels sabay sabing,

"Mang Inasal"
"Mang Inasal"

"Hanggang ngayon paborito niyo parin sa Mang Inasal? Hindi pa rin kayo nagsasawa?" Sabi ni Mom habang nakangiti at nakasukbit ang kamay sa braso ni Dad.

"Naah, hindi naman kasawa sawa sa Mang Inasal, Mom, eh," sagot ko, tumango naman si Shels sa pagsang-ayon.

"Oh, okay."

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating sa Mang Inasal. Hindi naman gaanong karami yung tao.

"Dad, Mom, ako na po magoorder," prisinta ko pagkaupo na pagkaupo namin. Tumango naman si Dad at ibinigay sakin ang credit card niya.

"Oh, sige, pero ito ag gamitin mo." Utos niya, tumango agad ako at tinanong kung anong gusto nilang kainin.

"Chicken nalang akin, Son, yung main menu nila," sagot ni Dad

"Hmm, boneless bangus yung sa akin, anak," sagot naman ni Mom.

"Boneless bangus na rin sakin, Twin," sabi ni Shels tsaka tumayo.

"Oh, san ka pupunta princess?" tanong ni Dad kay Shelanie

"Punta muna ako sandali sa NBS, Dad, bili muna po ako ng libro habang wala pa po yung order," sagot naman ni Shels.

"Oh, okay, sweety. Here, use my credit card. Enjoy!" Bigay ni Mom ng card niya, kinuha naman agad yun ni Shels sabay ngiti at alis. Umalis na rin ako para magorder.

Pumila na ako at kinuha muna ang phone ko habang hindi ko pa turn. Tamang scroll lang sa IG eh, ay di pala, tamang stalk lang kay Steph sa IG pala.

"Ang gwapo niya, Gene, oh, at mukhang mayaman," rinig kong sabi ng isang babae sa tapat kong linya, kausap niya yung bestfriend niya siguro.

"Oo nga eh ang gwapo! Hingin ko kaya yung number no?"

"Ay, wag na Bes, mukhang masungit, picturan nalang natin."

"Ay, oo nga! Sige sige, HAHA!"

Tsk, tsk, gwapo ko talaga. Wew!

Hindi ko nalang sila pinansin at hinayaang picturan ako hanggang sa turn ko na upang umorder..

-----

Shel's POV

NBS! Here I comee!

Excited na ako bumalik ulit sa NBS, matagal tagal na rin kasi simula nung nakabili ako ng libro. Excited na rin akong lagyan ng bagong libro yung books collection ko sa kwarto.

Pagkadating ko sa NBS nagikot ikot agad ako. Andami ng bagong release na Pop Fiction Books, makabili nga.

Pagkatapos ng ilang minuto, nakabili na ako ng limang Pop Fiction Books at tatlong New York's Best Selling Books. At nagpunta na agad ako sa Mang Inasal kasi baka dumating na order. Gutom na rin ako.

OMG! Excited na akong ilagay sa mini library ko tung mga bagong bili kong libro! At excited na akong basahin to! Tapos pagkatapos kong basahin to, bibili nanaman ulit ako, amd this time, PSICOM at Lifebooks naman ang bibilhin ko.

Pagdating ko tamang tama lang kasi dumating na rin yung order. Hmmm! Saraappp, kainan na!

"Oh, Shels, mukhang inenjoy mo nga yung credit card ni Mommy ah, dami rin niyan!" Pangiinis ni Kuya Twin habang nilalantakan yung chicken.

"Of course minsan lang kaya to. And duh, matagal na rin mula ng nakapagbili ako ng books no. At, ang boring sa bahay, kailangan ko ng pagkakaabalahan," ha! Kala niya sasakyan ko yang pangaasar niya ha. Ngumisi lang siya at nagpatuloy sa pagkain.

"Anyways, son," biglang pagsasalita ni Dad.

"Po?"

"How's Gavin? These days parang dun ka na tumitira sa kanila, ah."

"Okay lang naman siya Dad. Tsaka hindi ah, nakikipaglaro lang ako sa kanya."

"Hmm, I see. Imbitahan mo siya pagkapasko ha? Papuntahin mo sa atin para sa Noche Buena."

"Of course Dad, and oh, I forgot to tell you. May balak pala sila tita at tito na sa bahay natin magpasko. Namimiss na raw nila kayo."

"Oh really? Sila Aquin at Thrinity?"

"Yes, Dad."

"Well, that's better. So princess, you heard it right, sa atin magpapasko sila Gavin iho," biglang pagsasali sa akin ni Daddy sa usapan. Napaangat naman ako ng tingin at napatingin sa kanilang tatlo na ngayon ay may nakakalokong ngiti sa mga labi.

"Owkay? What's that suppose to do with me, Dad?" Kataas kilay kong tugon, tiningnan ko si Mommy at nakangisi lang siya habang kumakain.

"Hm, wala naman. Baka lang, you know, you need to prepare," kibit balikat ni Daddy sa akin pero tinataasan baba na niya ako ng kilay.

"Oo nga naman, sweety. Para makapaghanda ka kasi your crush is going to our house kaya," sabi ni Mommy na nakapagpalaki ng mga mata ko.

"What? Moomm, Daaaadd, di ko nga po crush si Gavinnn," angal ko.

"Oh? But your Kuya said that ang sweet niyo raw sa school at sabi niya pa na crush niyo raw yung isa't isa," sabi ni Dad at siniko si Kuya na painosente kunyaring kumakain at umiiwas sa akin ng tingin.

"What? Ghad! Wag niyo nga pong paniwalaan yang isang yan, yan nga po yung may nagugustohan eh!" Angal ko nanaman sabay asar kay Kuya. Ha! Kala mo ah!

"Ay, nako! Binata na ang Sebastian namin. Oh sige sweety, sino ba ang napupusuan ng kuya mo?" Pantutukso ni Mommy kay Kuya. Bleehh!

Tiningnan ko siya at tinaas baba ko ang mga kilay ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Aba hoy! Ikaw kaya ang nauna!

"Si Stephanie po Mom, at wala ng iba HAHAHA!" Sabi ko at natawa ng mag sumama ang tingin ni kuya sa akin at nagpatuloy sa pagkain na kunyari walang narinig.

"Si Stephanie? Omygod! Bat di mo niligawan anak? Sayang umalis na sila!" Sabi ni Mommy, gumatong naman agad si Dad.

"Ang hina mo naman, Son! Bat di mo agad niligawan? HAHA!"

Napansin kong mas sumama yung timpla ng mukha ni Kuya Twin kasi naman kahit nakayuko siya, pansin na pansin ko pa rin kasi magkatapat lang kami, eh.

"Naku, Mom, Dad, wag niyo na asarin yan. Broken hearted yan ngayon, di pa nakapagmove on eh HAHAHA!" Saad ko, nagroll eyes naman siya at tiningnan ako. Nagpatuloy ng kain sila Dad habang tuwang tuwa.

"Psh, nagsalita ang in denial. Di nalang kasi aminin sa sarili, eh," bato niya sakin.

"Heh! Wala naman akong aaminin, eh!" Pagsasabi ko sa kanya.

"Aysus! Binata't dalaga na ang mga baby ko, oh! Bat di nalang kasi kayo umamin jan sa mga crush niyo?" saad ni Mom ng nakangisi.

"Oo nga, haysuss, mga kabataan nga naman ngayon ang hihina! HAHA!" Mapanuksong sabi naman ni Dad.

"MOOMM! DAAADD!" Sabay naming sigaw ni Kuya kaya agad din kaming nakatinginan at nagsamaan ng tingin.

Siya kasi, eh! Siya umuna netooo! Kasi namaann, Gavin daawww? Nakuu, over my dead body!

"HAHAHAHAHAHAHA!" Pagtawa lang nila Dad at Mom. Psh, happy na happy eh?

Gavin? Yung Gavin na yon? No thanks!

-------------

Special Section: Class 4-A | ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon