抖阴社区

                                    

Isip Shelanie, magisip ka! Ay oo nga pala! Nakalimutan koo! May ginawa nga pala akong brownies kahapon! Kasi isasali ko sana sa desserts para sa Noche Buena, marami rami rin yun! Yun nalang kaya dalhin ko? Ilagay ko nalang sa special box? Tama! Yun na lang! Dalhin ko na lahat yun!

Agad naman na akong nagbihis ng simpleng leggings at loose shirt na umabot hanggang sa kalagitnaan ng legs ko, pagkatapos, bumaba na agad ako para ihanda yung brownies na nasa ref.

Pagdating ko sa kusina, wala na akong naabutan dun. Malamang umalis na sila Mom para mamili o di kaya'y nasa kwarto pa sila.

Kinuha ko na yung mga brownies sa ref tsaka ako kumuha sa cabinet namin ng maliliit na special box para lagyanan ko. Nagbilang ako ng 27 boxes kasi nga wala naman ako sali tsaka si Kuya at Steph. Nilagyan ko ng tigtatatlo yung boxes, malaki laki naman yung brownies kaya okay na kung tatlo lang.

"Twin? Asan ka?" Biglang sigaw ni Kuya mula sa itaas.

"Nandito ako sa kusina!" Sigaw po pabalik at nagpatuloy sa ginagawa ko. Ilang minuto pa lang ng biglang dumating si Kuya at bihis na bihis na.

"Anong ginagawa mo, aber?" Niglang tanong ni Kuya sa akin, haang nakacross arms.

"Can't you see? Pinapack ko tung mga brownies para ibigay sa kanila as my Christmas gift," tugon ko bago tinapos yung pagcoclose ng box gamit ang isang white na ribbon. Iba iba kasi kulay ng box kaya white lang ang babagay. "Okay Kuya Twin! Let's go!" yaya ko na sakanya habang dala dala ang mga boxes na nakalagay sa isang maaking plastic bag.

Nagkibit balikat siay tsaka kinuha mula sa akin ang plastic at naglakad na papalabas ng bahay.

"Nana! Alis na po kami!" Sigaw ko muna bago nakalabas ng bahay, sumagot naman ng sigaw si Nana ng ingat daw kami kaya agad na kaming sumakay sa sasakyan. Inilagay ni Twin ang plastic sa likod tsaka pumasok na sa driver's seat.

"Teka Kuya, bat wala kang gifts sa kanila? Hindi ka ba nagbibigay tuwing Christmas?" Napansin ko kasing wala siyang ibang dala. Tiningnan ako ni Kuya bago inistart ang sasakyan at nagsimulang magdrive papalabas ng gate.

"Nahh, di na namin kailangan yang gift gift na yan. Enough na samin yung kada may gala, librehan kami ng ket ano. Tsaka mga lalaki kami, hindi kami mahilig ng ganyan. Well, okay siguro kung babae bibigyan namin, pero kasi sa aming boys sapat na sa amin yung magkakasama kami, malaking gift na yun," sagot niya habang nakafocus sa pagdadrive.

Napatango tango naman ako nang bigla akong may maalala.

"Oy, Kuya, saang bahay nga pala tayo?"

"Kela Drake tay ngayon," tugon niya kaya napatango ulit ako.

Ilang minuto pa ng bigyang huminto si Kuya sa isang malaking gate. Hindi kalakihan ang bahay pero mapapansin mo na may pagkaengrande nito. It was a simple yet elegant house, it was nice, paano pa kaya sa loob. Napansin ko ring may iba ng sasakyan at motor sa labas ng gate, may bike pa nga, eh.

"We're here," tugon ni Kuya tsaka tinanggal ang seatbelt niya at tinitigan sandali ang bahay.

Ilang saglit pa bumaba na si Kuya Twin kaya agad naman na akong sumunod. Inilock niya na deretso yung sasakyan tsaka nagdoorbell.

"Sino po sila?" Yanong ng maid na ng bukas ng gate, nagsmile kami sakanya.

"Mga classmates po ni Drake," magalang naman na sagot ni Kuya tsaka sumulyap sa loob. "Andiyan na po ba yung iba?" dugtong pa ni Kuya.

"Ay opo, pasok po kayo. Nandoon po sila sa swimming pool," magalang na tugon nung maid at pinapasok na kami. Nginitian muna nami yung maid tsaka nagpasalamat bago dumeretso sa pool. Bilib ako dito kay Kuya, alam na yung pasikot sikot ng bahay, eh.

Pagdating namin sa likod ng bahay nila nakita agad namin silang nakaupo sa mini plaza at nakabuo ng circle. Si Kurt naman ang unang nakakita sa amin kasi nakaharap sila sa bahay, sa likod niya ay yung pool na.

"Oh nadiyan na pala sila eh! Baste! Prinsesaaaa!" Sigaw niya tsaka agad kaming nilapitan sabay yakap sa akin tapos bro fist kay Kuya. Nagsisunuran naman agad ang iba sabay hug sa akin at bro hugs or fist kay Kuya. Ginulo pa nila Kuya Jiro yung buhok, sila Alex at Drake naman, di na humiwalay sa akin at pinulupot na nila ang mga kamay nila sa braso ko, ayan nahirapan tuloy, tatangkad kasi.

"Prinsessaaa! Namiss ka namiinnn!" Sigaw ni Drake sabay higpit na akap sa braso ko, di naman nagpatalo si Alex at sumandal pa. Natawa nalang ako sa kakulitan ng dalawa ng biglang may naghila sa akin papalayo. Pagtingin ko, si Gavin pala. Oh? Kararating lng rin niya?

"Aray!" Sabay na reklamo nila Drake at Alex dahil binanggan pa talaga sila ni Gavin nung pagagaw niya sakin. Hindi naman sila pinansin ng mokong at pinaupo na agad ako sa damuhan. Tinawanan nila Jeth yung dalawa at nagsisunuran na ng upo.

Tumabi sa akin si Gavin at nang lingunin yun kaliwa ko, ang nakangiting Drake na sana ang uupo ng bigla siyang tinulak ni Kuya Twin.

"Baste naman! Tatabi lang ako kay Prinsesa kasi namiss ko siya eh!" Nakasimangot na saad ni Drake.

"Ikaw ba yung kapati-"

"Tumahimik ka Drake, ah," biglang saad ni Gavin tsaka nilingon ang iba at nakipagbro fist tsaka kumustahan. Mas lalong sumimangot si Drake at nagmaktol, tinawanan nalang siya ni Alex. Aba, ang seryoso ni Gavin ngayon ah, ano kayang nakain ng lokong to?

"So, guys! Dahil kompleto na tayo! Magsimula na tayo! Ang lalaruin natin ngayon ay Truth or Dare! And as you can see may bottle na tayo dito at nakaform na tayo ng circle!" Ay oo, ngayon ko lang napansin yung bottle na nasa gitna.

"Kaya, wag ng magpatumpik tumpik pa! Magsimula na tayo, alam niyo naman na siguro ang mechanics no? Kung sino magpapaikot, yun yung magtatanong, tapos kung sino yung matatapatan, tatanungin. At super easy rules, be honest at dapat gawin talaga kung ano yung dare. So wala na tayong oras, let's start! Ikaw na umuna Drake, tutal bahay mo to," hindi naman na umangal si Drake at agad na pinaikot yung bola. Tumapat eto kay Gavin kaya nawala ang masayang mukha ni Drake at sumimangot ulit.

"Truth or Dare?" Labag sa kaloobang tanong ni Drake.

"Truth."

"Ba't ang sungit sungit mo ngayon?"

"Nawala ako bigla sa mood, eh."

"Bakit nga?"

"Oops, one question at a time pala tayooo!" Biglang singit ni Ian na siyang host kunyare. Napagulo naman ng buhok niya si Drake at sinamaan ng tingin si Gavin na ngumisi lang. Pinaikot naman na agad ni Gavin ang bottle at tumapat ito kay Trevor. Dare ang pinili nito kaya pinasayaw siya ni Gavin ng Twerk It Like Miley, knowing na alam naman pala nilang di gaanong sumasayaw ang kambal.

Kaya nagtawanan lang kaming lahat habang nagvivideo pa sila Kuya Twin..

-------------

Special Section: Class 4-A | ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon