抖阴社区

                                    

"Pero Prinsesa, di kami nakabili ng regalo para sayo, eh."

"Hala oo nga! Paano na yan?"

"Hay nako! Wag niyo ng problemahin yan! Pasasalamat ko na rin sa inyo dahil nandiyan kayo palagi para suportahan at protektahan ako," saad ko sa kanila tsaka ko sila nginitian isa isa. Nagngitian nalang rin ulit sila tsaka nagpasalamat, niyakap pa ko ng kambal na agad namang hinablot nila Alex at Drake paupo.

"Pero prinsesa, hindi naman namin hahayaan na ikaw lang may regalo sa amin, syempre meron rin kami! Next time na nga lang. Pagbalik nalang natin sa school, sure na yun may regalo na kami sayo!" Sabi ni Kuya Ryan na sinangayonan naman nilang lahat, nagpasalamat nalang ako kasi parang nakapagdesisyon na talaga sila eh, tumayo na ako at tiningnan sila isa isa.

"So, mauuna na kami ni Kuya, nagpromise kasi kami kela mommy na uuwi rin kami kaagad eh, kitakits nalang tayo next time! Merry Christmas guys!" Sabi ko at nagsitayuan na rin sila tsaka nagbatian na kami at nagyakapan. Isa isa na rin kaming umuwi agad.

Pagdating namin sa bahay, tsaka ko lang naramdaman ang pagod kaya nagpaalam muna ako kela Daddy na matutulog lang ako saglit, pinayagan naman na nila ako, busy rin kasi sila naghahanda ng foods eh. Humiga na rin agad na ako sa kama ko at chineck yung phone ko ng makitang may nagtext.

"See you later ;)" - Gavin

Napailing nalang ako at hinayaang lamunin ako ng antok dahil nalang rin siguro sa pagod. Nakatulog akong may ngiti sa mga labi ko...

---

*Knock *knock *knock

Naalimpungatan ako at agad na bumango para buksan ang pinto.

"Ma'am Zeline, pinapatawag na po kayo ng Daddy niyo po sa ibaba," magalang na saad ng isa sa mga katulong namin, tumango ako at nginitian siya. Napasulyap ako sa orasan na nasa kwarto ko at nanlaki ang mga mata ko ng makitang 8 na. Agad akong bumaba at nakita kong tapos na lahat ng gawain, may mga bagong decor na nailagay na sila Mom sa salas at super linis na dun! Nakita ko naman na sila na nakatayo at lumingon sakin ng mapansin ako.

"Hey there, sweety, did you have a nice sleep?" Nati ni Mom sa akin at hinalikan agad ako sa cheeks, ganun din si Daddy. Napansin kong bihis na bihis na sila.

"Mom! Bat di niyo ko ginising? Hindi tuloy ako nakatulong sa preparations!" Maktol ko, tinawanan lang nila ako.

"Princess, we tried to wake you up kasi we know that you'd love to help us but we saw that you were having a nice sleep kaya tinigil din agad namin at hinayaan ka nalang," sabi ni Daddy at ginulo yung buhok ko, nagpout nalang ako ng bigla akong niyakap ni Mommy.

"Hay, our baby. Anyways, get dress already, Gavin and his parents are coming na, nagbibihis na rin yung Kuya mo," sabi ni Mom kaya nagnod nalang ako at umakyat na sa itaas para makapagbihis.

I just wore a simple red cocktail dress na hanggang knee with white lining all over it's side, I paired it with my white doll shoes and put a powder and a little bit gloss on my lips. Sinuot ko na rin yung necklace at bracelet na binili namin nila Mom. Pagkatapos ay bumaba na agad ako ng makarinig ako ng busina ng kotse sa labas.

Pagbaba ko sa sala, saktong nandun na sila Mom at nakikipagbeso kela Tita Tin, short for 'Thrinity' at Tito Kin, short for 'Aquin'.

"Hey Tin! I missed you!" Magiliw na sabi ni Mom tsaka niyakap si Tita, nag bro hug naman sila Dad at Tito tsaka nagkumustahan.

"Gavin pare!" Saad ni Kuya at nakipagbro fist kay Gavin, nagsmile rin ako sakanya tsaka siya niyakap.

Nang mapansin kami nila Tita, nagsmile agad sila sa amin ni Kuya at agad kaming niyakap.

Special Section: Class 4-A | ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon