抖阴社区

                                    

Nagpatuloy ang laro hanggang 4th set. Mas naging determinado ang 4-B na ipanalo ang laro. Nangunguna pa rin sila, natetense na rin ako at ang mga kasama ko, nawawalan ng pag-asa na manalo.

Tumutulo na ang mga butil ng pawis mula sa noo ko. Dumadaan ito sa mga mata ko kaya napapapikit ako.

Nagconcentrate nalang ako ng mabuti sa pwesto ko, tinitingnan ang bawat galaw ng bola, nang may tumulo na naman na butil ng pawis sa mga mata ko kaya napapikit ako tuluyan at napayuko. Pupunasan ko na sana ang mga mata ko gamit ang shirt ko ng biglang isinigaw ang pangalan ko ng mga taga Class 4-A kaya napalingon ako sa gawi nila.

May itinuturo sila sa court, sa gawi ng Class 4-B girls, kaya nagmadali akong punasan ang pawis ko pero nahuli na ata ako.

Saktong paglingon ko pabalik sa gawi ng kalaban para ipaglatuloy ang laro, sumalubong sa akin ang isang bolang mabilis na bumulusok papunta sa akin.

Nakarinig ako ng mga sigawan at naramdaman ko nalang ang buong katawan ko na sumalampak sa sahig ng court at tuluyan ng dumilim ang paligid ko..

---

Gavin's POV

"SHELANIIIIEEEEEE!" Sigaw namin ng makita naming nagspike yung isang babaeng maitim ang buhok at agad na bumulusok ang bola papunta sa pwesto ni Loi na ngayon ay nagpupunas pa ng pawis.

Napatingin sa amin si Loi at agad na napalingon sa itinuturo namin pero hindi na siya nakaiwas at tuluyan ng tumama sa may noo niya ang bola na ikinabagsak niya sa sahig.

"SHT! TWIN!" Sigaw agad ni Baste at naging hudyat iyon ng pagtakbo namin pababa sa court kung nasan si Loi na pinapalibutan na.

Iwinakli namin lahat ng nakaharang sa daan namin hanggang sa makita namin na si Loi na nakahiga at dumudugo ang gilid ng noo malapit sa sentido.

"PRINSESA! FCK! TABIII!" Nagpapanic na sigaw nila Jiro at agad na pinabitaw ang mga nakahawak kay Loi at binuhat na agad ito palabas ng gym.

Pagkatapos mailabas nila Jiro si Loi, nagpaiwan muna kaming dalawa ni Baste at nanggagalaiti na hinarap yung tatlong babaeng tumatawa tawa pa habang nakatalikod sa gawi namin.

Nagmartsa na agad si Baste papunta sa pwesto ng tatlo at hindi na nakapagtimpi ito, agad niyang hinawakan ang t-shirt ng babaeng may itim na buhok at inilapit sa kanya.

"Tang*na mo! Alam kong sinadya mong gawin yun! Pinapanuod mo lahat ng galaw ng kambal ko kaya nung makita mong nagpunas siya ng pawis ay agad mo ng tinira! Walang hiya kang babae ka!" Galit na galit na sigaw ni Baste doon sa babae, tiningnan ko naman ang dalawa pa nitong kasama at agad ring nilapitan tsaka itinulak ng malakas ang mga ito.

Napahinga ako ng malalim at nagtimpi ng lubos-lubosan. Maliit nalang ang pasensyang natitira sa akin. Makakapatay ako ng tao ngayon 'pag ako 'di nakapagtimpi.

"'Pag may masamang nangyari kay Shelanie, malalagot kayo sa akin naiintindihan niyo ba yun? Malalagot kayo sa akin!" Sigaw ko sa kanila tsaka sila dinuro duro. Napaiyak na sila ng muli ko silang itinulak kaya tuluyan na silang sumalampak sa sahig at napaiyak.

Pasalamat sila at nakakapagtimpi ako ng ganito dahil babae sila. Kung hindi, baka tuluyan ko na silang nabugbog!

Nilingon ko si Baste at nakita kong akmang sasampalin na niya ang babae kaya nagmamadali ko itong pinigilan at sinubukang pakalmahin.

"Baste, pare, tama na 'yan, babae 'yan," pigil ko sakanya habang hawak siya sa kamay para 'di matuloy ang pagsampal nito at ang braso para itulak papalayo na sa babae.

Ibinaba na ni Baste ang kamay niya pero nakahawak pa rin ito sa babaeng nanginginig na sa takot.

"Isinawalang bahala ko lang ang mga pambubully niyo sa kambal ko. Isinawalang bahala ko lang ang pagtapon niyo ng kung ano ano dito. Pagbasa niyo dito at ang paglalagay ng kung ano ano sa locker niya. Isinawalang bahala ko lang kasi 'di naman siya nasasaktan physically at dahil na rin ayaw ko siyang pakialaman.

Pero ang umabot kayo sa puntong ganito? Yung nananakit na kayo? Hindi ko palalampasin to. Pagbabayaran niyo to!" Galit nitong sigaw tsaka itinulak ng malakas ang babae kaya sumalampak rin ito sa sahig, nagpunas ng pawis si Baste at tinalikuran na ito.

Tiningnan ko muna sila isa isa ng masasamang tingin tsaka tumalikod na at patakbong sumunod kay Baste..

---

Baste's POV

"Mga p*tang*na nila! Kay babaeng tao! Mga walang magawa sa buhay!" Hindi pa rin humuhupa ang galit ko habang nandito sa labas ng emergency room. Kasama ko ang buong Class 4-A.

"Kitang kita at halatang halata na simula pa lang ng laro, si prinsesa na ang target nila. Mga tang*na!" Pagmumura rin nila Jeth. Halos lahat kami ay 'di matapos kakamura sa mga babaeng yun! Ugh!

Ilang minuto na kaming nandito sa labas ng ER, simula noong naihatid nila Jiro si Twin dito.

"Excuse me, kayo ba ang kasama ng pasyente?" Biglang labas ng doktor galing ER.

"Yes doc, kamusta na po ang kambal ko?"

"She's already fine. We cleaned her wound already and we ran some test na if may injury bang natamo ang ulo niya. But thanks god ay wala lang ito. Nagkaroon lang ng bukol ito at baka magising na rin mamaya. Pero kailangan pa natin siyang pagpahingahin ng mabuti," saad ng doctor tsaka kami tinanguan at umalis na.

"Hoo! Kingina! Akala ko mauulit yung nangyari nung huling insidente! Salamat lord!" Tugon ni Keith.

Napahinga kaming lahat ng maluwag. Napasalampak sa upuan sila Ian, Keith, Kurt at Jeth na parang hapong-hapo sa nangyari.

Napaharap naman sila Drake, Alex, Zach, Jiro at Ryan sa pader tsaka sinuntok suntok ito ng mahina.

Napahilamos ako sa mukha ko at napaupo sa sahig, tinabihan naman ako ni Gavin na nakakunot pa rin ang noo at hinahabol pa rin ang hininga niya.

"Salamat naman at walang nangyari kay Loi, kung hindi, 'di na talaga ako magtitimpi, makakatikim sa akin ang mga iyon kahit babae pa sila."

"Salamat talaga. Salamat at ayos lang ang kakambal ko. Kasi kung may nangyaring masama dun, makakapatay ako.. Pero 'di ko palalampasin to... Magbabayad sila.."

---------

Special Section: Class 4-A | ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon