Naging maganda ang laro ng magkalaban na section at sa tuwing makakascore naman ang Class 4-A ay magsisigawan ang halos lahat ng babae sa loob na gym, at hindi rin naman mapigilan ng ibang lalaki na umidolo sa laro ng mga ito. Hindi maipagkakailang napakahusay ng mga ito.
Nakangiti lang akong nakatingin sa kanila ng nasa bench na silang lahat at umiinom ng tubig dahil tapos na ang laro at sila ang nanalo. Super tight ng laro, naghahabulan lang sila ng scores pero sa 4th quarter ng laban ay nagpursigi ang Class 4-A, paving their way to victory.
Tumingin sila sa gawi ko at sabay na nagwave sa akin ang barkada na may nakapaskil pa na ngiti sa mga mukha.
Nang tapos na silang makainom at makapagpahinga ay tsaka pa sila umakyat pabalik dito sa upuan namin.
"Oh prinsesa, galing naming maglaro no? Panalo!" Pagmamayabang ni Drake tsaka natawa, nagpigil naman ng tili ang mga babaeng nakakita.
"Oo na, oo na, magaling na kayo!" Natatawa ko ring saad.
Nagsiupuan na sila at pagkatabi sa akin ni Kuya Twin ay agad itong nagpapunas sa akin ng towel sa likod. Nainggit na naman agad ang mga nakakita.
Pagkatapos kung punasan ang likod nito ay umayos na ako ng upo. Naramdaman ko naman ang kamay ni Gavin na pumulupot sa bewang ko pagkatapos ay may binulong.
"Nakatingin sayo kanina ang mga lalake sa katabing bench, puno ng pagnanasa ang mga mata nila habang nakatingin sayo. Manghang mangha rin sila sa kagandahan mo, Loi. Nagseselos ako," bulong niya na agad kong ikinatawa at hinampas siya.
"Baliw, wala akong pakialam sakanila oy!" Tugon ko, napangiti naman agad siya at sumandal sa akin, pagod pa 'to.
"That was an amazing game! So now, let's proceed to the girls! Class 4-B versus Class 4-C! And announcement, Miss Alcantara, please join the Class 4-C to their play against Class 4-B girls!" Anunsyo uli ni Sir Manansala kay ako naman ang napatingin sa boys. Nandiyan na naman ang mga nababahalang tingin nila, lalo na ng barakada.
Tiningnan ko lang sila at nginitian para hindi na sila mag-alala. Bababa na sana ako sa court ng biglang hinawakan ni Gavin ang kamay ko at hinimas himas. Nginitian ko lang siya at tuluyan ng bumaba.
Pagkadating ko sa court kasama ang Class 4-C girls, sumulyap ulit ako sa bleachers namin at nakita ko silang nagthumbs rin sa akin, ngumiti na lang rin agad ako at nagwave sa kanila.
Sinabihan pa kami ng referee sa mga rules na kailangan naming sundin. Sila Allysa naman na nasa kabilang linya ay tinatapon ako ng mapang-asar na tingin. May pangisi ngisi pa silang nalalaman.
Nagsimula na ang laro at si Trexie naman ang nagserve ng bola, nakuha ito ni Trina na taga Class 4-C.
Napatuloy ang lari, minsan nakukuha ko ang bola minsan naman ay taga-block lang ako nito.
Nagtapos ang 1st set at lamang ang Class 4-B. Tinatapunan naman ako nila Nami ng nagmamalaking tingin at nginisigan pa ako. Tila ako lang mag-isa anag kalaban nila dahil mahahalata sa mga kilos nito na ako ang target.
Nagsimula nanaman ang 2nd set at ganoon pa rin ang aming ginagawa, pero ngayon ay nagfofocus na kami sa pagsalo at pagblock ng bola galing sa 4-B, malalakas kasi ang mga itong magserve at mag-spike.
Sa 4-C naman, tila kami lang nila Tima, Tel at Trina ang kumakayod para manalo dahil yung iba hindi masyadong lumalaro, yung parang naglaro lang sila para sa grades, may maipakitang moves pero walang balak magpanalo.
Nagtapos ang 2nd set hanggang sa nag change court nalang kami. Natapos ang 3rd at nakalamang na kami.
Napatingin ako sa gawi ng 4-B at nakita kong seryoso na silang nagpaplano sa gagawin nila, 'di maipagkakailang magaling na manlalaro ang mga ito, walang wala ako.

BINABASA MO ANG
Special Section: Class 4-A | ?
Teen FictionMagbest friends na sila Shelanie at Stephanie simula pa noong first year high school sila. They were happy and contented kahit dalawa lang sila. Not until magtransfer sila sa isang school at mapunta sa isang section na puno ng kalalakihan. Betrayal...
Chapter 35
Magsimula sa umpisa